Hyper realistic na Design ng 3D Car gamit ang Substance 3D
Naghahanap ang mga designer ng transportasyon ng mas maraming intuitive at madaling gamiting tool na makakatulong sa mga creative workflow nila, pati na rin mga solusyon para mapasimple ang collaboration sa mga pagsusuri ng digital na design. Nangangahulugan din itong pag-digitize sa proseso ng pag-design ng kulay at trim sa pamamagitan ng pagpapadali sa sampling at pag-explore ng materyal.
Maayos na nai-integrate ang toolset ng Adobe Substance 3D sa popular na car design software gaya ng CATIA at Rhino 3D. Male-level up mo ang design ng sasakyan mo sa pamamagitan ng integration sa iba pang popular na program sa pag-render ng kotse tulad ng VRED at 3DExcite Deltagen, at compatibility sa mga renderer na Corona at V-Ray.
Sa nakalipas na ilang taon, nakakita ang industriya ng design ng transportasyon ng pagdami sa pangangailangan para sa real-time na visualization at mga immersive project, tulad ng augmented at virtual reality. Ang trend na ito ay kaakibat ng mga tool sa pag-develop ng laro na lubos na ginagamit ng mga propesyonal sa design ng transportasyon. Walang kahirap-hirap na nai-integrate ang mga Substance 3D app sa mga real-time na engine ng laro tulad ng Unreal Engine 4 at Unity at mahusay na iniangkop ang mga ito para sa mga workflow ng AR at VR.
Libo-libong photorealistic na materyal para sa pag-render ng 3D vehicle.
“Ibinakante ng Substance ang oras ko. Nagagawa kong mag-download ng mahuhusay na resource nang direkta mula sa nakahanda nang library ng materyal at direktang tingnan ang hitsura ng partikular na materyal sa Unreal Engine. Pwede rin akong sumubok ng iba't ibang variation sa pamamagitan ng mga preset ng .sbsar file.”
— FISHER DAI, AUTOMOTIVE VISUALIZER
Tuklasin ang malawak na na-curate na library ng mga 3D material para sa pagte-texture ng automotive sa library ng asset sa Substance 3D, kasama ang mga pintura, leather, plastik, tela, at composite ng kotse. Ang iba't ibang high-end na materyal namin ay ganap na nako-customize, at may kasamang mga preset ang lahat ng ito para sa mas mabilis na pag-uulit pati na rin mga .sbs na source file.
May iba't ibang nae-edit na parameter ang bawat materyal:
- Mga finish effect at aspeto ng surface na batay sa proseso. Tinutulungan ng mga ito ang mga designer at eksperto sa visualization na magtrabaho sa mga tumpak na paggawa ng mga detalye sa pagmamanupaktura sa totoong buhay, tulad ng balat ng orange sa pintura ng kotse.
- Pagbuo ng design at pattern. Ang mga materyal ng Substance na ito ay parang mga generator: Binibigyang-daan ng mga ito ang mga designer ng kotse na umulit sa anyo at design nang sabay-sabay. Posible ring idagdag ang mga sarili mong 2D pattern bilang mga input.
Gumawa ng mga sarili mong 3D automotive material mula sa mga scan o larawan.
Ang pag-visualize ng upuan ng kotse sa isang photorealistic na paraan ay nangangailangan ng tumpak na paggawa ng mga materyales nito. Nakasanayan na ng mga designer ng kulay at trim ang pagtatrabaho araw-araw gamit ang mga sample ng aktwal na materyal at swatch ng kulay.
Ibinibigay ng mga Substance 3D app ang pinakamahusay na teknolohiya para gawing mga digital na materyal ang mga aktwal na sample, na nakahanda nang magamit sa VRED, 3DExcite Deltagen, o Unreal Engine. Pwedeng magmula ang mga materyal na input sa kahit anong scanner ng materyal tulad ng X-Rite Tac7, Vizoo, o kahit sa sarili mong custom na device.
Mabilis na pag-uulit sa 3D sa mga pagkakatugma ng kulay, materyal, at finish.
“Nakikita ko ang Substance bilang tool sa pananaliksik pati na rin tool sa pag-render. Gusto kong gamitin ito para makipag-ugnayan sa mga proyekto ko.”
— MARION BUHANNIC, COLOR AND TRIM DESIGNER SA FAURECIA
Madaling makakapag-import ang mga user ng enterprise ng data ng CAD gamit ang mga sinusuportahang format tulad ng IGES at STEP. Binibigyang-daan ka ng mga opsyon sa tessellation na i-convert ang data mo sa iba't ibang de-kalidad na geometry para sa pag-render ng de-kalidad na image o i-export ito sa mga workflow sa web at mobile.
I-drag at i-drop ang mga materyal na ginawa o na-download mo mula sa library ng asset sa Substance 3D para sa mabilis na pag-uulit. Mag-import ng mga vector design nang direkta mula sa Adobe Illustrator at mag-export nang diretso sa Adobe Photoshop.
Pinapadali ng intuitive na workflow ng pagpoproseso ng image sa Substance 3D Sampler ang pag-import ng mga larawan ng mga aktwal na sample shot gamit ang smartphone mo.
Nagtatampok ang Substance 3D Stager ng workflow ng physically based staging para madaling makagawa ng mga 3D scene at mag-set up ng sarili mong virtual na photo studio. Binibigyang-daan ka ng mga napakabilis na kakayahan nito sa interactive na pag-render na ayusin ang scene mo at gawin ang pinal na pagkaka-render gamit ang mahusay at offline na path tracer.
Maging creative sa design ng transportasyon mo.
credit: Pascal Seifert
“Ang pag-uulit ng unang bahagi ng konsepto ang gusto ng mga designer namin, at nagbibigay ang Substance ng flexibility na gawin ito.”
— DAVID NIKEL, VISUALIZATION MANAGER SA HYUNDAI
Pinapadali ng mga tool namin ang pag-uulit sa interior design ng kotse mo. Maging malikhain gamit ang mga tool sa pag-paint ng materyal namin, ilapat ang mga sarili mong stitch gamit ang nakalaang feature, at walang kahirap-hirap na magdagdag ng maraming detalye nang manu-mano sa Painter. Pwede mo ring i-browse ang library ng materyal namin para sa mabilis na pagsisimula at mabibilis na resulta.
Magbibigay-daan din sa iyo ang VR sculpting sa Substance 3D Modeler na dagdagan ang bilis para sa modeling at clay modeling, na maglalagay sa iyo sa isang immersive na environment para maging pamilyar ka sa mga hugis, proportion, at attitude.
Interesado ka bang gamitin ng kumpanya mo ang Substance 3D? Alamin pa.