Gumawa ng mga PDF mula sa iba pang uri ng file sa ilang click.

pababang arrow

Mag-convert ng mga Microsoft na dokumento sa mga PDF file.

Bilang pinakamahusay na panggawa ng PDF, pinapadali ng Adobe Acrobat ang paggawa ng mga de-kalidad at nashe-share na PDF mula sa mga Microsoft Office na dokumento at format ng file mo — kabilang ang Microsoft Word, PowerPoint, at Excel. Ang formatting, mga font, at mga bilang ng page ay magiging katulad ng nasa orihinal mong dokumento.

Gawing PDF ang image.

Sa ilang tap lang, pwede ka nang mag-convert ng mga image file — kabilang ang JPG, PNG, BMP, GIF, at TIFF — sa PDF na pwedeng tingnan palagi sa mga device at desktop.

Gumawa ng nae-edit na PDF mula sa scan.

Gamit ang Adobe Scan mobile app, pwede mong i-scan ang anumang dokumento o image at i-save ito bilang PDF. Gamit ang Adobe Acrobat at Acrobat Reader, ang pinakamahuhusay na available na app sa pag-edit at pagtingin ng PDF, pwede mo itong gawing PDF file na may text na pwedeng hanapin at i-edit nang mabilis.

Gawing PDF ang HTML. Sa isang click.

I-convert ang anumang HTML webpage sa PDF na dokumento na gumagana at kumikilos tulad ng webpage — nang napapanatili ang mga naki-click na link, image, at formatting.

Sa Acrobat, pwede ka talagang gumawa kahit saan.

Ang Adobe Acrobat ang all-in-one na PDF solution na makakatulong sa iyong gumawa ng mga PDF at manatiling produktibo — kahit saan, kahit kailan. Hindi lang pang-convert ng PDF, pinapabilis din ng Acrobat ang mga workflow sa pamamagitan ng pagpapadali ng paggawa, pag-edit, pag-share, at paglalagay ng e-sign sa mga PDF on the go sa desktop, mobile, at web. Pwede mo ring bawasan ang laki ng file kung kinakailangan para makapag-share ng de-kalidad na PDF na pwedeng tingnan ng mga recipient sa anumang screen nang walang kahirap-hirap.

Subukan ang mga online na tool para sa on-the-spot na kakayahan ng PDF tool.

Pwede mong subukan ang ilan sa mga PDF tool namin ngayon mismo — online, on the spot. Tuklasin kung gaano kadali at kahusay gumamit ng mga PDF sa Adobe Acrobat.

gawing pdf ang word

Gawing PDF ang Microsoft Word na dokumento

Mag-convert ng mga Word file sa PDF nang walang kahirap-hirap.

gawing pdf ang jpg

Mag-convert ng image sa PDF

Gawing PDF ang isang image file, kabilang ang JPG, PNG, BMP, GIF, at TIFF.

gawing pdf ang ppt

Gawing PDF ang Microsoft PowerPoint

I-convert ang Powerpoint file mo sa PDF.

gawing pdf ang excel

Gawing PDF ang Microsoft Excel

Gawing PDF ang Excel na dokumento.

Umasa sa Adobe — ang nangunguna sa mga PDF solution sa buong mundo.

Mahigit limang milyong organisasyon sa buong mundo ang umaasa sa kadalian at seguridad ng Adobe Acrobat para gumawa at mag-edit ng mga PDF kahit saan. Ito rin ang pinakamagandang paraan para mag-convert ng mga PDF sa mga Microsoft 365 file na handa nang gamitin. Pahusayin ang collaboration, manatiling produktibo, at panatilihing tuloy-tuloy ang negosyo gamit ang Adobe — ang kumpanyang nag-imbento ng PDF format.

Pumili ng plan na may mga feature na kailangan mo.

Acrobat PDF Pack

Gumawa, mag-edit, at lumagda ng mga PDF nang walang palya.

498
. 00

/mo

₱5,976.00

Sinisingil taon-taon sa halagang ₱5,976.00/taon


Pinakasulit

Acrobat Pro

Ang kumpletong solution sa anumang device.

997
. 00

/mo

₱997.00

Kailangan ng taunang commitment. Para sa Windows at Mac.


Marami ka pa bang gustong malaman?

Nakaantabay ang mga eksperto namin sa Acrobat.

May mga tanong? Mag-chat tayo.
chat_icon

Hinahanap ang Acrobat Reader?  

May mga available na Lisensya para sa Mga Team.  Alamin pa

I-explore kung ano pa ang magagawa mo sa Adobe Acrobat.