Mga namumukod-tanging ideya para sa mga background ng business card.

Pumili ng modernong background ng business card na kapansin-pansin sa lahat ng mabuting dahilan.

Bakit patok pa rin ang mga business card.

Hangga't nagkikita ang mga tao sa totoong buhay, mananatiling mahalagang tool sa networking ang mga business card. Sa mga kumperensya, seminar, meeting ng kliyente, o biglaang pagtatagpo, mas madali at mas mabilis na bigyan ang isang tao ng card kaysa hilingin sa kanyang isulat ang impormasyon mo. At epektibo ang mga business card: Ayon sa salespeople, mayroong 2.5% pagdami ng mga benta para sa bawat 2,000 business card na ipinapamigay nila.

I-explore kung paano makakatulong ang tamang design ng business card, kasama ang kakaibang background, na magpakita ng kakayahan at kumpiyansa sa propesyonal na buhay mo.

Ano'ng isasama sa kahit anong business card.

Ang design ng business card mo ay dapat nauugnay sa negosyo mo. Panatilihin ang consistency ng brand sa pamamagitan ng paggamit sa mga kulay, mga font, at logo ng kumpanya mo. Ang voice at tone ng kahit anong nakasulat sa card ay dapat naaayon din sa iyong brand voice at tone.

Anuman ang industriya mo, hindi nagbabago ang mga pangunahing element:

  • Pangalan at apelyido
  • Kumpanya (kung naaangkop)
  • Posisyon sa trabaho o trabaho
  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan tulad ng numero ng telepono, email, address ng negosyo, website, at kahit anong social media handle mo

Paano piliin ang tamang design ng background ng business card.

Sa mga conference at networking event, nakakatanggap ang mga tao ng mga stack ng mga business card. Pag-isipan kung paano gawing namumukod-tangi ang business card mo. Mahalaga ang madaling mabasa, kaya h'wag masyadong adventurous sa mga font, pero pwede kang magsaya sa background mo para maiba ang business card mo sa karaniwang pangkumpanyang business card na may puting background.

Maging minimalist.

Kung bahagi ng pagkakakilanlan ng brand mo ang malilinis na linya, gumawa ng simpleng business card. Baka gusto mo ang eleganteng hitsura ng itim at puti, pero, ayon sa Statistic Brain, 10 beses na mas matagal na itinatago ng mga tao ang mga business card na may kulay kaysa sa mga puting business card. Gawing kakaiba ang card mo sa mga karaniwang pangkumpanyang business card sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kulay sa background.

Pag-isipan ang unang impression na gusto mong makuha sa card mo. Ang mga itim na business card ay pwedeng magpahiwatig ng karangyaan at kapangyarihan, samantalang ang asul na business card ay pwedeng mangahulugang katahimikan. Gamit ang makulay na background, makakapagpanatili ka ng minimalist style sa text at imagery mo at mamumukod-tangi pa rin.

Ipakita kung ano ang trabaho mo sa mga background image ng business card.

Dahil mas matagal na itinatago ng mga tao ang mga creative na business card kaysa sa mga plain na business card, gumawa ng graphic design na nauugnay sa trabaho mo. Kung nagpapatakbo ka ng bakery, pwede kang gumamit ng pattern ng cupcake o cookie na ginawa mo sa Adobe Illustrator. Kung isa kang architect, pwede kang magdagdag ng segment ng blueprint sa background mo. Gamit ang Illustrator, pwede mong pagsama-samahin ang mga simpleng hugis para gumawa ng kakaibang bagay o gumuhit ng vector graphics nang freehand, at pagkatapos ay i-scale ang mga ito sa tamang laki para sumakto sa mga card mo.

Para sa inspirasyon, mag-explore ng dose-dosenang halimbawa ng background ng business card sa Behance. Tingnan kung paano ginagawa ng mga designer na mag-eksperimento sa kulay at subukan ang lahat mula sa plain na itim at puti hanggang sa mga abstract na background na may mga banayad na watercolor brushstroke o umiikot na bahagharing pintura. Tingnan ang iba't ibang texture, geometric at organic na hugis, propesyonal na headshot, at stock photo na makakatulong sa isang business card na makatawag ng pansin.

Magsimula sa mga bago mong business card.

Gawin ang mga business card mo mula sa simula sa Adobe Photoshop, Illustrator, o InDesign. Magdagdag ng mga logo at text — at mag-set ng mga crop mark at print bleed para sa perpektong pag-print — sa ilang mabilis na hakbang lang.

Kung masyadong mahirap ang isang blangkong business card, mag-customize ng isa sa maraming de-kalidad na template ng business card na mahahanap mo sa Adobe Stock. Kapag may nahanap ka nang gusto mo, i-download ito bilang JPEG o AI file. Pagkatapos, i-personalize ito gamit ang logo mo o iba pang image, palitan ang text, i-adjust ang mga kulay, at handa ka na. I-print lang ang mga ito at simulang ipasa ang mga ito sa anumang potensyal na lead ng negosyo.

Mag-explore ng mga app na makakatulong sa iyo na gumawa ng impression sa mga business card mo.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/cc-teams/resources/how-to/teams-plans