Logo ng Adobe

Mga Tuntunin at Kundisyon

Sa limitadong panahon mula 2 Pebrero 2022 hanggang 15 Pebrero 2022, pwedeng makabili ng taunang membership sa Adobe Creative Cloud Photography plan sa mas murang halaga na ... kasama ang buwis sa unang taon.

Pagkalipas ng unang taon, awtomatiko naming ire-renew ang kontrata mo para sa isa pang taon sa karaniwang taunang presyo noong kinuha mo iyon (kasalukuyang ₱498.00/buwan kasama ang buwis, maliban kung magkakansela ka. Valid ang alok para sa mga pagbili ng isang taunang plan na nangangailangan ng 12 buwang kontrata. Available ang offer na ito sa mga customer na direktang bumibili mula sa Adobe Store o sa pamamagitan ng pagtawag sa Adobe Call Center. Hindi kwalipikado ang mga residente ng mga na-embargo na bansa. Limitado ang offer na ito sa isang (1) pagbili kada customer. Napapailalim ang offer sa mga batas sa pagkontrol ng export ng U.S. at batas kung saan nakatira ang residente. Ang offer ay hindi pwedeng italaga, ipagpalit, ibenta, ilipat, o samahan ng anupamang diskwento o offer, o i-redeem kapalit ng pera o iba pang produkto at serbisyo. Pwedeng magbago ang presyong ito nang walang abiso. Walang bisa sa kung saan ipinagbabawal, binubuwisan, o ipinaghihigpit ng batas.

Pag-renew

Valid ang presyo sa buong 12 buwan. Pagkatapos noon, awtomatiko naming ire-renew ang kontrata mo, sa karaniwang presyo ng offering noong kinuha mo iyon. Ang kasalukuyang regular na presyo para sa Creative Cloud Photography plan ay ₱498.00/buwan kasama ang buwis. Palagi ka naming aabisuhan bago ang pagsingil para sa pag-renew mo. Pwedeng magbago ang presyo, pero palagi ka naming aabisuhan bago ito mangyari.

Pagkansela

Ikinalulungkot naming makita kang umalis, pero kung magkakansela ka sa loob ng unang 14 araw simula sa petsa ng kontrata mo, buo ang ibibigay namin sa iyong refund. Kung hindi, sisingilin ka ng 50% ng natitirang bahagi ng obligasyon sa kontrata mo para sa pagkansela o pag-alis ng mga upuan. Kung kailangan mong magkansela, tumawag lang sa Suporta sa Customer.