Ano ang Adobe Liquid Mode?

Ginagamit ng isang lalaki ang Adobe Liquid Mode sa kanyang iPad.

Alamin kung paano mo mas mapapaganda ang view at pag-navigate sa mga mobile PDF gamit ang Adobe Liquid Mode.

Kung nabasa mo na ang PDF sa smartphone o tablet mo, malamang na nakaramdam ka na ng inis dahil sa dami ng pag-pinch at pag-zoom na kailangan mong gawin. Hindi lang ito nakakaabala, posibleng ma-miss o hindi mo mapansin ang mahahalagang detalye sa dokumento. Para tulungan ka sa mga problemang ito, i-explore natin kung paano mo magagamit ang Adobe Liquid Mode para mapaganda pa ang viewing experience mo sa mobile.

Ano ang Adobe Liquid Mode? Magbasa pa para malaman kung paano mapapahusay ng feature na ito ang PDF experience mo.

Pareho ba ang Adobe Liquid Mode sa responsive design?

Pareho ang Adobe Liquid Mode sa responsive content pages—ina-adjust nito ang mga PDF para mag-fit sa anumang device na ginagamit mo. Kapag pinili mo ang Liquid Mode icon, gagamitin ng Adobe Acrobat ang artificial intelligence (AI) assistant na Adobe Sensei para pag-aralan ang content ng PDF at i-adjust ito sa mobile responsive reading format.

Pinapahusay ng Adobe Liquid Mode ang mobile PDF readability.

Tulad ng reader modes sa mga website, ginagawang mas readable ng Liquid Mode ang mga PDF para sa mas maliliit na screen. Makakasiguro ka na hindi nito binabago ang mismong PDF, at sa halip ay nire-reformat nito ang mga heading, paragraph, at image para makagawa ng mas magandang flow para sa mobile viewing. At kung may ginagawa kang PDF, hindi mo na kailangang mag-alala kung paano gumawa ng mobile-friendly PDF. Bukod pa rito, gumagawa ito ng outline na may collapsible at expandable sections para madali mong ma-navigate ang mas malalaking dokumento.

Ginagawa rin ng Liquid Mode na mas responsive ang mga mobile PDF batay sa mga pangangailangan mo. Puwede kang maghanap ng text sa loob ng dokumento, i-expand ang mga image nito, at—para mas madaling tingnan ito—baguhin ang font size at spacing sa pagitan ng mga salita ayon sa reading preference mo.

Paano gamitin ang Adobe Liquid Mode.

Sa paggamit ng Adobe Liquid Mode sa mga PDF mo, nagkakaroon ka ng napakagandang PDF viewing experience at madaling i-activate.

  1. Buksan ang Adobe Acrobat Reader mobile application.
  2. I-tap ang liquid icon sa itaas ng navigation. Matutukoy mo ang icon na ito dahil sa isang drop sa ibabaw ng maraming text line.
  3. I-tap ulit ang icon para isara ang Liquid Mode.

Ginawa ang Liquid Mode para i-shift ang desktop perspective para mag-fit sa mobile format, pero puwede rin itong gamitin sa ibang uri ng device.

Gumagana ba ang Adobe Liquid Mode sa desktop?

Sa ngayon, gumagana lang ang Adobe Liquid Mode sa mga Chromebook desktop device. Puwede mo ring gamitin ang Liquid Mode sa iOS 14.0 o mas mataas pa at Android phones 5.0 o mas bago. Hindi pa supported ang mga Android device na wala pang 1GB RAM o x86 processors.

Iba pang PDF readability at sharing resources.

Tuklasin ang iba pang magagawa mo gamit ang Acrobat para madaling mag-convert sa PDF, mag-edit ng PDF online, at magpadala ng mga PDF saan ka man makarating.