Ano ang Dutch angle shot at paano nito binabago ang perspective?
Lumilikha ng tensyon at pagkabalisa ang Dutch angle shot sa pamamagitan ng simpleng paglihis ng kamera. Alamin kung paano at kailan ginagamit ang dramatikong technique na ito para impluwensyahan ang tone ng eksena mo.
Subukan ngayon|Subukan ngayon ang {{premiere}} I-explore ang {{premiere}}
Umani ng atensyon gamit ang Dutch tilt.
Ang Dutch angle shot ay mahusay na tool sa pagbuo ng tensyon at suspense — at sa paglikha ng kaguluhan at kalituhan. Ang nakatagilid na perspective ay tumutugma sa enerhiya ng hindi balanseng karakter o kapaligiran sa isang eksena.
Ano ang Dutch angle shot?
Ang Dutch angle shot, na kilala rin bilang Dutch tilt o candid angle, ay isang camera shot kung saan naka-tilt sa x-axis nito ang camera, na nagpapakita ng mga horizontal at vertical na linya sa frame na tila nakahilig. Kadalasan itong ginagamit sa pelikula para lumikha ng tensyon o pagkabalisa, na madalas na nagpapakita ng kawalang-katatagan ng isip ng isang karakter o nakakabahalang pakiramdam ng eksena.
Ang pelikulang The Third Man noong 1949 ay malawakang gumagamit ng Dutch angle shot para bigyang-diin ang pakiramdam ng pangunahing karakter na hindi kumportable sa isang dayuhang kapaligiran. Ang pelikula, na naganap sa Vienna pagkatapos ng digmaan, ay gumagamit ng mga naka-tilt na anggulo kasama ng iba pang cinematique technique, gaya ng mga distortion ng wide-angle lens at napakalapit na shot, para mag-ambag sa pakiramdam ng suspense na tumutugma sa hindi pagkakumportable ng karakter at sa pangkalahatang tone ng pelikula.
Hindi tulad ng basic tilt shot, ang Dutch angle shot ay nagbibigay ng pakiramdam na may mali sa isang karakter o sa loob ng eksena. Sa kabilang banda, ang pangkaraniwang tilt shot ay nagbubunyag ng impormasyon at puwedeng lumikha ng dramatic effect sa pamamagitan ng pag-ikot ng camera nang patayo pataas o pababa. Sa kabaligtaran, ang tradisyonal na axis framing ay nagpapanatili ng tuloy-tuloy na perspective sa espasyo sa pagitan ng mga karakter at bagay sa pamamagitan ng pagpapanatili ng camera sa isang panig ng isang imaginary line, na kilala rin bilang axis of action.
Ang mga anggulo ng camera sa pelikula ay isang pangunahing tagaambag sa pag-unawa sa emosyonal na kalagayan ng isang karakter at pangkalahatang pakiramdam ng isang eksena. Makikita ang Dutch angle sa maraming pelikulang puno ng suspense.
Mga sikat na genre kung saan makikita ang Dutch angle.
Ang Dutch angle ay nagdadala ng distorted na punto de bista para sa pakiramdam ng pagkabalisa sa isang paraang puno ng suspense o kung minsan ay nakakatawa. Ang sumusunod ay ilan sa mga karaniwang genre sa paggawa ng pelikula kung saan maaari mong makitang ginamit ang anggulong ito:
- Mga thriller at psychological drama. Sa dalawang genre ng pelikula na ito, ang Dutch camera angle ay isang epektibong tool sa pagpapahayag ng kawalang-katatagan ng isip at pagkabalisa ng mga karakter, na bumubuo ng suspense para sa audience habang iniiwananan sila ng pakiramdam ng pagkabalisa.
- Horror. Ang naka-tilt na framing ay nagpapahayag ng panloob na takot na kinakaharap ng mga karakter sa genre na ito at puwedeng lumikha ng pakiramdam ng takot at napipintong kapahamakan.
- Komedya. Ang Dutch angle ay puwedeng gamitin sa isang nakakatawa o surreal na paraan para ipakita ang kakaibang kalikasan ng isang eksena sa pamamagitan ng paglikha ng pakiramdam ng kawalang-katatagan.
- Science fiction. Sa mga pelikulang science fiction, puwedeng magpakita ang anggulong ito ng pakiramdam ng pagiging nasa isang futuristic o hindi pamilyar na kapaligiran.
Ang pag-shoot gamit ang Dutch angle ay nagbibigay sa manonood ng isang intimate na pagtanaw sa isipan ng mga karakter mo. Ang paggamit nito, kasama ng iba pang shot tulad ng over-the-shoulder shot o close-up, ay puwedeng magbigay sa audience mo ng buong larawan kung sino ang mga karakter mo at kung paano sila umiiral sa kapaligiran nila.
Ano ang ipinapahiwatig ng Dutch camera angle.
Ang hindi pangkaraniwang pananaw ng Dutch angle ay agad na nakakaakit sa manonood at nag-aanyaya sa kanila na makita kung ano ang susunod na mangyayari. Pinapatindi sa anggulong ito ang mga panloob na damdamin at nagdaragdag ito sa kaguluhan ng ilang partikular na eksena. Kabilang sa ilan sa mga dahilan kung bakit maaaring piliin ng mga filmmaker na gamitin ang anggulong ito ang:
- Pagpapahiwatig ng kawalan ng balanse. Ang pag-tilt ay nagpapakita ng kawalang-katatagan o hindi mahuhulaang kapaligiran kung saan naroon ang isang karakter.
- Pagpapahayag ng panloob na tunggalian. Ang naka-tilt na anggulo ay puwedeng magmungkahi ng panloob na kaguluhang nangyayari sa isipan ng isang karakter.
- Pagpapakita ng sikolohikal na pagkabalisa. Ang pagtingin mula sa hindi pangkaraniwang anggulo ay puwedeng magpadama sa viewer ng pagkabalisa at tensyon kasabay ng karakter sa pelikula.
Narito ang mga halimbawa ng mga sitwasyon ng Dutch angle na karaniwang ginagamit sa pelikula:
- Mga sequence ng panaginip. Ang pakiramdam ng pagkalito o surreal na eksena ay pinatitingkad sa anggulong ito at puwedeng magpalabo ng linya sa pagitan ng realidad at pantasya. Ang isang magandang halimbawa ay ang Inception ni Christopher Nolan kung saan nakakaranas ang mga karakter ng iba't ibang eksena ng panaginip. Bukod pa rito, gumagamit ang pelikula ng high angle shot para ipakita ang mga kapaligirang gumuguho at ang mga karakter bilang maliit at walang kabuluhan sa scheme ng kanilang mga mundo ng panaginip.
- Mga tagpo ng tensyon. May pakiramdam na may mali kapag ginamit ang anggulong ito, na bumubuo ng suspense para sa audience. Habang pinapanood ng bida sa Shutter Island ang paglalahad ng realidad, ginagamit ang Dutch camera angle para maramdaman din ng mga manonood ang parehong pagkabalisa.
- Mga eksena ng kaguluhan. Ang mga tagpong may mabibilis na takbo at matitinding nakataya ay epektibo sa hindi pangkaraniwang pag-tilt ng Dutch angle. Para ilarawan ang labanan at kaguluhan ng pamilya sa Asgard, ginagamit ang anggulong ito para bigyang-diin ang nagbabagong power dynamics sa Marvel superhero film na Thor.
- Mga pagkakataon ng kawalan ng katatagan. Kapag hindi matatag ang pag-iisip ng isang karakter, mabilis itong ipinapaalam ng camera sa audience. Tini-tilt ng Black Swan ang camera para ipakita ang kawalan ng katatagan sa pag-iisip ni Nina habang nagiging mas paranoid siya. Para higit pang patindihin ang pakiramdam ng paranoia, ginagamit ang low angle shot para bigyang-diin ang pressure na kinakaharap ni Nina.
Bagaman ang pagdaragdag ng iba't ibang uri ng anggulo ay puwedeng magpanatiling interesado sa audience mo, magandang isama ang ilang eye level shot para sa neutral na perspective, dahil hindi naman puwedeng puro suspense at thrill lang ang buong pelikula.
Mga sikat na halimbawa ng Dutch angle sa pelikula.
Kung gusto mong taasan ang taya, bumuo ng suspense, o magpakita ng pangkalahatang kaguluhan, ang Dutch angle ay tiyak na magpapaikot (o magpapa-tilt) ng mga ulo. Makakatulong ang sumusunod na sikat na halimbawa para bigyang-inspirasyon ka kung saan gagamitin ang anggulong ito sa pelikula mo:
- Citizen Kane**.** Sa iconic na eksena ng "campaign promises", ginagamit ang Dutch angle para ipakita ang mental na komplikasyon at pagsisinungaling ng tiwaling politikong si Charles Kane.
- Mission: Impossible**.** Ang eksena sa restaurant kung saan napagtanto ni Ethan Hunt na target siya ay gumagamit ng Dutch angle para bigyang-diin ang pagkasabik at tensyon.
- The Matrix. Pagkatapos kunin ng mga agent si Neo at i-interrogate, bahagyang naka-tilt ang camera sa panahon ng pag-uusap para ipakita ang pakiramdam niya na nakakulong at hindi pamilyar sa kapaligiran niya.
Paano gamitin ang Dutch angle shot.
Ngayong may ilang praktikal na halimbawa ka na bilang gabay, panahon na para idagdag ang iconic na anggulo sa pelikula mo.
Bago mag-shoot, tukuyin ang tone o emosyon na gusto mong iparating — tensyon, kawalan ng katatagan, kalituhan, kaguluhan, o iba pa. Pag-isipan kung mapapahusay ba ng pag-tilt ang eksena o makakagambala lang sa kuwento.
Kung angkop ang Dutch angle para sa susunod mong eksena, puwede mong gamitin ang mga sumusunod na hakbang para i-set up at i-shoot ang Dutch angle:
1. Piliin kung gusto mong gumamit ng tripod o gawin ito nang handheld.
- Kapag gumamit ng tripod, mas fluid ang paggalaw at nakakapagpanatili ng matatag na pag-tilt.
- Para sa mas magulong epekto, ang pag-shoot nang walang tripod ay puwedeng tumugma sa mood ng mga nakakagulat na eksena.
2. Magsimula sa pag-set up ng camera mo sa antas ng mata. Pagkatapos, pumili ng wide angle, close-up, o medium shot.
3. I-tilt ang camera ng 15–25 degrees para sa kapansin-pansing anggulo.
- Para sa mas nakakagulat na sitwasyon, subukang gumamit ng mas matarik na anggulo. Iposisyon ang camera mo sa paraang hindi nakahanay ang mga vertical na linya gaya ng mga gusali, pader, o pintuan sa frame.
4. Hanapin ang degree ng tilt na pinakabagay sa eksena mo sa pamamagitan ng pag-eeksperimento sa iba't ibang anggulo.
5. Panoorin ang footage mo at i-readjust kung kinakailangan.
Mag-eksperimento sa mga tilt at Dutch angle shot sa post-production.
Mahusay na kunan ang Dutch angle habang nagfi-film, pero kung may nakikita kang lugar kung saan ito maaaring umakma pagkatapos ng video production, puwede mo pa ring ibahin ang perspective. Idagdag ito sa Adobe {{premiere}} gamit ang mga hakbang na ito:
- I-click ang video clip sa timeline para piliin ito.
- Sa Effect Controls panel, hanapin ang Motion section. I-adjust ang Rotation value sa +15 o -15 degrees. Mula roon, dagdagan kung gusto mo ng higit pang pag-tilt.
- Dagdagan ang scale value para maiwasan ang mga itim na tatsulok sa mga sulok ng frame mo.
- Gamitin ang mga setting ng posisyon para isentro ang subject sa frame.
- Suriin ang eksena, pagkatapos ay i-click ang File > Export > Media para i-save at i-export ang gawa mo.
Magdagdag ng tensyon at style gamit ang Dutch angle sa {{premiere}}.
Ang pag-engganyo sa audience mo sa pamamagitan ng pagbuo ng suspense o pagpapakita ng disorientation ay 15 degrees lang ang layo. I-tilt ang footage mo gamit ang Adobe {{premiere}} at gamitin ang mga tiyak na opsyon sa scaling at rotation para maghatid ng takot, kalituhan, o kaguluhan sa isang iglap lang.
Pagandahin ang pelikula mo ngayon gamit ang {{premiere}} video editing software para gumawa ng mga eksenang pinapangarap mo.