Augmented Reality. Ito Mismo Ang Naisip Mo.

I-scan ang QR code para makuha ang libreng mobile app

Adobe Aero, ang pinakamahusay na paraan para bumuo, tumingin, at mag-share ng magaganda at immersive na experience sa pagkukuwento sa mobile AR. Available sa iOS at bilang pampublikong beta para sa desktop sa macOS at Windows.

Ang augmented reality ang nagsisilbing tulay ng mga pisikal at digital na mundo.

Gumawa ng mga interactive na experience na tugma sa mga paborito mong espasyo at lugar.

Hindi kailangan ng pag-code — pero kailangan ng imahinasyon.

Higitan ang mga filter at gumawa ng mga nakakaengganyong interactive na AR na kwento.

I-explore ang mga posibilidad para sa mga lubos na immersive at magandang interactive na experience sa augmented reality.

Bigyang-buhay kaagad ang naiisip mo sa AR.

Bago ka man sa augmented reality o bihasang pro, madaling gamitin at simpleng i-share ang Aero. Gumawa ng iba't ibang experience sa iba't ibang industriya at sitwasyon ng paggamit mula sa mga virtual na exhibit hanggang sa mga poster na buhay na buhay.

Mabilis na Aero. Nasaan ka mang lugAR.

Ngayon, makikita na ng kahit sino ang mga proyekto mo nang hindi nagda-download ng app. Madali lang i-distribute ang gawa mo, magshe-share ka lang ng QR code na maglulunsad sa AR sa mga smart device.

Binibigyang-buhay ng Aero ang mga exhibit sa museo.

Tingnan kung paano nagbibigay-daan ang Aero sa premyadong AR kasama ang experience na ito sa isang pambansang museo na ine-endorse ng United Nations.

Binibigyang-buhay ng Aero ang mga exhibit sa museo.

Tingnan kung paano nagbibigay-daan ang Aero sa premyadong AR kasama ang experience na ito sa isang pambansang museo na ine-endorse ng United Nations.

Mag-author, mag-interact, at mag-experience sa mobile AR gamit ang Aero system.

Ang Aero system ay konektado sa pamamagitan ng Creative Cloud, kaya magagawa mong i-author ang gawa mo sa desktop app para sa macOS o Windows at pagkatapos ay magagawa mong subukan ang, mag-interact sa, at ma-experience ang gawa mo sa sarili mong iOS device. Ginagawa rin nitong maayos ang pag-import ng mga asset mula sa Photoshop, Illustrator, Substance, o mga third-party app.

I-customize ang realidad mo.

Abot-kamay mo na ang kakayahan ng AR authoring dahil sa Aero. Pagsama-samahin ang mga 3D, 2D, at audio asset para sa mga multimedia experience.

Magdagdag ng interactivity nang walang kahirap-hirap

Magdagdag ng mga trigger tulad ng pagsisimula, pagpindot, at lapit para magsimula ng mga kilos para sa mga asset mo. Pagkatapos ay magtalaga ng mga katumbas na gawi tulad ng pag-animate, pag-ikot, at pagtalbog para bigyang-buhay ang mga experience mo.

Maglagay ng mga gabay para sa mga animation mo

Mag-design ng mga animation at idirekta ang mga object kung saan pupunta sa pamamagitan ng pagguhit ng daan sa espasyo gamit ang mobile device mo.

Bigyan ng bagong buhay ang mga PSD file mo

Baguhin ang anyo ng artwork mo sa pamamagitan ng pag-import ng mga PSD layer mo sa Aero at creative na paglalatag ng mga ito para magdagdag ng depth.

Magdagdag ng short-form spatial audio

Mag-import, mag-manage, at mag-interact sa mga audio asset (WAV at MP3) at gawing mas immersive ang mga experience mo gamit ang mga tunog na pwedeng ma-trigger ng lapit.

Tingnan kung ano ang ginagawa ng mga creator sa Adobe Aero

Ang Kakayahan ng AR kasama si Luke Choice - 1 sa 2

Sa likod ng ARt: Mat Voyce

Bigyang-buhay ang Mga Illustration Mo kasama si Michael Fugoso - 1 sa 2

Sa likod ng ARt: Alice Yuan Zhang

Ang Adobe Aero lang ang all in one na platform para sa pag-author at pagtingin ng augmented reality (AR) na pinapadali para sa mga designer at developer ang mag-design, mag-collaborate, at mag-publish ng mga interactive at immersive na experience sa totoong mundo.

Para alamin pa ang tungkol sa Aero, tingnan ang Ano ang Adobe Aero.

Libre ang Adobe Aero, pero kakailanganin mong gumawa ng login.

Oo, pwede kang gumawa ng mga AR experience na matitingnan sa mga mobile device.

Oo, libre ang Adobe Aero, pero kakailanganin mong gumawa ng login.

Oo, may mga magkatulad na kakayahan ang Aero mobile (iOS) at Aero desktop pagdating sa functionality ng feature. Ginagawang posible ng Aero mobile (iOS) na gumawa ng AR sa AR gamit ang karagdagang contextural view ng front-facing na camera.

Hindi nagbibigay-daan ang Aero desktop sa real-time na view ng AR sa AR dahil walang front-facing na camera sa karamihan ng mga desktop hardware. Bibigyan ka ng Aero desktop ng higit pang kontrol para sa paglalagay at pagdaragdag ng mga kumplikadong sequence ng interactivity sa mga object sa scene mo. Nagbibigay rin ang desktop environment ng direktang access sa content na inihahanda sa iba pang desktop application.

Hindi kailangan ng mga viewer na mag-install ng app. Pwedeng tumingin ng content sa Aero app clip ang mga viewer na gumagamit ng mga pinakabagong iOS device nang hindi kinakailangang mag-install muna ng app.

May lalabas na app clip card sa screen ng mga viewer na naglulunsad (o "nag-i-invoke") ng app clip gamit ang isa sa mga sinusuportahang invocation at pwedeng nilang buksan ang experience sa Aero app clip.

Pwede mong ilagay ang sarili mong mga larawan, naka-layer na file, audio, o iba pang 2D at 3D content. Ino-optimize ng Aero ang mga na-import na PSD, JPEG, OBJ, GLB, FBX(sa desktop), GIF, PNG Sequence, WAV, at mga MP3 asset para sa AR. Pwede ka ring maglagay ng mga asset mula sa Adobe Photoshop, Illustrator, at Stager.

Pwede kang mag-share ng mga AR experience na ginawa gamit ang Aero sa mga stakeholder at reviewer gamit ang isa o mas marami pa sa mga sumusunod na opsyon:

  • Quick link (kasama ang QR code)
  • REAL
  • Image o video

Para alamin pa kung paano makipag-collaborate sa iba para ma-edit ang mga AR experience mo, tingnan ang I-share ang mga AR creation mo at Makipag-collaborate sa iba sa mga dokumento sa Adobe Aero.

Logo ng Creative Cloud

Creativity para sa lahat.

Photography, video, graphic design, illustration, at napakarami pang iba. Lahat ng kailangan mo, saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.