3D & AR art: Mag-explore ng mga bagong style o gumawa ng masterpiece.

Mayroon ang mga tool sa ecosystem ng 3D & AR ng Adobe ng lahat ng kailangan mo para paganahin ang imahinasyon mo at maghanda para sa susunod na henerasyon ng design.

3D art of abstract translucent stems and fanned spokes

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/substance3d/sticky-banner/default

Gumawa ng mga bagong uri ng AR content at style.

Walang katapusan ang mga posibilidad — ang paggawa sa 3D ay nagbibigay ng walang katapusang canvas para sa mga kumplikadong paggawa, malikhang konsepto, at bagong aesthetics. Itodo ang pagkamalikhain para sa halos anumang uri ng gawa sa art o design, mula sa abstract, conceptual, surrealistic, realistic, o stylized art hanggang sa mga illustration at graphic design. Kapag natukoy mo na ang iyong artwork sa 3D, bigyang-buhay ito gamit ang augmented reality, at gumawa ng mga interactive na experience. Ang mga tool sa ecosystem ng 3D & AR ng Adobe ay nagbibigay ng autonomy sa artist para mag-explore ng napakaraming posibilidad.
Naging responsable ang 3D para sa mga kamakailang nangungunang trend sa design, na naghihikayat ng mga innovative na gawa ng mga nangungunang designer at baguhan. At hindi ito nagpapakita ng senyales ng pagbagal, at patuloy itong nagbibigay-inspirasyon sa mga artist habang patuloy na kumakalat ang mga impluwensya ng mga trend na ito. Ang mga trend sa design na sinimulan ng mga gawa sa 3D ay malamang na patuloy na magde-develop sa mga nakikilalang isitlo habang sinusulit ng mas maraming artist ang lahat ng benepisyo ng paggawa sa 3D. I-explore ang ilan sa mga pinakakapana-panabik at malikhang modernong trend sa 3D design sa mundo ngayon sa Behance. Kabilang sa ilan sa mga halimbawang nagbibigay-inspirasyon ang susunod na henerasyon ng 3D typography, mga modernong konsepto ng still life, at interactive na 3D web design.

Ang kakayahan ng malawak na creative toolbox.

Ang pagkakaroon ng maraming iba't ibang tool na gagamitin, at walang katapusang digital canvas kung saan gagawa, ay makakapaghikayat sa paggawa ng mga bagong uri ng content na may natatanging style ng aesthetic. Gumawa ng art gamit ang mga 3D model, magagandang materyal at lighting, at technique sa pag-composite ng larawan (pinapagana ng machine learning) para isakatuparan ang anumang pangarap. Anumang tool ang gagamitin bilang panimula, magdadala ka man ng mga asset mula sa Adobe Stock 3D o third-party na tool, pinapadali ng ecosystem ng 3D & AR ng Adobe na magdala ng mga asset sa isang tool mula sa isa pang tool. Sulitin ang mga natatanging feature na ibinibigay ng bawat tool.

Dahil nagbibigay ang mga produktong ito ng 2D canvas na gagamitin, posibleng mas kumportable ang ilang designer sa medium na ito. Ang hanay ng mga 3D & AR tool ng Adobe tulad ng Adobe Dimension, Substance Painter, at Adobe Aero ay nagbibigay ng mga UI na pamilyar sa mga designer na sanay sa Photoshop at Illustrator.

Mainam na panimula ang Dimension para dalhin ang iyong pagkamalikhan sa 3D at nagbibigay ito ng mahusay na paraan para gumamit ng mga model. Mag-import ng iba't ibang asset mula sa Adobe Stock na na-optimize para sa Dimension, pati na rin mga model mula sa third-party na modeling software. May ganap na kontrol ang mga artist sa mga hakbang na gagawin nila — pwede rin nilang ibalik ang kanilang mga 3D render sa Photoshop o Adobe Fresco para gumawa ng isang partikular na naka-istilong hitsurang gusto nila.

Jeryce Dianingana
Credit: Jeryce Dianingana . Ginawa gamit ang Substance ng Adobe at Blender.

Ang pagdadala ng mga 3D model sa Substance ay nagbibigay-daan sa mga artist na sanay sa 3D na makakuha ng mas magagandang resulta sa pamamagitan ng pag-customize sa hitsura ng mga model gamit ang iba't ibang opsyon sa materyal. Makakuha ng mga makatotohanang resulta na pwedeng i-leverage sa Dimension para mag-stage ng mga scene, at i-explore kung ano ang hitsura ng mga design sa mga setting sa totoong buhay.

At ang Adobe Aero, na available nang libre sa iOS, telepono, at tablet, ay mas makakapagpaganda pa ng mga design, na nagbibigay-daan sa mga artist na gumawa ng mga nakakaengganyong experience sa augmented reality. Nagbubukas ang Aero ng bagong mundo ng mga oportunidad para sa mga user — isa ka mang eksperto sa mga experience na ginawa sa AR o kung nagsisimula ka pa lang sa paggawa sa AR. Makitang naka-overlay ang iyong artwork sa totoong mundo, at gumawa ng mga immersive experience na ie-explore ng audience mo. Magagawa mong magdagdag ng mga interactive na gawi para iengganyo ang iyong audience nang walang kahirap-hirap, at i-design ang motion ng 3D asset mo sa pamamagitan lang ng pagguhit ng path sa screen mo o gamit ang device mo.

Mag-explore ng mga bagong ideya.

Ang kalayaang i-explore ang pag-design sa 3D ay makakatulong sa iyong tumuklas ng iba't ibang anggulo at variation na posibleng mahirap i-visualize. Mabibigyang-daan din nito ang mga artist na mag-eksperimento gamit ang iba't ibang element nang mabilis at walang kahirap-hirap, tulad ng pagpapalit ng background image o foreground model, na lubhang magbabago sa dating ng konsepto.
Victoria Siemer
Credit: Victoria Siemer. Ginawa gamit ang Adobe Dimension.

Mapapabilis din nito ang yugto ng konsepto ng mga proyekto. Mahusay na inilarawan ng tanyag na graphic designer na si Paula Scher ang kakayahan ng 3D technology:

“Mahalagang tool ang teknolohiya sa ginawa ko…. Napakatotoo nito sa 3D na gawa. Pinapabilis ng teknolohiya ang lahat ng bagay, at nakakatulong talaga ito sa pag-visualize ng mga bagay. Sa halip na isipin lang ang mga bagay, pwede mong gamitin ang teknolohiya para isipin ulit ang mga ito sa mga bagong paraan.”

Habang ginagamit ang Substance, hindi kailangang mag-alala ng mga 3D artist na mawawala ang anuman sa gawa nila habang nag-uulit sila. Hindi mawawala ang mga materyal at texture na ginamit nila sa simula kapag may mga binago sila, at pwede nilang baguhin ang anumang pagkilos na ginawa nila sa anumang punto, at awtomatikong aangkop ang bawat susunod na pagkilos.

Paano magsimula sa conceptual design gamit ang mga tool sa Adobe.

  • I-design ang mga 2D element mo sa Adobe Illustrator o Photoshop.
    Gamitin ang alinmang app na pinakanaaangkop sa mga pangangailangan mo para sa paggawa ng anumang 2D component na kakailanganin mo. Mainam ang Illustrator para sa paggawa ng graphics at mga logo na ilalagay sa mga 3D object, habang magagamit ang Photoshop para gumawa ng mga brand image o mag-edit ng mga kasalukuyang larawan.
  • Magsimulang mag-design gamit ang Dimension.
    Pinapadali ng Dimension na magsimulang gumawa sa three-dimensional na canvas nang hindi kinakailangang mag-import ng o magsimula sa mga paunang 2D design.
  • 3D Authoring at pagsasama-sama gamit ang Dimension at Substance.
    a) Gumamit ng mga model mula sa mga template ng Adobe Stock, o mag-import ng mga asset ng Adobe Stock na na-optimize para sa Dimension. O mag-import ng mga model mula sa iba pang source. Sinusuportahan ng Dimension ang mga OBJ, Autodesk FBX, STL, at SketchUp SKP na format ng file.

    b) Mag-eksperimento gamit ang iba't ibang ideya sa pamamagitan ng pagbabago ng mga property ng kulay at materyal sa Dimension.

    c) Gamit ang kasanayan sa 3D, dalhin ang mga design mo sa Substance para i-paint ang mga ito gamit ang mga nuanced na texture at pagmukhaing mas makatotohanan ang mga ito.

    d) Dalhin sa Dimension ang ilan sa mga design mo para mag-stage ng mga kumpletong scene. I-adjust ang lighting, mga anggulo ng camera, at marami pa.
  • Mag-export at mag-share ng mga 2D at 3D file mula sa Dimension.
    a) Walang kahirap-hirap na i-export ang mga gawa mong 3D bilang mga 2D image, o i-export ang mga ito bilang mga ganap na 360-degree na design na malayang mae-explore ng mga tumitingin.

    b) Pwede mo ring i-export ang mga design mo mula sa mga partikular na anggulo para gamitin ang mga ito bilang mga basehan para sa mga animation sa Photoshop o Aero para sa real-time na three-dimensional na pagtingin sa totoong mundo, o para gawing mga animation sa Photoshop o Aero.

    c) Dalhin ang mga asset mo sa Photoshop, Illustrator, at Aero para mas ma-edit pa ang mga ito. O gamitin ang mga ito para gumawa ng animation o mag-paint pa sa mga workflow.

    d) I-import ang mga asset mo sa Aero para gumawa ng mga immersive na experience sa augmented reality at i-overlay ang mga design mo sa totoong mundo.
  • I-import ang mga asset mo sa Aero at i-design ang experience mo.
    a) Buksan ang Aero, i-scan ang space mo, at tumukoy ng surface. Dalhin ang mga asset mo mula sa Adobe Creative Cloud at ilagay ang mga ito sa space nang walang kahirap-hirap.

    b) Mag-set ng trigger, tulad ng “pindutin,” at magdagdag ng mga interactive na gawi tulad ng “paikutin” o “patalbugin” para i-design ang experience mo.

    c) Kapag tapos ka na, i-preview ang experience mo nang walang kahirap-hirap at i-share ito sa pamamagitan ng na-record na video o link sa pag-download na pwede mong i-share sa isang kaibigan.
Para sa inspirasyon, i-follow ang aming bagong Instagram channel, Dimension Behance Gallery, Substance Painter Behance Gallery, at Aero Behance Gallery.
John Vio
Credit: Jon Vio, House of van Schneider- ginawa sa Adobe Dimension at Photoshop.

Mas maraming magagawa sa Adobe Dimension.

Baka interesado ka rin sa…

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/dimension/bottom-blade-cta-dimension