
Saanman may trabaho, panatilihing tuloy-tuloy ang negosyo gamit ang mga e-signature — ang pinakamadaling paraan para sa iyo at mga customer mo na lumagda ng mga dokumento nang mabilis at secure.
Manatiling produktibo habang nagtatrabaho nang remote.
Sa papel o digital. Ayos lahat dito.
Inaalis ng Adobe Acrobat Reader mobile app ang abala ng pag-scan at paglagda ng mga dokumento sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng access mula mismo sa smartphone mo. I-access ang mga file mo mula sa library sa Adobe Document Cloud, Box, Dropbox, o Google Drive account at ihatid ang mga ito bilang mga PDF na pwede nang lagdaan.


Mangolekta ng mga signature sa paraang gusto mo.
Napakadali na ngayong lumagda ng mga dokumento. Piliin lang ang dokumentong gusto mong palagdaan, tapos ay ilagay ang email address ng mga signer mo, at i-tap ang I-send. Makakatanggap ang mga signer ng email na may link para mabuksan at malagdaan ang dokumento. Walang kailangang pag-download o app.
Subaybayan at i-manage ang bawat hakbang.
Tingnan ang pag-usad ng lahat ng dokumento mo mula mismo sa home screen mo. Subaybayan
ang mga tugon gamit ang mga real-time na update sa status, tingnan ang mga history ng dokumento, at magpadala ng mga paalala sa mga taong kailangan pang lumagda mula sa anumang device.

Gamitin ang mobile office namin.
Acrobat Sign
Mag-send ng mga dokumentong papalagdaan, subaybayan ang pag-usad sa e-signature, at makakuha ng mga real-time na update sa mobile device mo.
Adobe Scan
Mag-scan ng mga papel, resibo at whiteboard at gawing mga de-kalidad na PDF.
Adobe Reader
Pandaigdigang pamantayan para sa maaasahang pagtingin, pag-annotate, at paglagda ng mga PDF.
Acrobat Pro
Pinagsasama ng Acrobat Pro ang mga nangunguna sa industriya na PDF tool at e-signature para panatilihing tuloy-tuloy ang negosyo.