Adobe Sign

Magagamit ang mobile device mo para sa seryosong gawain.

Sa Adobe Sign mobile app, hawak mo ang kakayahang panatilihing tuloy-tuloy ang negosyo — sa mga palad mo mismo. Pinapadali ng pinakanangungunang e-signature solution sa buong mundo na lumagda ng mga dokumento kahit saan.

Adobe Sign

Magagamit ang mobile device mo para sa seryosong gawain.

Sa Adobe Sign mobile app, hawak mo ang kakayahang panatilihing tuloy-tuloy ang negosyo — sa mga palad mo mismo. Pinapadali ng pinakanangungunang e-signature solution sa buong mundo na lumagda ng mga dokumento kahit saan.

Adobe Sign

Paganahin ang Adobe Sign mobile.

I-download ang mobile app namin — at i-experience ang kalayaang mag-send ng mga dokumento para palagdaan kahit saan. Subaybayan ang pag-usad ng e-signing. Makakuha ng mga real-time na update. Gawin ang mahahalagang gawain mula sa ginahawa ng paboritong mobile device mo.

App Store
Google Play

Ang pagiging wala sa opisina ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng kontrol.

Hindi kailangang huminto ang trabaho kapag wala ka sa opisina. Gamit ang electronic signature app namin, makukuha mo ang lahat ng kailangan mo para masubaybayan ang mga kontrata at kasunduan mo kahit saan.

Mobile workforce

Mobile workforce.

Kung bahagi ng trabaho mo ang pagbiyahe, o dinadala ka ng trabaho sa field, magagawa mong mag-send ng mga dokumento na lalagdaan, makakuha ng mga e-signature nang personal — kahit pa offline ka — at sumubaybay ng status, lahat sa mobile device mo.

Personal na e-signing

Personal na e-signing.

Kung nagtatrabaho ka nang face-to-face sa mga customer, pasyente, o mamamayan, bigyang-daan silang lumagda sa paraang kinasanayan nila — habang pinapanatiling ganap na digital ang mga proseso mo — sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga e-signature nang personal.

Pag-manage ng kontrata

Pag-manage ng kontrata.

Kung ikaw ang responsable para sa sales, procurement, o mga legal na kontrata, hindi ka pwedeng maantala. Sa Adobe Sign mobile app, magagawa mong mag-send, mag-countersign, at sumubaybay ng mga kasunduan kahit saan, sa kahit anong device.

Pwede ka pa ngang tumingin ng audit trail ng bawat dokumento. Inaalis ng Adobe Sign ang pagiging kumplikado ng pag-manage ng dokumento.


Sa papel o digital

Sa papel o digital. Ayos lahat dito. 

Pabilisin ang pagproseso sa mga patong-patong na papel. Mabilis lang mag-scan at lumagda ng mga papel gamit ang Adobe Sign mobile app at camera ng device mo.

Awtomatikong makakuha ng pagbabago ng buong dokumento. Ikina-crop, itinatama, at inihahatid ang mga na-scan na papel bilang Adobe PDF na pwede nang magdaan.

Mag-access ng mga file sa cloud. Sa device mo, kumuha ng mga file mula sa library ng Adobe Document Cloud, Box, Dropbox, o Google Drive account mo.

Sa papel o digital
Mangolekta ng mga signature

Mangolekta ng mga signature sa paraang gusto mo.

Mag-send para palagdaan. Napakadali na ngayong lumagda ng mga dokumento at mangolekta ng mga signature. Piliin lang ang dokumentong gusto mong palagdaan. Ilagay ang mga email address ng mga signer mo. I-tap ang “I-send” at iyon na 'yon.

Lumagda sa kahit anong browser, sa kahit anong device. Makakatanggap ang mga signer ng email na may link sa dokumento mo, na iki-click lang nila para mabuksan at malagdaan. Walang kailangang pag-download o mobile app.

Makakuha ng mga signature nang personal. Kapag face-to-face kayo, madaling panatilihing ganap na digital ang mga dokumento. Hilingin lang sa mga tao na lumagda sa mobile device mo gamit ang daliri o stylus.

Sumubaybay at mag-manage

Subaybayan at i-manage ang bawat hakbang. 

Manatiling updated. Subaybayan ang mga dokumentong kailangan mong lagdaan at ang mga ipinadala na para palagdaan. Tingnan ang mga history ng dokumento. Mag-send ng mga paalala sa mga taong hindi pa nakakalagda.

Panatilihin itong real-time. Subaybayan ang mga tugon gamit ang mga real-time na update sa status. Mabilis na tingnan ang mga kasunduang naka-store sa online account mo — sa kahit anong device.

Insight sa isang sulyap. Kapag gipit ka sa oras, tingnan kung ano nang balita sa kasunduan o mag-send ng bagong kahilingan para sa signature – mula mismo sa home screen mo. 

Sumubaybay at mag-manage

Kamangha-manghang Adobe. Built in ito sa bawat feature ng Adobe Sign.

Mga Digital Signature sa cloud

Mga digital signature sa cloud.

Mula sa Adobe Sign mobile app, pwede kang magdagdag ng field ng signature na humihiling ng high-assurance na digital ID bago ito ipadala para palagdaan.

Huwag kaligtaan ang fine print

Reading Mode para mabasa ang fine print.

Gamit ang Reading Mode sa iOS device mo, mag-tap para mag-reflow ng text para sa mas madaling pagbabasa. Mag-zoom in o mag-zoom out para baguhin ang laki ng text. 

Mahuhusay na recipient role

Mahuhusay na recipient role.

Pwede kang magtalaga ng mga partikular na gawain sa mga partikular na kalahok, tulad ng Signer o Tagapag-apruba.

Ano pa ang kailangan mong malaman?

Mga legal na e-signature.

Sumunod sa mga pinakamabusising legal na kinakailangan. Madali lang ito sa Adobe Sign.

Ang kumpletong gabay.

Mag-design ng mga proseso ng negosyo na masusundan ng lahat sa lahat ng pagkakataon.

Mga digital signature.

Gumamit ng mga certificate-based na digital ID para matugunan ang mga high-assurance na kinakailangan sa pag-authenticate ng pagkakakilanlan ng signer.

Marami ka pa bang gustong malaman?

Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong pangangailangan sa negosyo, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.