Mas okay ang mas kaunti.

Ang malilinis na linya, geometric na hugis, at mukhang simpleng design kahit hindi talaga ay ang mga natatanging katangian ng minimalist na design. Inaalis ng minimalist na logo ang mga hindi kinakailangang palamuti at kulay para gumawa ng markang kasing kamangha-mangha ng isang kumplikadong design, kung hindi higit pa roon.

Huwag mapagkamalang payak o hindi tapos na hitsura ang minimalism. Maaaring simple ang mga minimalist na logo, pero hindi simplistic ang mga ito. Kung gusto mo ng design ng logo na maraming nagagawa sa kaunti, posibleng nababagay sa iyo ang minimalism. O, kung naghahanap ka ng malinis at modernong logo para gawing bago ang brand mo, baka makahanap ka ng inspirasyon sa mga prinsipyo ng minimalist na design.

Bakit dapat maging minimal?

Hindi umaasa ang mga minimal na logo sa mga kumplikadong type treatment o detalyadong dekorasyon para maging epektibo. Nagmumula ang pagiging epektibo ng mga ito sa tibay ng mismong design.

Karaniwang gumagamit ang mga minimalistic na logo ng mga simpleng hugis at monochromatic na color palette, kaya maayos na naisasalin ang mga ito sa maraming medium at laki. Mula sa business card hanggang sa billboard, dapat malinaw at epektibong nababasa ang logo ng brand o kumpanya. Kapag mas hindi detalyado ang design mo, mas mabilis itong makikilala ng audience mo.

Para sa mga dahilang ito, magandang pagsimulan ng anumang design ang minimalism, kahit na ayaw mong humantong sa isang minimalist na logo. Ang mga prinsipyo ng minimalism ay dapat maging bahagi ng lahat ng matitibay na logo, para kahit saan mo man dalhin ang design mo, magkakaroon ka ng matibay na pundasyon sa kaibuturan nito.

Isang design ng minimalist na logo ng numerong 1932

Design ni George Bokhua

Isang design ng minimalist na logo ng isang taong nagme-meditate
#f5f5f5

Ang proseso bago ang pag-design: Pag-visualize ng pagkakakilanlan ng brand.

#f5f5f5

Magsaliksik ka.

Hindi lang marka ang isang logo ng negosyo; kinakatawan nito ang biswal na pagkakakilanlan ng kumpanya. Sinasaklaw ng biswal na pagkakakilanlan ang lahat mula sa mga kulay at design ng website ng isang kumpanya hanggang sa packaging, mga font, at, siyempre, logo nito. Kilalanin nang husto ang kliyente at ang larangan nito bago ka magsimulang mag-sketch. Itanong ang tungkol sa misyon, mga pinapahalagahan, mga katangian, audience, mga kakumpitensya, at iba pa ng kliyente. Dapat magbigay ng impormasyon sa design mo ang lahat ng background na impormasyong ito.

Mangalap ng inspirasyon sa design.

Mahalaga ang hakbang na ito para sa kliyente gaya rin sa iyo. “Gusto kong nangangalap ng mga visual na halimbawa para makita kung ano ang patok sa kanila,” sabi ng creative director na si Sarah Giffrow. “Kadalasan, alam ng mga kliyente kung ano ang gusto nila, pero wala silang gaanong kakayahang ipahayag ito.” Dito pumapasok ang mga moodboard.

“Magandang magkaroon ng moodboard bilang naka-share na reference point sa buong proseso,” sabi ni Giffrow. Mag-curate ng koleksyon ng mga logo, image, kulay, visual cue, at typography para ipakita sa kliyente mo. Gamit ang isang visual na gabay sa harap mo, makakapagsimula kang tumuon sa direksyong gusto mo at ng kliyente mong patunguhan.

#f5f5f5
Isang taong nagse-sketch ng iba't ibang design ng minimalist na logo
#f5f5f5

Ngayong mayroon ka nang insight at inspirasyon, oras na para mag-sketch. Gumawa ng mabibilis na iteration, at gumawa ng marami nito. Subukang hayaang dumaloy ang mga ideya nang hindi masyadong nagiging mapili; magkakaroon ng oras para sa pagpipino sa ibang pagkakataon.

“Huwag pakitaan ng mga sketch ang mga kliyente,” payo ng designer na si George Bokhua. “Pwedeng mahirap para sa mga kliyente na makinita ang potensyal o pinal na produkto. Talagang pinagsisisihan kong magpakita ng mga sketch, dahil may ilang napakagandang ideya na tinanggihan, at mga hindi magandang ideya na pinili nang walang pinatunguhan.”

Ang isa pang tip para sa stage na ito ay gumawa sa black and white lang. Ang isang magandang design ay magiging epektibo nang mayroon o walang kulay. Dagdag pa rito, magiging mas magaan ang trabaho para sa iyo at mapapanatili nitong nakatuon ang mga kliyente sa design sa halip na sa mga color palette.

Bumuo ng ilang logo at magpresenta.

Kapag mayroon ka nang kaunting matatatag na konsepto ng logo, pumili ng ilan na ganap na lilinangin at ipepresenta sa kliyente. Magandang magsimula sa dalawa o tatlo. “Huwag biglain ang mga kliyente sa mga opsyon,” payo ni Bokhua. “Pinagkakatiwalaan ka nila, ang designer ng logo, na magpakita ng ilang pinakamaganda.” Posibleng mas marami pang gusto ang ilang kliyente sa simula, pero mas may halaga ang ilang matitibay na konsepto ng design kaysa 20 ideya na hindi pinag-isipan nang husto.

#f5f5f5

Isang design ng minimalist na logo

Design ni George Bokhua

Panatilihin itong simple.

Likas na naaangkop sa minimalism ang mga logo, dahil napakaliit ng space na gagawaan mo. Subukang maglagay ng napakaraming detalye at magiging magulo ang design mo sa maliliit na size.

Ang design ng flat na logo (two-dimensional na design na walang idinagdag na perspective) ay isa pang sikat na paraan para mapanatili mo ang isang minimalist na profile. Halimbawa, ang sikat na Nike Swoosh. Hindi kumplikado o dimensional ang simpleng hugis, pero isa ito sa mga pinakamadaling makilalang logo sa mundo, dahil sa strength at sparseness ng design.

Dapat ding maipakita ang pagiging simple sa paraan ng paggamit mo ng kulay. Madalas na nagtatampok ng mga monochromatic na palette ang minimalism sa interior design, at hindi naiiba ang design ng logo. Gamitin ang pangunahing kulay ng brand, o gumamit lang ng black and white.

Gumamit ng mga geometric na hugis.

“Sinusubukan kong gumamit ng malilinis at geometric na hugis at gumamit ng mga 45- o 90-degree angle,” sabi ni Bokhua. Kumpara sa mga mas illustrative na pamamaraan, karaniwang pinapanatiling maayos at proportional ng mga minimalist na logo ang mga hugis. Para sa isang simpleng logo na proportional, madalas na gumagamit ang mga graphic designer ng mga pangunahing hugis tulad ng mga parihaba, tatsulok, at elipsis. Pwede kang gumamit ng mga panuntunan tulad ng golden ratio para gumawa ng mga composition na likas na kaaya-aya sa paningin.

Maging matalino sa paggamit ng space.

“Napakahalaga ng space sa minimalism,” sabi ni Giffrow. Panatilihing kaunti ang mga element para mapanatili ang airy na dating sa logo mo. Titiyakin nitong walang anumang masyadong maraming detalye.

Dahil limitado lang ang espasyo, nagiging mahalagang salik ang negatibong space sa minimalist na design. Pagtuunan ng pansin ang mga in-between at white space gaya ng kung gaano mo pinagtutuunan ng pansin ang mga lugar na napunan mo; mga pagkakataon ang mga lugar na ito para i-maximize ang kahulugan at space. Ang universal na simbolo ng yin-yang ay isang magandang halimbawa ng kung paano mo magagamit ang negatibong space para lagyan ng katangian ang design mo.

Pumili ng simple at stark na typography.

Hindi lang pag-design ng pictorial mark ang isang custom na logo; mahalaga ang typography at nakasalalay rito ang kalalabasan ng logo mo. Magsasama ang karamihan ng mga brand ng wordmark o lettermark (na pangalan lang ng kumpanya) bilang bahagi ng package ng logo. Ibig sabihin nito, nakikilala rin dapat ang brand mo sa pamamagitan ng typeface nito.

“Marami akong nakikitang magagandang logo na ipinares sa generic na text na hindi mukhang tumutugma sa artwork,” sabi ni Giffrow. “Itakda muna ang type at makakatulong iyon na patatagin ang buong obra.”

Gumagamit ng sans serif font ang karamihan ng mga minimal na logo, dahil karaniwang nagdaragdag ng detalye ang mga serif at nagbibigay ang mga ito sa logo ng mas tradisyonal na hitsura. Pero may ilang partikular na pagkakataon kung kailan bagay ang serif typeface sa pangalan at pagkakakilanlan ng brand. Pag-eksperimentuhan ang spacing, o ayusin ang mga indibidwal na letter form para gawing custom na font ang isang standard na typeface.

Isang design ng minimalist na logo

Design ni George Bokhua

Maging mahusay sa minimalism.

“Mahirap mag-isip ng isang bagay na hindi pa nagawa dati,” sabi ni Bokhua. “Magsimula ng panibago. Huwag munang tumingin ng masyadong maraming logo, dahil pwedeng tumatak ang mga ito sa isip mo at lumitaw sa design mo nang hindi namamalayan.” Posibleng maramdaman mo na ang masyadong mahabang oras ng pagtingin sa iba pang logo ay nililimitahan ka sa halip na pinapagana ang imahinasyon mo.

Gayunpaman, kakailanganin mong tumingin ng ilang logo para mabuo ang moodboard mo at mapagana ang mga creative juice mo. Maghanap ng inspirasyon sa design sa Behance para makita ang mga ginagamit na pinakabagong trend sa design ng logo at makakuha ng mga ideya para sa bago mong logo.

Hindi magkakaroon ng natatanging logo sa isang magdamag. Asahang maglalaan ka ng oras na may maraming background na pananaliksik at maraming iteration para makabuo ng isang bagay na namumukod-tangi. Pero higit pa sa sulit ang trabaho. Pagkakakilala sa brand ang pinakalayunin, at isang hindi malilimutan at madaling mabasang minimalist na logo ang pinakamainam mong opsyon para makagawa ng timeless at natatanging biswal na pagkakakilanlan.


Mga Contributor

Sarah Giffrow, George Bokhua


https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade