Adobe Document Cloud at Pangkalahatang Regulasyon para sa Proteksyon ng Data (General Data Protection Regulation o GDPR)
Ano ang GDPR at paano ito nakakaapekto sa paggamit ng negosyo mo ng Document Cloud?
Ang Pangkalahatang Regulasyon para sa Proteksyon ng Data (General Data Protection Regulation o GDPR) ay ang bagong batas sa privacy ng European Union na nagtutugma at nagsasamoderno sa mga kinakailangan sa proteksyon ng data sa buong EU. Bagama't maraming bago o pinahusay na kinakailangan kumpara sa mga dating batas sa privacy ng EU, hindi nagbabago ang mga pangunahing batayang prinsipyo. Ang mga bagong panuntunan ay may malawak na pagpapakahulugan ng personal na data at malawak na abot, na nakakaapekto sa kahit anong kumpanyang nagma-market ng mga produkto at serbisyo sa mga indibidwal sa EU. Bilang pinagkakatiwalaan mong Data Processor, nakatuon kami sa pagtulong sa iyo sa journey mo sa pagsunod sa GDPR.
Kahandaan sa GDPR: Pinaghahatiang responsibilidad.
Hindi lang para sa iisang indibidwal ang journey sa pagsunod sa GDPR, dahil nagtatakda ang regulasyon ng mga obligasyon para sa iba't ibang partido. Para sa mga user ng Document Cloud, itatakda ng halimbawa sa ibaba ang mga tungkulin para sa mga technology provider (Mga Data Processor) ng mga enterprise at institusyon (Mga Data Controller) at ang mga lugar kung saan posibleng kailangan ng Data Processor na tumulong o makipagtulungan sa Data Controller sa pamamagitan ng mga tool, mga proseso, o dokumentasyon na makakatulong sa Data Controller.
Matibay na pundasyon ng pagsunod sa seguridad at privacy.
Nagpatupad kami ng isang hanay ng mga certified na proseso at kontrol sa seguridad na tinatawag na Adobe Common Controls Framework para makatulong na protektahan ang data na ipinagkatiwala sa amin. Nakakatulong sa amin ang framework na ito na sumunod sa ilang certification, pamantayan, at regulasyon sa seguridad at privacy, kabilang ang SOC 2, ISO 27001, at EU-U.S. Privacy Shield.
Privacy by design
Matagal nang nagsasama ang Adobe ng mga proactive na pagsisikap sa pag-develop ng produkto, na nangangahulugang isinasaalang-alang namin ang privacy sa simula pa lang pagdating sa lifecycle ng software namin. Kilala rin ito bilang “privacy by design.”
Paglilipat ng data
Nag-certify kami sa mga EU-U.S. at Swiss-U.S. Privacy Shield framework para sa data na nauugnay sa customer. Ibinibigay nito sa mga customer namin ang opsyong dumepende sa mga framework o sumang-ayon sa Mga Karaniwang Clause sa Kontrata (kilala rin bilang Mga Halimbawang Clause sa EU) para sa paglilipat ng data sa U.S. mula sa EU. Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol dito sa Privacy Center namin, kasama ng impormasyon tungkol sa kung paano humiling ng Mga Karaniwang Clause sa Kontrata.
Mga tuntunin ng kontrata
Na-update namin Kasunduan sa Pagpoproseso ng Data ng Adobe para isaalang-alang ang mga kinakailangan sa GDPR.
Mga record ng pagpoproseso
Nagsisikap kami para mas pormal na idokumento ang mga kasanayan sa privacy na ipinapatupad namin para makasunod sa mga pinahusay na kinakailangan sa pagpapanatili ng record.
Data protection team
Sa kasalukuyan, mayroon kaming chief privacy officer, Irish na data protection officer, at itinalagang privacy team, at patuloy naming susuriin kung kailangan naming gumawa ng anumang karagdagang hakbang kaugnay ng mga bagong kinakailangan.
Pagbabago sa produkto at proseso
Patuloy kaming nakikinig sa mga customer namin at naghahanap ng mga paraan para pasimplehin at i-automate pa ang mga offering naming produkto at serbisyo para mas masuportahan ang mga pangangailangan nila sa GDPR.
Available lang ang mga online na serbisyo ng Adobe sa mga user na 13 taong gulang pataas at nangangailangan ang mga ito ng pagsang-ayon sa mga karagdagang tuntunin at sa Patakaran sa Privacy ng Adobe. Ang mga online na serbisyo ay hindi available sa lahat ng bansa o wika, pwedeng mangailangan ng pagpaparehistro ng user, at pwedeng ihinto o baguhin nang buo o hindi buo nang walang abiso. Pwedeng magkaroon ng mga karagdagang fee o singil sa subscription.