CREATIVE CLOUD PARA SA MGA TEAM

Makahulugan ang bawat larawan.

Pahusayin ang performance mo sa social media gamit ang 7 pangunahing prinsipyo na ito sa pag-design.

Sa dami ng mga video, larawan, at illustration na nagkalat sa iba't ibang social channel, paano tinitiyak ng mga marketer na makikita at mashe-share ang mga visual nila?

Habang dumarami ang bilang ng mga brand na nagkakaroon ng kalamangan sa pamamagitan ng consistent na nakakaengganyong social content, mas mahalaga na ngayong maingat na pumili at mag-customize ng mga image para maging sobrang epektibo ang mga social post mo.

Narito ang 7 pangunahing prinsipyo sa pag-design para bigyan ka ng inspirasyong pumili at gumamit ng mas magagandang imagery at mga tip sa kung paano gamitin ang mga world-class na design app sa loob ng Adobe Creative Cloud para sa mga team para gawin ang mga ito. 

1.

Gumamit ng mga contrasting na font.

Kapag may kasamang mga salita at image ang mga social post mo, kailangan mong tiyaking namumukod-tangi ang mensahe at angkop ito sa image. Isang epektibong paraan para gawin ito ang paggamit ng mga contrasting na font. May ilang paraan para makuha mo ang contrast, kasama rito ang sa pamamagitan ng sukat, weight, spacing, at kulay. 

Kapag pinagsasama-sama ang mga font, contrast ang gusto mong makuha, at hindi banggaan. Hindi awtomatikong magandang pagsamahin ang mga font dahil lang magkakaiba ang mga ito. Sa pangkalahatan, mas magandang tingnan ang mga typeface na may ilang magkakatulad na katangian – tulad ng magkakatulad na proporsyon o lowercase na letra na may parehong taas, kahit na magkaiba ang pangkalahatang hitsura nila.

Makaka-access ka ng iba't ibang Font Pack mula sa Adobe, na binuo ng Adobe Fonts team at ilang espesyal na bisita.

2.

Gumamit ng colour wheel para pumili ng mga kulay tulad ng isang pro.

Naisip mo na ba kung paano nahahanap ng mga designer ang perpektong kumbinasyon ng kulay para sa isang proyekto? Gumagamit sila ng color theory – isang praktikal na kumbinasyon ng art at science na ginagamit para tukuyin kung anong mga kulay ang bagay na pagsamahin, sa tulong ng color wheel.

Pwede kang gumawa ng iba't ibang opsyon sa color scheme sa pamamagitan ng paggamit ng Adobe Color tool. Mag-explore ng iba't ibang kumbinasyon ng kulay at ipares ang mga ito sa iba't ibang paraan para bumuo ng cohesive na color palette para sa mga image mo na mang-eengganyo sa audience mo.

3.

Pagtuunan ang balanse.

Mahirap maging mahusay sa pagbalanse ng design ng image sa social media, pero sulit ang pagod dito. Ang magandang paraan para isipin ang balanse ay isipin na may ‘weight’ sa likod ng bawat element ng design mo. Kumbaga – kung inilagay mo ang image mo sa timbangan, tatagilid ba ito?

Symmetrical balance
Nagkakaroon ng harmony dahil sa symmetrical balance, na maganda para sa mga illustration, drawing, blog graphics, larawan, at marami pang iba.

Asymmetrical balance
Gumagawa ng tensyon ang asymmetrical balance at pwedeng maging kawili-wiling tingnan kapag nagawa nang tama.

Napakaimportante ng balanse kapag pumipili ka ng mga image mula sa stock library tulad ng Adobe Stock. Kapag inisip ang iba't ibang ‘weight,’ mapipili mo ang mga pinakaepektibong larawan sa maraming opsyon.

4.

Gumawa ng visual hierarchy.

Binubuo ng maraming element ang image mo sa social media, at mahalaga ang bawat isa sa kabuuang mensahe mo. Titiyakin ng tamang visual hierarchy na una mong maipapaunawa ang pinakamahalagang mensahe.

Tukuyin ang pinakamahalagang element bilang focal point at pagkatapos ay gamitin ang iba pang prinsipyo sa pag-design sa artikulong ito para gawin itong namumukod-tangi.

Pag-isipan kung ano ang pinakamahalagang mensahe at ilagay ito sa pinakamalaking font. Kapag nakaayos na iyon, pwede mo nang simulang ilagay ang pangalawa at pangatlong impormasyon nang hindi lumalayo sa pangkalahatang layunin.

5.

Sulitin ang mga linya.

Sinusundan ng mga mata natin ang mga linya at curve sa anumang image o larawan – kilala ang mga ito sa photography bilang ‘leading lines’. Napakakapaki-pakinabang isipin kung paano tatawag ng pansin ang mga linya sa mga image mo sa mga pangunahing element, tulad ng produkto o mga pangunahing mensahe at headline mo.

Kapag nagdaragdag ng mga linya sa image mo, pagtuunan nang husto kung saan tinatawag ng mga ito ang pansin ng tumitingin. Gumawa ng lohikal na path na masusundan ng tumitingin hanggang sa makaabot siya sa puntong inaasahan mo. Ang paglalagay sa pangunahing subject mo sa dulo ng leading line ang isa sa mga pinakaepektibong paraan.

Mahusay na paraan ang mga leading line para magkwento gamit ang mga image mo. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ito sa mga pangunahing bahagi ng composition mo, pwede mong maimpluwensyahan kung paano titingnan ng mga tao ang larawan o illustration mo, at mapagsasama-sama mo ang mahahalagang element at magagabayan mo ang mga tumitingin sa scene.

6.

Gawin itong madaling basahin.

Nailapat mo na ang lahat ng prinsipyo sa pag-design na natalakay na natin. Pumili ka ng perpekto at balanseng image, nagdagdag ka ng may hierarchy na pagmemensahe sa mga contrasting na font, gamit ang tamang color palette. Sa kasamaang-palad, hindi mapag-iba ang text sa background, kaya mahirap itong basahin. Nakakadismaya!

Tiyaking hindi mawawalan ng saysay ang pagsisikap mo sa pamamagitan ng pagtiyak na madaling basahin ang copy.

Gumawa ng sapat na contrast ng kulay para gawing nababasa ang text at pumili ng mga background image na may bakanteng space para sa copy.

Ang Adobe Stock ang katuwang mo rito. May opsyon ito sa pag-filter na nagbibigay-daan sa iyong tiyaking hindi matatabunan ang mensahe mo.

7.

Mahalagang maging consistent.

Ang huling prinsipyong ilalapat ay panatilihing consistent ang mga font, kulay, background, at style ng imagery. Gagawin noong mas makabuluhan ang social feed mo at itataguyod nito ang branding mo. Gumawa ng set ng mga consistent na layout para sa mga post mo sa social media – para mas mapadali ito, may buong library ang Adobe Spark ng mga template ng social post na pwede mong i-customize o gawing inspirasyon.

Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.

Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.

Single App

₱1,898.00/buwan kada lisensya


Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*

PINAKASULIT

All Apps

₱4,466.00/buwan kada lisensya

 

Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.

Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa

 

 

 Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon

May mga tanong? Mag-chat tayo.

Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise


* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.