Kunin ang naaangkop na mga tool sa graphic design para sa trabaho.
Gawin ang lahat mula sa malilikhaing website banner hanggang sa mga simpleng display ad sa Google gamit ang Adobe Illustrator. I-access ang lahat ng kailangan mo para maiparating ang mga ideya at makapukaw ng atensyon online.
Gumawa ng mga custom na ad design.
Gawing kapansin-pansin ang mga banner sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sarili mong graphics, mga logo design, o custom na lettering.
Piliin ang pinakanaaangkop na font.
Magiging namumukod-tangi ang anumang banner ad gamit ang naaangkop na lettering mula sa Adobe Fonts.
Hubugin ang nasa isip mo.
Gumamit ng mga artboard para gumawa ng mga de-kalidad na custom na banner na may kahit na anong sukat o hugis, para sa anumang platform.
Hanapin ang ideyal na format.
Mag-export at mag-save ng mga design bilang mga JPG, PNG, o anupamang format na kailangan mo para sa mga display ad sa Google Adwords at para sa anupamang ginagawa mo.
Piliin ang mga naaangkop na tool sa pag-design.
Gawing matatagumpay na banner ang mga malilikhaing bagay na naiisip mo. Gamit ang Adobe Creative Cloud, maipagsasama-sama mo sa iisang app ang lahat ng paborito mong element ng design.
Pumili ng platform mo.
Mag-design ng banner ad mo gamit ang Adobe Photoshop, mag-animate gamit ang Adobe Express, at walang kahirap-hirap na gumawa sa iba't ibang platform.
Tumuklas ng mga kamangha-manghang larawan.
Simulan ang design mo sa pamamagitan ng template ng banner mula sa Adobe Stock at pagandahin ang resulta gamit lang ang naaangkop na stock photo.
Pahusayin ang iyong mga kasanayan sa pag-design ng banner.
I-explore ang mga tutorial na ito at magsimulang mag-design ng mga banner para sa anumang social network o ad platform.
Magsimula sa mga pangunahing kaalaman.
Malaman ang mga esensyal sa graphic design sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pangunahing kaalaman tungkol sa kulay, typography, at pag-drawing sa Illustrator.
Alamin ang tungkol sa mga pangunahing kaalaman sa graphic design
Hasain ang mga kasanayan mo sa social media.
Gamit ang tutorial na ito, alamin kung paano gumawa ng mga Facebook cover, Twitter header, at YouTube banner.
Anumang sukat ng art.
May iba't ibang sukat ng digital na banner na kinakailangan para sa iba't ibang platform. Tingnan kung paano makakatulong ang mga artboard sa mga graphic designer na baguhin nang mabilis ang sukat ng kanilang gawa.
Baguhin ang kulay ng artwork mo.
Baguhin ang mga design ng banner mo sa pamamagitan ng pag-eeksperimento sa mga buhay na buhay at nakakamanghang variation ng kulay.
Mag-explore ng mga libreng template ng design ng banner.
Simulan ang pagpapahayag ng mensahe gamit ang madaling makita at agaw-pansing mga template ng design ng banner.