#1E1E1E

Dolly zoom effect: Ano ito at paano ito gamitin sa pelikula.

Ang dolly zoom effect (na kilala rin bilang Hitchcock zoom o Vertigo effect) ay nagpapabago sa perspective kapag pinagsama-sama ang pasulong o paatras na paggalaw ng camera na sinabayan ng pag-zoom. Alamin kung paano magagamit ang dolly zoom para paigtingin ang emosyon o lagyan ng tensyon ang mga project mo.

Subukan ngayon|Subukan ngayon ang {{premiere}} I-explore ang {{premiere}}

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/video/creativecloud/video/production/media_1146cae9b7fc418df4d53ad213e23b928ca491b19.mp4#_autoplay |null
#F8F8F8

Gumawa ng malaking pagbabago gamit ang dolly zoom.

Binabago ng dolly zoom ang background ng eksena sa pamamagitan ng pagsulong o pag-atras ng camera habang sabay na nagzu-zoom in o out. Ang nakakaakit na epektong ito ay nagpapakita ng pagbabago sa emosyon at puwedeng makamit habang nasa filming o sa proseso ng post-production.

Kahulugan ng dolly zoom.

Ang dolly zoom, na kilala rin bilang Vertigo effect o Hitchcock zoom, ay isang cinematic technique na iginagalaw ang camera pasulong at paatras habang sabay na nagzu-zoom ang lens sa kabilang direksyon para sa surreal na visual effect. Nananatiling pareho ang laki ng subject habang tila lumalawak naman o lumiliit ang background.

Tulad ng iba pang mga technique, shot, o camera angle sa pelikula, dapat mong sadyaing gamitin ang dolly zoom para itaguyod ang kuwento mo.

Magkapareho ba ang dolly zoom at dolly shot?

Isang lang ang ibig sabihin ng salitang "dolly" sa dolly zoom at dolly shot, pero magkaiba ang dalawang ito.

Ang dolly shot ay tumutukoy sa anumang paggalaw ng camera kung saan nakakabit ang camera sa isang dolly, o platform na may gulong, na gumagalaw kasabay ng subject, o nang papalapit o papalayo sa subject. Binibigyang-daan nito ang mga filmmaker na sumunod sa kahit anong paggalaw o gumawa ng sarili niyang dynamic na galaw gamit ang dolly sa isang eksena.

Sa kabilang banda, ang dolly zoom ay isang uri ng dolly shot. Iginagalaw ng mga filmmaker ang camera habang sabay na nagzu-zoom ang lens sa kabilang direksyon, nang pinapanatili ang laki ng subject habang binabago ang anyo ng background.

#f8f8f8

Sino ang nag-imbento ng dolly zoom at bakit tinawag na Vertigo effect?

Ang dolly zoom ay inimbento ni Irmin Roberts, na naging cameraman para sa pelikula ni Alfred Hitchcock na Vertigo. Si Hitchcock ang binigyang-kredito sa ideya, pero si Roberts ang lumikha ng mga galaw ng camera at lens na nakagawa ng ninanais na epekto. Bagaman mahirap tukuyin ang pinagmulan ng palayaw na "vertigo effect", ang pelikulang ito ang naging inspirasyon ng pangalang iyon.

Gusto ni Hitchcock na likhain ang pakiramdam na parang lasing sa pamamagitan ng nakakahilo nitong pag-zoom, na makikita sa pelikula nang umakyat ang karakter na si Scottie sa paikot na hagdanan at ang point of view ng camera ay nakaharap pababa mula sa hagdanan patungo sa ibabang palapag, gamit ang iconic na zoom para bigyan ang audience ng di-mapakaling pakiramdam habang dumaranas si Scottie ng biglaang vertigo.

Mula nang unang ipalabas sa Vertigo, naging makapangyarihang technique na sa paggawa ng pelikula ang dolly zoom na nagpapakita ng psychological turmoil o kalituhan sa utak sa visual na kaakit-akit tingnan.

Saan ginagamit ang dolly zoom effect?

Ginagamit ang dolly zoom effect para maramdaman ng mga audience ang mga partikular na matitinding emosyon at psychological na reaksyon na ipinapakita ng mga karakter sa pelikula. Madalas itong napapanood sa mga genre tulad ng drama, thriller, at horror.

Sa partikular, maaari mong gamitin ang epektong ito para sa mga sumusunod na dahilan:

  • Ipakita ang biglaang realisasyon o pagkagulat ng isang karakter
  • Bumuo ng tensyon kapag may impormasyong malapit nang mabunyag
  • Gayahin ang pakiramdam ng pagkahilo o pagkabalisa
  • Lumikha ng pakiramdam ng pagkalito
  • Ipahayag ang paglayong emosyonal

Katulad ng Dutch angle shot ang dolly zoom na puwede ring lumikha ng pakiramdam ng kawalan ng balanse o surrealism sa isang eksena, kaya mahusay ang epekto nito para sa mga tagpong puno ng pabago-bagong emosyon.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/video/creativecloud/video/production/media_188b2353756695b6ee80ec7d36dfc49ff4e351b2c.mp4#_autoplay |null
#f8f8f8

Kagamitang kailangan para gumawa ng dolly zoom shot.

Hindi kailangan ng mamahaling setup para sa dolly zoom shot — basta mag-focus lang sa eksaktong pagkakasabay ng paggalaw at pag-zoom ng camera. High-end man o basic lang ang camera gear mo, basta magpa-practice ka lang at maayos na maghahanda, kaya mong gawin ang nakakahilo pero nakakamanghang shot na ito nang mabilis.

Narito ang mga kailangan mo para gumawa ng dolly zoom sa pelikula:

  • Isang camera na may kakayahang mag-video at may manual zoom control
  • Isang zoom lens para makontrol mo ang focal length ng shot
  • Isang track-based na dolly o handheld na stabilizer para sa smooth na galaw ng camera

Para sa mga produksyong may mas maliit na budget, puwede kang gumamit ng tripod na may gulong bilang stabilizer. Kung hindi mo magawa ang effect na ito habang nagfi-film o kung gusto mo itong isama pagkatapos ng filming, puwede mong gawin ang effect na ito sa post-production.

Ginagawa man ang effect sa set o sa iba pang pagkakataon, ang dolly zoom ay isang makapangyarihang visual effect sa video production.

Iba't ibang paraan ng pag-shoot ng dolly zoom.

May dalawang paraan ka para gawin ang dolly zoom: dolly zoom-in at dolly zoom-out. Parehong nagdudulot ang mga ito ng malaking pagbabago sa perspective, pero magkaiba ang layunin sa mga ito. Ang pagpili ng tamang paraan ay nakadepende sa direksyon ng galaw ng camera mo (papalayo o papalapit), direksyon ng zoom (palabas o papasok), focal length, at sa nilalayong emosyon o epekto ng kuwento.

Para maabot ng mga zoom na ito ang buong potensyal, kailangan mong tiyakin na may sapat na detalye sa background na magagamit sa shot.

  • Ang medium shot ang pinakakaraniwang ginagamit para sa dolly zoom dahil pinapanatili nito ang subject sa focus habang nagbibigay ng sapat na espasyo para sa kapansin-pansing pagbabago sa background.
  • Mahusay naman ang medium long shot kung gusto mong bigyang-diin ang pagbabago sa kapaligiran mula sa zoom.
  • Ang medium close-up shot ay hindi gaanong karaniwang opsyon, pero maganda itong piliin para sa mas personal at panloob na pagbabago ng emosyon.
  • Ang wide shot naman ay napakagandang piliin kapag gusto mong bigyang-diin ang lawak ng spatial distortion sa mas malaking setting.

Sa susunod na seskyon, tatalakayin natin ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa bawat technique.

1. Ang dolly zoom-in technique.

Sa dolly zoom-in, papalapit ang camera sa subject habang sabay na nagzu-zoom out. Dahil dito, parang lumalawak ang background habang nananatiling pareho ang laki ng subject. Mahusay ito sa mga eksena ng katatakutan, tumitinding kamalayan, o biglang realisasyon.

Halimbawa, may isang karakter na nakaupo sa hapag-kainan, na nagsasaya sa piling ng pamilya niya. Bigla na lang may naalala siyang bagay na matagal na niyang nakalimutan. Dahan-dahang lalapit ang camera habang sabay na nagzu-zoom out. Ang payapang kapaligiran ay unti-unting magiging magulo, na sumasalamin sa unos na nabubuo sa loob ng isip ng karakter.

2. Ang dolly zoom-out technique.

Sa pag-shoot ng dolly zoom-out, dapat lumayo ang camera sa subject habang sabay na nagzu-zoom in. Dahil sa galaw na ito, parang liliit at magko-compress papasok ang background. Epektibo ang shot na ito kapag gusto mong ipakita ang pakiramdam ng pagkakawalay, pagkabigla, o biglaang pakiramdam ng pag-iisa.

Isang halimbawang eksena ang pagpapakita ng isang teenager na nag-iisang nakaupo sa kuwarto niya pagkatapos ng isang mabigat na tawag sa telepono. Habang tinatanggap niya ang nakakabagabag na balita, lalayo ang camera at magzu-zoom in, na magpapakita ng pagliit ng eksena sa kuwarto niya at parang lumalapit ang mga pader. Naipapalabas nito ang pakiramdam ng pagsasarili at paglayo sa mundong nakapaligid sa kanya.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/video/creativecloud/video/production/media_1f71d77b1a4d60d8c2579f4e7dcf5919abeac832a.mp4#_autoplay |null
#f8f8f8

Mga halimbawa ng dolly zoom shot.

Ang dolly zoom ay may potensyal na magpakita ng tagpo ng pagkabigla, realisasyon, paglayong emosyon, at marami pang iba. Narito ang ilang halimbawa kung saan pinakamahusay na ginagamit ang shot na ito sa pelikula mo.

Pagpapakita ng takot at realisasyon
May babaeng lumiko sa isang madilim na pasilyo at nakakita ng isang madilim na anyo. Ida-dolly palapit ang eye-level shot habang nagzu-zoom out, nang pinapanatili ang posisyon niya sa gitna ng frame habang lumalawak ang background. Binibigyang-diin ng effect na ito ang biglaan niyang pagkaunawa habang nagugulo ang kapaligiran niya at unti-unting tumitindi ang takot niya. Malabo ang ilaw, na lumilikha ng matinding pagkakaiba sa pagitan ng mas maliwanag na lugar at mga anino para lumikha ng atmosphere na puno ng suspense.

Ipakita ang pagbabago ng isip
May dalagitang nasa loob ng isang cubicle sa banyo, at dalawa sa mga kaibigan niya ang pumasok habang pinag-uusapan siya nang hindi nalalaman na nandoon siya. Kinunan ng camera ang dalagita sa loob ng cubicle gamit ang eye level shot at nag-dolly in habang nagzu-zoom out, nang pinapanatili ang dalagita sa frame habang nagugulo ang mundo sa likod niya. Ang mainit at natural na ilaw ay naging malamig, na nagpapakita ng pagbabago ng isip.

Paigtingin ang tensyon
Narinig ng isang contestant sa game show ang huling tanong at napagtanto niyang hindi niya alam ang sagot. Nag-dolly in ang camera habang nagzu-zoom out, nang pinapanatili siya sa frame habang tila lumalayo ang audience at mga ilaw sa entablado. Pinatitindi ng matitingkad na ilaw ang lumalalang pressure, na nagpapaigting sa nakakagulat na tagpo.

Paano gumawa ng dolly zoom effect gamit ang {{premiere}}.

Kung hindi mo nakuha ang perpektong dolly zoom sa panahon ng produksyon, huwag mag-alala — puwede mong gawin ang effect na ito sa Adobe {{premiere}}. Gamitin ang mga sumusunod na hakbang para gumawa ng iconic zoom habang nag-e-edit ng video:

  • Pumili ng tamang footage. Magsimula sa smooth na paggalaw ng camera, mas angkop kung mabagal na pag-dolly out o in, o steady na tripod o handheld shot na gumagalaw nang paatras o pasulong. Magugustuhan mo kung may ilang background depth dahil nakasalalay ang ilusyon sa pagkakahiwalay ng foreground at background.
  • Mag-import ng clip. I-drop ang footage mo sa timeline at tiyaking naka-scale ito sa 100%. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng sapat na espasyo para mag-zoom in nang hindi nasisira ang kalidad.
  • I-set up ang mga Scale keyframe. Piliin ang clip mo, at buksan ang Effect Controls panel. Para sa Scale property, i-on ang animation. Magdagdag ng mga keyframe sa simula at dulo ng clip mo.
    • Kung ang orihinal na shot ay dolly out, i-keyframe ang scale para taasan at i-simulate ang pag-zoom in.
    • Kung ang shot ay dolly in, i-keyframe ang scale para ibaba sa pagdaan ng oras para i-simulate ang pag-zoom out.
  • I-ease ang mga keyframe para sa smooth na paggalaw. I-right-click ang mga keyframe mo at piliin ang Ease In o Ease Out para maging natural ang zoom. Puwede mo pang i-adjust ang mga movement curve gamit ang Graph Editor kung gusto mo.
  • Suriin ang gawa mo. I-play ang clip mo at i-adjust ang posisyon at scale kung kailangan para makagawa ng tamang timing at intensity para sa dolly zoom shot mo.
#f8f8f8

Tips para sa matatagumpay na dolly zoom shot na may layunin.

Puwedeng lumikha ang dolly zoom ng makapangyarihang tagpong bubuo ng suspense, magpapatindi ng tensyon, at magpapahayag sa mga panloob na pagbabago sa emosyon ng karakter. Kapag isinama mo ito sa shot list mo sa proseso ng pre-production, makakapagplano ka nang maayos mula sa umpisa. Narito ang ilang pinakamahuhusay na kasanayan para tulungan kang gawin ang shot na ito nang may pinakamatinding epekto.

  • Tukuyin ang layunin mo. Bago mo i-set up ang gear mo, itanong muna kung bakit mo gustong gamitin ang dolly zoom para sa isang partikular na eksena — kung para magpakita ng takot, realisasyon, o iba pa. Sa tulong ng pagpaplanong ito, matitiyak na bagay at hindi magmumukhang pilit sa eksena ang epekto.
  • Bumuo ng contrast. Ang galaw ng camera na ito ay pinakaepektibo kapag may malinaw na pagkakaiba sa background at sa subject. Puwede mong ilagay ang subject mo sa foreground na may background ng mga magkakapatong na tanawin. Ang paggamit ng backlighting o color contrast ay makakatulong din na ihiwalay ang subject at background.
  • Pumili ng tamang focal length. Ang mga mid-to-telephoto lens, mula 50mm hanggang 135mm, ang pinakamahusay para gumawa ng kapansin-pansing dolly zoom. Kung masyadong malawak ang lens mo, puwede nitong sobrang i-distort ang larawan, at kung masyadong mahaba ang lens mo, puwede nitong masyadong i-flatten ang background.
  • I-coordinate ang mga eksaktong paggalaw. Gumagawa lang ang effect na ito kung tugma ang bilis ng zoom mo sa bilis ng dolly. Mag-practice nang maraming beses para tiyaking magkasabay ang mga paggalaw ng camera at lens mo para sa matagumpay na shot.
  • Gawing pare-pareho. Gusto mong mapanatili ang laki ng subject mo sa bawat frame. Bago i-film ang shot, magtakda ng starting point para sa framing ng subject mo. Puwede kang gumamit ng manual focus para i-lock ang focus sa subject mo habang nagzu-zoom.
  • I-stabilize ang camera mo. Gumamit ng slider, track dolly, o stabilizer kung hawak-hawak mo ang camera. Kung masyadong maalog ang camera mo, maaaring hindi gumana ang ilusyon.
  • Huwag sobra-sobra. Bagaman kitang-kita ang epektong ito sa gitna ng eksena, ang madalas na paggamit nito ay puwedeng makabawas sa epekto nito. Ilaan lang ito para sa mahahalagang tagpo kung saan gusto mong magpakita ng pagbabago.
  • I-adjust kung kailangan. Puwedeng mahirap makamit ang epektong ito, pero kung hindi mo ito maperpekto habang nasa filming, puwede mo itong idagdag sa post-production process.

Gawing perpekto ang dolly zoom at iba pa gamit ang {{premiere}}.

Kailangan ng panahon para maperpekto ang dolly zoom, pero kung may mga tamang tool, makakamit mo ang gusto mong cinematic effects para maging matagumpay ang pelikula mo. Nagsi-simulate ka man ng mga kumplikadong paggalaw ng camera sa post-production o kinukuha ang tamang timing para sa shot mo, tutulungan ka ng Adobe {{premiere}} na makagawa ng pulido, propesyonal, at pangsineng pelikula.

Para gawing perpekto ang proseso ng post-production, ang {{premiere}} ay isang nangungunang video editing software na makakatulong sa iyo na makagawa ng matagumpay na pelikula.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/fragments/products/premiere/do-more-with-premiere

Mga FAQ tungkol sa dolly zoom effect.

Ano ang Hitchcock effect o Hitchcock zoom?

Ang Hitchcock effect, na kilala rin bilang Hitchcock zoom, ay isa pang tawag sa dolly zoom, na sumikat matapos ang unang paggamit nito sa pelikula ni Alfred Hitchcock na Vertigo.

Ano ang dolly zoom technique?

Ang dolly zoom ay isang technique kung saan umaatras o sumusulong ang camera habang sabay na nagzu-zoom sa kabilang direksyon, na lumilikha ng malaking pagbabago sa perspective.

Ano ang pinakamahusay na paggamit ng dolly zoom?

Mahusay ang dolly zoom sa pagbibigay-diin sa pagbabago ng emosyon ng isang karakter, gaya ng takot, psychological detachment, o biglaang realisasyon.

Ano ang epekto ng dolly zoom sa audience?

Lumilikha ang dolly zoom ng nakalilito at surreal na epekto na nagpapabalik sa focus ng audience sa isang tagpong puno ng matinding emosyon.

Ano ang pagkakaiba ng dolly at dolly zoom?

Ang dolly ay isang shot kung saan gumagalaw ang camera sa isang rig o track, habang isinasama naman ng dolly zoom ang parehong galaw na iyon sa kasabay na pag-zoom para lumikha ng larawang may nakakalitong visual.

Ano ang pagkakaiba ng regular na zoom at dolly zoom?

Ang regular na zoom ay nag-a-adjust ng focal length para palawakin o palakihin ang image, habang ang dolly zoom ay pinapanatili ang laki ng subject sa frame habang gumagawa ng malaking pagbabago sa background.

Ano ang pinagkaiba ng dolly zoom at Vertigo effect?

Pareho lang ang ibig sabihin ng dolly zoom at Vertigo effect — ang Vertigo effect ay isang palayaw para sa dolly zoom, na pinangalanan mula sa paggamit nito sa pelikula ni Alfred Hitchcock na Vertigo.

Puwede bang gumawa ng dolly zoom nang walang dolly?

Oo, puwede mong gawin ang dolly zoom effect sa post-production gamit ang video editing software gaya ng Adobe {{premiere}}.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/premiere/merch-card/segment-blade