Pag-design at pag-model ng 3D product gamit ang Substance 3D.

Ngayon, luma at bihira na ang mga analog na tool sa pag-design. Ginawa gamit ang digital na design software ang halos lahat ng ginawa sa panahong ito.

3D render of several falling smartphones with different cases
Gayunpaman, matagal nang kahinaan sa proseso ang makatotohanang pagte-texture at digital na visualization. Kahit ngayon, ang pag-visualize ng mga konsepto ng design sa photorealistic na paraan ay isang gawaing mahirap at nakakaubos ng oras para sa mga industrial designer.

Bakit dapat gumamit ng 3D software para sa design ng produkto

Sa partikular, pinapahusay ng tumpak na visualization ang katumpakan ng anumang feature ng design kapag gagawin ulit ang mga ito sa mga yugto sa ibang pagkakataon sa proseso ng paggawa. Masyadong madalas, ang mga element ng design na ginawa ng mga nakakataas ay hindi nagka-cascade pababa sa mga digital designer at 3D artist, na kadalasang kinakailangang gawin ulit ang mga element na ito mula sa simula. Samakatuwid, lubos na nakikinabang sa tumpak na digital na visualization ang kabuuang kalidad, at ang pagsunod sa unang pananaw ng design ng produkto.

Bukod pa rito, mababawasan nang husto ng isang workflow na nakatuon sa 3D ang mga gastusing nauugnay sa pag-uulit at pag-prototype ng design, habang nagbibigay-daan itong magawa nang mas mabilis ang mga hakbang na ito. Gamit ang magagandang materyal at high-end na 3D rendering, magagawa ng mga designer na tumpak na ma-visualize ang magiging hitsura ng mga produkto, at makita ang mga ito nang may konteksto sa mas unang bahagi ng proseso — at ulitin ang mga ito nang mas malaya.

Kapag masusuri ng lahat ng stakeholder ang isang proyekto sa design sa 3D, posibleng maiwasan ang marami sa mga gastusin at pagkaantala na karaniwang nauugnay sa paggawa ng magkakasunod na prototype, at pagpapadala ng mga prototype na iyon sa iba't ibang teritoryo. At kapag kinakailangan ang pisikal na pag-prototype, magagawa ng pag-leverage ng kombinasyon ng virtual photography at 3D printing na halos pagsabayin ang mga virtual at pisikal na mundo. Bilang resulta, magiging madali at mabilis ang mga malikaing loop ng iteration.

Pwedeng magsilbing motibasyon sa proseso ng design ang pinahusay na internal na pakikipag-ugnayan. Sa mahahalagang yugto ng proseso, ang kakulangan ng mga simple at mahuhusay na tool para magpahayag ng isang concept ay makapaglalagay ng buong proyekto sa panganib. Kapag mas tumpak at makatotohanang mailalarawan ang isang concept ng design, mas madaling ia-appropriate ng mga partner ang produkto, nasa engineering, o marketing, o sales man sila.

Lumalampas sa yugto ng design ang bilis at pagiging sulit ng isang workflow na nakatuon sa 3D. Naaangkop ang ganitong proseso para sa paggawa ng mga ultrarealistic na marketing visual, pagkatapos maaprubahan ang huling design ng produkto at kasabay ng paglunsad ng mga tool sa paggawa. Hindi na kailangang maghintay para sa mga pisikal na prototype, na posibleng magbigay-daan sa iyong paagahin ang oras ng pag-market ng produkto mo nang ilang linggo o buwan.

Hindi limitado sa paggawa ng mga marketing image ang mga application ng mga 3D model. Mas madalas mangailangan ang mga ecommerce platform ng malaking bilang ng mga visual — kung minsan, bago pa makapasok ang isang produkto sa yugto ng pagmamanupaktura. Sa kabutihang palad, karaniwang nagreresulta sa mga multiuse na asset ang isang 3D-centered na workflow. Halimbawa, ang mga parehong model na ginamit para i-iterate ang design ng produkto, ay magagamit para bumuo ng mga 360-degree view o interactive na experience sa augmented reality.

Ang toolset ng Adobe Substance 3D ay nagbibigay-daan sa mga designer ng produkto sa lahat ng disiplina at industriya na mag-streamline ng mga workflow ng design, at para gawing mas lalong makatotohanan at detalyado ang visualization ng produkto.

Ang mga unang hakbang sa paglalakbay mo sa digital na materyal.

first step

“Matagal na kaming naghihintay ng solution na tulad ng [Substance 3D Sampler].…Gamit ang mga tool na tulad ng [Substance 3D Sampler] at Material Exchange, magkakaroon ang mga supplier ng mga resource na kailangan nila para simulan ang kanilang digital na rebolusyon.”

— CHRIS HILLYER, DECKERS

Anuman ang mga pangangailangan mo sa pagte-texture, sagot ka ng toolset ng Substance 3D. Pwede kang gumawa ng mga de-kalidad na materyal nang ganap na mula sa simula sa Substance 3D Designer. May opsyon kang gumawa ng mga tileable na materyal na hanggang 8K resolution, gumawa ng mga preset kung kinakailangan, at mag-export sa Painter o anumang pangunahing 3D tool.

Bilang alternatibo, gamitin ang Substance 3D Sampler para mag-reproduce ng anumang materyal sa tunay na buhay sa 3D. Maglagay lang ng mga reference na larawan sa Sampler at gagawa ito ng katumbas na 3D material sa loob ng ilang segundo. Pwede mong hayaan ang mga resultang ito o patuloy na baguhin ang nagawang materyal — pwede mong baguhin ang kulay o reflectiveness, halimbawa, o magdagdag ng mga bagong detalye tulad ng mga pattern o logo.

Bukod pa rito, simple lang i-import sa toolset ng Substance 3D ang mga 2D asset mo na nagawa sa mga application na tulad ng Adobe Illustrator o Photoshop, na nagbibigay-daan sa iyong i-leverage ang mga gawa mong 2D bilang mga bahagi ng mga 3D design.

O kung mas gusto mong gumamit ng mga kasalukuyang resource, pwede kang mag-import ng mga 3D material kung kinakailangan, mula man sa mga third-party na source o mula sa library ng asset sa Substance 3D. Naglalaman ang library ng Substance ng libo-libong nakahanda nang 3D model, de-kalidad na nako-customize na materyal, light, atlas, at decal. Regular kaming nagku-curate ng content para i-highlight ang ilan sa mga nakaka-inspire na asset.

Pag-blend ng mga edge ng pagte-texture at 3D modeling.

Blending the edges

Nasa mga detalye ang katotohanan Iyan ang dahilan kung bakit napakahalaga sa mga industrial designer ng photorealistic na visualization. Halimbawa, ang leather na hindi talaga mukhang leather ay hindi makakapagpukaw ng mga emosyong gusto mong maramdaman ng kliyente tungkol sa craftsmanship ng produkto. Hindi ito magiging kapani-paniwala.

Totoo ito tungkol sa bawat detalye ng object. Ang pinakamaliliit na detalye — tulad ng posisyon ng isang icon, o kung naka-print, naka-recess, o naka-emboss ito — ay napakahalaga sa mundo ng design ng produkto. Katimbang ng mga ito ang mahahalagang design point tulad ng, halimbawa, kung hihikayatin ng pagpili ng grip pattern ang user na pulutin at hawakan ang isang bagay.

“Nakatulong ang Substance na i-optimize ang workflow ng modeling ng Shopify, kaya nakatipid kami ng napakaraming oras para mas mapaglaanan namin ng oras ang pagtuon sa mga problemang napakahalaga sa mga merchant namin.”

— BYRON DELGADO, SHOPIFY

Isa itong bahagi kung saan mahusay ang toolset ng Substance 3D, salamat sa kakayahan nitong pagdugtungin ang agwat sa pagitan ng mga 2D at 3D workflow. Pwede mong i-sketch ang mga design mo sa 2D, sa mga application tulad ng Illustrator at Photoshop, at pagkatapos ay mabilis na mag-sculpt ng prototype ng mga gawa mo sa VR — magiging posible ito gamit ang Substance 3D Modeler. Pwede ka ring mag-import sa workflow ng Substance 3D mo ng mga pattern, logo, text, at anupamang visual component na ginawa sa 2D. Simple ang pagdaragdag ng mga gawang 2D na ito sa kabuuang design ng produkto mo sa Substance 3D Painter. Pwede kang gumawa ng mga effect, mag-emboss ng mga design, mag-raise ng mga logo, at higit pa kapag tine-texture ang mga asset mo. At binibigyang-daan ka ng real-time na viewport sa Painter na makita ang bawat pagbabago habang ginagawa mo ito, na nagbibigay-daan sa mabilis at tuloy-tuloy na istilo ng paggawa.

Mag-streamline ng mga proposal, review, at pag-apruba ng 3D product.

Streamline proposals

Sa pangkalahatan, nagbibigay-daan ang isang workflow na nakatuon sa 3D ng walang limitasyong flexibility para sumubok ng mga opsyon sa design.

Kumpara sa mga mas nakasanayang pamamaraan sa design, napakabilis at napakadaling magmungkahi ng buong hanay ng produkto. Pwedeng i-texture ang mga produkto gamit ang mga batayang materyal na, sa pamamagitan ng ilang simpleng pagbabago, ay nagbibigay-daan sa paggawa ng maraming variation ng CMF kung kinakailangan. Nagbibigay-daan ang Substance 3D Stager sa de-kalidad na visualization at madaling paggawa ng scene, na nagbibigay-daan sa mga designer na makita nang tumpak kung ano ang magiging histura ng kanilang mga iminumungkahing produkto sa konteksto. Pagkatapos ay mas mauulit pa ng mga designer ang kanilang mga napiling kulay at design gamit ang Stager, pati na rin ang Photoshop o Illustrator.

section-metadata
style
Grid width 8, static links

“Hindi ako mahilig sa pagte-texture dati, pero mula noong natuklasan ko ang Substance, nagbago iyon. Makakagawa kang mga variation nang napakabilis. Interactive ang lahat ng ito


madaling mag-manage ng mga proyekto.”

— PETER KOHLUS, FREELANCE ARTIST

Mashe-share ang mga proposal ng produkto para sa pagsusuri sa lahat ng mahahalagang stakeholder ng isang proyekto, nang hindi gumagamit ng anumang karagdagang resource para sa pag-prototype at nang hindi hinihintay ang mga pagkaantalang nauugnay sa pisikal na pagpapadala. Sa pamamagitan ng tumpak at de-kalidad na visualization, maisasagawa ang pag-iterate at pag-validate nang mas napakabilis kaysa mga mas nakasanayang pamamaraan sa design.

At may iba't ibang posibilidad para tumulong sa prosesong ito ng pag-validate. Ang anumang file na magagawa ay pwedeng i-export sa iba't ibang format, at matitingnan ng mga stakeholder ang mga proposal ng produkto bilang interactive na online content, mga interactive na experience, o review ng immersive design. Ang mga proposal ay pwede ring ma-print sa 3D para sa pagsusuri sa “totoong buhay,” o matingnan nang may konteksto gamit ang mga tool sa augmented reality tulad ng Adobe Aero.

Dali ng paggamit sa workflow ng pag-design ng produkto mo.

product design workflow

Nagtatampok ang toolset ng Substance 3D ng madaling interoperability sa pagitan ng iba't ibang application nito, pati na rin ng integration sa lahat ng pangunahing 3D tool. Binibigyang-daan ka ng mga plugin ng Substance 3D na mag-import, mag-edit, at mag-visualize ng mga materyal ng Substance nang direkta sa mga modeling tool tulad ng 3ds Max, Maya, Rhino, Cinema 4D, at Modo. Katulad nito, direkta mong mavi-visualize ang mga materyal na ito sa anumang 3D rendering engine, tulad ng V-Ray o Corona. Pwede mo ring gamitin ang mga materyal ng Substance 3D sa mga pangunahing game engine, tulad ng Unreal Engine o Unity.

Interesado ka bang gamitin ng kumpanya mo ang Substance 3D? Alamin pa