Adobe Stock para sa enterprise.
Ginawa para sa mga creative, pinalawak para sa negosyo.
Kailangan ng mga creative team na mabilis na maghatid ng naka-personalize at nakakaengganyong visual content nang malawakan. Ang Adobe Stock para sa enterprise ay may milyon-milyong na-curate nang mabuti at royalty-free na asset para pahusayin ang pagkukuwento ng brand, sa loob mismo ng mga Creative Cloud app. Makakuha ng unlimited na access sa Adobe Stock sa Pro Edition plan ng Creative Cloud.
Tingnan kung paano gamitin ang kakayahan ng Adobe Stock at i-level up ang content mo.
“Talagang kapaki-pakinabang ang mahusay na paghahanap sa Adobe Stock at ang kakayahan nitong magkategorya ng content at bumuo ng Mga Library sa Creative Cloud mula rito. Sa tulong nito, nakapaglunsad kami ng isang naka-streamline na workflow para sa lahat ng proyekto namin, na nakakatipid ng napakaraming oras.”
Bridget Esposito, VP at Creative Director, Prudential Financial
Adobe Stock: JenkoAtamanx
Natatangi at iba't ibang content.
Mag-access ng iba't ibang marketplace ng mga royalty-free na larawan, video, audio file, template, vector, illustration, at 3D asset — na iniambag ng komunidad ng mga sikat at bagong artist na mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Nagbibigay ang mga Pro Edition plan ng Creative Cloud ng unlimited na access sa mga asset sa Adobe Stock. Alamin pa.
Mas mabilis at mas smart na paghahanap.
Makakuha ng mas mahuhusay at mas mabibilis na resulta ng paghahanap na pinapagana ng Adobe Sensei, ang artificial intelligence engine namin. Gumamit kami ng machine learning sa human click data at feedback ng user na kinalap sa loob ng maraming taon para maihatid ang mga pinakanauugnay na resulta sa pinakamabilis na paraan. Mag-filter ayon sa aesthetics, kulay, copy space, laki ng shot, anggulo ng shot, at marami pa para mabilis na matukoy ang pinakamainam na asset.
Adobe Stock: Nabi Tang/Stocksy at Westend61
Naka-built in, kung saan mo ito kailangan.
Ang Adobe Stock ay likas na na-integrate at madaling gamitin sa lahat ng paborito mong Create Cloud app — tulad ng Photoshop, Illustrator, InDesign, at Premiere Pro. At ipinakita ng pananaliksik na kapag naging bahagi ng workflow ng design team ang Adobe Stock, mapapabuti ang kahusayan nang hanggang 10 beses.
Bigyang-buhay ang mga kwento gamit ang video sa Adobe Stock.
Iwasang gumastos, matagalan, at maabala sa sarili mong shoot. Sa mahigit 22 milyong royalty-free na HD at 4K na video clip na nagpapahayag ng iba't ibang pananaw, style, at pagkatao, siguradong makakahanap ka ng shot na tutugma sa mga ideya mo at tutulong sa iyong mas mabilis na mabuo ang pinal na video.
“Napakagandang resource ng Adobe Stock. Nakakahanap kami ng mga de-kalidad na video clip, at binibigyan din kami nito ng mga hi-res na comp image na walang watermark na mas nagpapadali sa yugto ng pag-proof. Kaya, kapag hindi posible ang orihinal na shoot, ang magandang balita ay pwede kaming mag-resource ng mga stock asset sa mabilis at napakahusay na paraan — nang may mas kaunting pamumuhunan.”
Andy Campbell, Creative Director, Ogilvy EX
Tingnan kung ano'ng mangyayari sa Adobe Stock.
Pahusayin ang creativity mo.
Sumali sa live o on-demand na webinar para i-explore ang mga pinakabagong trend at magkaroon ng mga bagong kasanayan.
Makuha ang pinakabagong balita para sa mga creator.
Basahin ang blog ng Adobe Stock para sa mga napapanahong insight at inspirasyon.