May natukoy na mga hindi lisensyadong Adobe app ang Serbisyo ng Adobe Genuine sa device mo. Patuloy na gumawa at iwasan ang mga panganib sa seguridad sa pamamagitan ng pagkuha ng mga genuine na Adobe app. Nagbibigay ang Adobe ng 10 araw na grace period para ayusin ang isyung ito na may malalaking diskwento sa mga pamalit na app.
Sulitin ang aming mga pinakamurang available na offer na may mahigit-40% diskwento sa mga regular na presyo. Hindi pa handang bumili? Subukan ang mga genuine na Adobe app nang libre nang 7 araw at magpatuloy sa subscription na may diskwento.
Hakbang 1: Pumili ng plan
Pumili ng kahit anong single o multi-app plan para makuha ang mga pinakamurang presyong available kahit saan para sa mga genuine na Adobe app.
Hakbang 2: I-uninstall ang mga hindi lisensyadong app
Alisin ang mga hindi lisensyadong app sa device mo. Siguraduhing bumili ka ng mga pamalit na app bago mag-uninstall para hindi ka mawalan ng access sa mga eksklusibong diskwento.
Hakbang 3: Mag-install ng mga genuine na Adobe app
Mag-install ng mga genuine na Adobe app para i-access ang mga app mo at palaging kunin ang mga pinakabagong update.
Bakit mahalaga ito
Posibleng may mga panseguridad na kahinaan at mapaminsalang malware ang mga hindi lisensyadong app na pwedeng maglagay ng gawa mo sa panganib. Bilang pagsisikap na i-block ang mapanlokong aktibidad at tulungang protektahan ang machine mo, pwedeng i-disable ng Adobe ang mga natukoy na hindi lisensyadong Adobe app.
Kunin ang genuine na Creative Cloud ngayon
May kasamang 20+ creative app para sa photography, design, video, illustration, pag-manage ng dokumento, at marami pa. Mayroon kaming mga plan na may mga espesyal na diskwento. Hanapin ang plan na tama para sa iyo.
Mga genuine na Adobe app lang ang nagbibigay ng mga benepisyong ito
Binibigyan ka ng mga genuine na Adobe app ng mga pinakabagong feature at functionality, kasalukuyang access sa suporta,
at pinakabagong panseguridad na update.
Mga creative tool na idinisenyo para sa desktop at iPad
Kailangang gumawa on the go? Magsimula sa iPad, smartphone, o tablet, pagkatapos ay buksan at magpatuloy na gumawa sa desktop.
Awtomatikong pag-save sa Adobe Cloud Storage
Mase-save ang mga file mo sa Adobe Cloud Storage habang ginagawa mo ang mga ito, para ma-share mo ang mga design mo sa web, desktop, at iPad at imbitahan ang mga teammate na magkomento.
May mga tanong o kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo
Support ID mo:
${genuineId}
Creativity for all
Photography. Video. Design. UX. 3D at AR. Nasa Creative Cloud ang lahat ng kailangan mo, saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.