https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/substance3d/sticky-banner/default

Gumawa ng mga 3D Model mula sa mga larawan sa pamamagitan ng limang hakbang na ito.

Kung hindi ka pa nakakagamit ng Sampler, gagabayan ka namin sa bawat hakbang ng proseso.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/substance3d/discover/pictures-to-3d-models/create-3d-models#video-tools1 | ImageLink | :play:

Hakbang 1: Hanapin o i-capture ang mga image mo.

Kailangan mo ng isang serye ng mga larawan na kumukuha sa bawat anggulo ng object na gusto mong buuin. Tiyaking balanse ang lighting sa image mo at subukang umiwas sa madidilim na shadow.

Hakbang 2: I-drag at i-drop ang mga image mo sa 3D capture wizard.

Magbukas ng bagong proyekto sa Adobe Substance 3D Sampler. Pumunta sa Button na Get Content at piliin ang 3D Capture. Piliin ang mga larawan mo at i-drop ang mga ito sa 3D Capture Wizard.

Hakbang 3: Tingnan ang point cloud at object masking.

Ginagamit ng Sampler ang mga tool ng Adobe Sensei AI para awtomatikong i-mask ang object mo. Pwede mong piliing i-mask ang mga image nang manwal sa Photoshop na lang. Kapag na-reconstruct na ang mesh mo, pwede mong suriin ang gawa ng Sampler para matiyak ang pinakamagandang posibleng reconstruction. Gamitin ang bounding box ng gustong rehiyon para i-crop ang mga data point na ginagamit sa panghuling object.

Hakbang 4: Suriin at i-edit ang 3D model mo.

Kapag handa ka na, hayaan ang Sampler na iproseso ang mga image at gawin ang model mo sa pamamagitan ng pagpindot sa Submit. Maghintay at hayaan ang Sampler na tapusin ang gawain.

Hakbang 5: I-export ang model mo o mag-render ng panghuling image.

Ang kailangan na lang gawin ngayon ay i-export ang mesh at mga materyal mo sa ibang app, tulad ng Substance 3D Painter para baguhin ang panghuling hitsura, o i-send ito sa Substance 3D Stager para mag-render ng panghuling image.
baseball glove 3D model
Mga images ni Cino Lai.
baseball glove 3D model in 3D art tool

Bigyang-buhay ang mga larawan mo gamit ang Substance 3D.

Ang pag-capture, pag-sample, at pag-share ng mga 3D na gawa mo gamit ang Sampler at iba pang Substance 3D collection ay isang mainam na paraan para gumawa ng mga natatangi at propesyonal na 3D asset. Hindi lang gumagawa ang Sampler ng mga 3D object mula sa mga larawan, magagamit mo rin ito para gumawa ng maaayos na materyal, at HDR lighting din mula sa iisang larawan. Nasasabik kaming makita ang susunod mong proyekto, at umaasa kaming isasama mo ang Substance 3D Sampler sa creative workflow mo.

Mga Madalas Itanong

MAKAKAGAWA BA NG 3D MODEL MULA SA ISANG LARAWAN?

Maraming 3D modeler ang gumagamit ng mga larawan bilang mga reference image para gabayan ang gawa nila. Sa tulong ng mga tool sa photogrammetry, tulad ng Substance 3D Sampler, awtomatiko kang makakabuo ng mga 3D object mula sa isang serye ng mga larawan.

ANONG URI NG CAMERA ANG DAPAT KONG GAMITIN PARA SA 3D CAPTURE?

Kapag mas detalyado ang image, mas maganda ang magiging panghuling na-capture na resulta. Gayunpaman, hindi mo kailangan ng DSLR camera kung ayaw mo itong gamitin. Gagana kahit ang camera ng smartphone.

ANO URI NG FILE DAPAT ANG MGA IMAGE KO?

Sinusuportahan ang karamihan sa mga standard na uri ng file; gayunpaman, para sa mga user ng iPhone, kasalukuyang hindi sinusuportahan ang format na .HEIC. Para sa mga format na RAW ng mga camera, inirerekomenda naming gamitin mo ang Lightroom para i-convert ang mga image na ito sa format na .jpeg.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/substance3d/bottom-blade-cta-s3d-collection