.
Adobe Acrobat

Pang-convert ng Excel sa PDF

Mag-drag at mag-drop ng Microsoft Excel file (XLSX o XLS) para magamit ang pang-convert ng Excel sa PDF namin.

Paano mag-convert ng Excel file sa PDF

Sundin ang madadaling hakbang na ito para alamin kung paano mag-convert ng mga Excel file sa mga PDF online:

Isang Microsoft Excel spreadsheet na kino-convert sa PDF file
  1. I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng file sa drop zone.
  2. Piliin ang file na gusto mong i-convert sa PDF format mula sa XLS o XLSX.
  3. Pagkatapos i-upload ang Excel sheet, awtomatiko itong iko-convert ng Acrobat sa PDF na format ng file.
  4. I-download ang na-convert mong PDF o mag-sign in para i-share ito.

Subukan ang libre naming pang-convert ng Excel sa PDF

Isang PDF at spreadsheet na may mga arrow na ipinapakita ang proseso ng pag-convert ng Excel sa PDF

Mag-convert ng mga Excel file sa PDF online

Gumawa ng mga PDF file nang walang kahirap-hirap gamit ang mga online na serbisyo ng Adobe Acrobat. Binibigyang-daan ka ng tool na pang-convert ng Excel sa PDF ng Acrobat na gawing PDF na dokumento ang isang Microsoft Excel spreadsheet.

Isang graphic ng orasan na kulay grey at pula na kumakatawan sa kung gaano kabilis ang mga pag-convert ng Excel sa PDF.

Mabilis na pag-convert ng Excel sa PDF

Ilang segundo lang ang pag-convert ng Excel worksheet sa bagong PDF file. Mag-drag at mag-drop lang ng workbook, o mag-upload ng Excel na dokumento mula sa mga naka-save mong folder.

Isang PDF na dokumentong may icon na magkomento na nagpapakita ng mga pagsusuring madaling i-share

I-streamline ang mga pagsusuri ng dokumento

Pagkatapos gumawa ng PDF file, i-share ang file para sa pagsusuri sa pamamagitan ng pag-sign in sa Acrobat. Makakapagkomento ang lahat sa parehong PDF online, at magagawa mong sumagot sa mga komento at @banggitin ang mga tao.

Isang spreadsheet na may pen na nagpapakita kung paano mo mae-edit ang Excel file mo online

Mag-edit nang libre sa Excel online

Alam mo bang pwede kang mag-edit ng mga Microsoft Excel spreadsheet online nang libre kapag nag-sign in ka sa Acrobat? Pumili ng Excel workbook, at hayaan ang Acrobat na buksan ito sa Microsoft Excel para sa web.

Isang badge na may lock na kumakatawan sa pinagkakatiwalaang privacy ng PDF

Panatilihing pribado ang content mo

Pinakamahalaga ang privacy sa Adobe. Kung hindi ka magsa-sign in sa Acrobat para i-save ang file mo sa online na account mo, made-delete ito sa mga server namin.

Isang PDF na nagpapakitang ibinibigay ng mga online na serbisyo ng Adobe Acrobat ang pinakamahusay na pang-convert ng Excel sa PDF

Isang pinagkakatiwalaang pang-convert ng Excel sa PDF

Ang Adobe ang nag-imbento ng PDF, kaya bakit hindi gamitin ang mga nangungunang PDF tool sa industriya? Gamit ang online na tool namin na Gawing PDF ang Excel, pwede kang mag-convert ng mga XLS at XLSX file sa PDF nang may kumpiyansa.

May mga tanong? Masasagot namin 'yan.

isang text bubble, pencil icon, at stacked PDF icon na kumakatawan sa mga libreng online Acrobat tool

Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre

  • Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
  • Magdagdag ng mga komento, magsagot ng mga form, at mag-sign ng mga PDF nang libre
  • I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device

I-rate ang experience mo

I-rate ang experience mo
4.7/5-20253mga boto

Subukan ang mga online tool na ito ng Acrobat