Maayos na palawakin ang artwork mo.
I-maximize ang productivity mo gamit ang bagong Generative Expand. Mag-resize ng graphics, magdagdag ng bleeds, at mag-explore ng mga konsepto para sa mga propesyonal na disenyo.
Gumuhit nang tumpak at mala-pro.
Mag-unlock ng kumpletong kontrol gamit ang mas mahusay na Pencil tool. Ngayong may live preview na ito, makakaguhit ka ng mas makikinis na stroke at makakapag-render ka ng effects nang real time.
Ayusin ang mga object sa isang path.
Gamitin ang feature na Objects on Path para mag-align ng maraming object sa iisang path at ilipat at ipamahagi ang lahat ng ito nang sabay-sabay.
Gawing mga vector ang mga drawing.
Gawing digital ang raster artwork gamit ang pinakamabilis at pinakatumpak na Image Trace sa ngayon. Makakuha ng maganda at madaling i-edit na resulta na may mas kaunting anchor point.
Gumawa ng mga disenyong gumagana kahit saan, na may kahit anong laki.
Buuin ang brand mo.
Magdisenyo ng mga logo, icon, packaging, web graphics, at marami pang iba.
I-share ang mensahe mo.
Gawing print mula sa digital ang flyer o poster graphics mo nang walang kahirap-hirap.
I-scale ang gawa mo.
I-expand ang gawa mo sa kahit anong laki nang hindi nababawasan ang kalidad nito – hindi malabo, hindi pixelated.