Credit: Ronan Mahon gamit ang mga materyal sa Adobe Substance 3D.
Magpakita ng mga spatial concept gamit ang 3D environmental design.
Mag-prototype at mag-visualize ng mga space gaya ng mga architectural interior, signage, layout ng sahig, retail storefront, at marami pa.
Pumunta sa totoong mundo mula sa 2D at 3D.
Nararanasan natin ang mundo sa tatlong dimension, kaya mahirap magdesisyon kapag mga 2D diagram lang ang ipapakita para kumatawan dito. Ang pagtatayo ng mga pisikal na space sa isang digital environment ay nagbibigay-daan sa mga reviewer na magkaroon ng mas magandang ideya tungkol sa nakikita nila at kung gaano kahusay nitong natutugunan ang mga nakalaan nilang layunin. Mabilis na mag-prototype ng mga ideya para magparating ng pangkalahatang ideya ng konsepto, o magkaroon ng mas kumpletong konsepto na nagsasama ng mga photorealistic na element at setting sa tunay na buhay.
Kapag nakikita ang mga iminumungkahing element sa 3D context, malaki ang magiging pagkakaiba sa pananaw sa mga design kumpara sa kapag tiningnan ang mga item nang mag-isa.
Ang pagtatayo ng mga spatial design mo sa 3D ay makakahikayat sa audience sa pamamagitan ng pagkamit ng buong kalinawan ng intensyon ng design at kung gaano nito kahusay na natutupad ang mga layunin ng proyekto. Napakahalaga para sa mga audience ang pag-visualize ng mga 3D design. Posibleng hindi sila sanay na magsuri o mag-apruba lang ng mga 2D mockup para ipakita kung ano ang posibleng hitsura ng mga design sa aktwal na space.
Mas lalo pang sini-streamline ng augmented reality ang mga proseso ng pagsusuri sa pamamagitan ng pag-visualize kung paano gagana ang konsepto sa pisikal na environment kung saan ito iiral. I-explore kung gaano kahusay gagana ang mga design sa konteksto, at tingnan ang mga ito sa totoong mundo mula sa bawat anggulo. Magtipid sa magagastos na error sa paggawa sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggawa ng mga design na hindi sakto ang laki para sa space o hindi gumagana nang maayos kapag inilagay sa mga iminungkahing lokasyon ng mga ito. Iwasan ang paulit-ulit na pagsubok kapag gumagawa ng mga bagay tulad ng signage ng branding para sa mga convention center, at tiyaking kasya ito sa pisikal na space at nakikita ito mula sa lahat ng anggulo.
Malinaw na magparating ng mga konsepto ng design sa 3D.
Tunay na photorealism para sa panghuling pitch.
Credit: Ronan Mahon gamit ang mga materyal sa Adobe Substance 3D.
Pagsisimula sa 3D environmental design gamit ang Adobe.
Kung gusto mong gumawa ng mga sarili mong bituin, pwede mong gayahin ang kalangitan sa gabi sa ilang simpleng hakbang gamit ang tutorial na ito para sa mga baguhan.
- I-design ang mga 2D element mo sa Adobe Illustrator o Photoshop.
Gamitin ang alinmang tool na pinakanaaangkop sa mga pangangailangan mo para sa paggawa ng anumang 2D component na posibleng kailanganin mo. Mainam ang Illustrator para sa paggawa ng graphics at mga logo na ilalagay sa mga 3D object, habang magagamit ang Photoshop para gumawa ng mga brand image o mag-edit ng mga kasalukuyang larawan. - 3D authoring at pagsasama-sama gamit ang Dimension.
Maglagay ng mga model mula sa mga template ng Adobe Stock, o mag-import ng mga asset ng Adobe Stock na na-optimize para sa Dimension. O mag-import ng mga model mula sa iba pang source. Sinusuportahan ng Dimension ang mga format ng file na OBJ, Autodesk FBX, STL, at SketchUp SKP. - Pag-uulit ng 3D material sa Substance.
Para sa mga mas advanced na user, makuha ang perpektong hitsura sa pamamagitan ng pagdaragdag ng higit pang materyal at paint texture sa mga model para gumawa ng mga photorealistic na effect gamit ang Substance. I-personalize ang mga texture mo gamit ang Substance 3D Sampler, o kumuha mula sa mahusay na library na ibinibigay ng Substance 3D Assets. Nagdadala ang Substance ng higit pang photorealism sa mga surface ng spatial design tulad ng arkitektura ng gusali, mga mesa, furniture, at marami pa.
a) Kung may mga 2D element ang scene mo tulad ng branding, ilagay ang graphics o mga logo sa mga 3D model, bilang mga decal o fill, at pagkatapos ay i-adjust ang mga property ng materyal ng layer para makuha ang hitsurang gusto mo.
b) Pagsamahin ang lahat ng element para gumawa ng buong scene para ipakita ang design na naka-project sa space.
c) Baguhin ang mga background image para ipakita ang “environmental design” sa iba't ibang konteksto. Pumili ng background image mula sa panel ng Starter Assets o Adobe Stock, o mag-import ng sarili mo. Gamitin ang Match Image para awtomatikong gumawa ng makatotohanang 3D lighting batay sa background image, o ikaw mismo ang mag-adjust ng mga setting ng Environment Light at Sunlight. - Pagshe-share ng mga 3D at 2D output sa Dimension.
a) Mag-export at mag-share ng mga nagawa mong template ng scene, para madaling mae-edit ng mga kliyente, stakeholder, at iba pang miyembro ng team ang ilang partikular na element kung kinakailangan. Pinapadali nito ang pag-update habang nagbabago ang mga pangangailangan, tulad ng pag-update ng signage na may na-redesign na logo ng brand.
b) Mag-render ng mga tradisyonal na 2D image o mag-publish ng mga 3D design na may mga 360-degree na view (na may mga naka-bookmark na anggulo ng camera) sa pamamagitan ng mga link sa web para masuri ng mga stakeholder. Pwede mo ring i-embed ang 3D web viewer sa sarili mong portfolio site para ipakita ang gawa mo. - Mag-visualize sa augmented reality gamit ang Adobe Aero.
a) Mas mapalapit sa realidad sa pamamagitan ng pag-import ng mga asset mo sa Aero para magbigay ng mga immersive experience na makakapagpakita ng mga produktong naka-overlay sa totoong mundo. Ang libreng Aero app ay nagbibigay sa mga tumitingin ng nakakaengganyong experience na nagbibigay-daan sa kanilang mag-interact sa mga design mo sa ganap na ibang paraan.
b) I-share ang experience mo sa AR sa pamamagitan ng link sa pag-download, o kumuha ng larawan o video ng installation mo sa space. Napakadaling i-share ito sa isang kasamahan o kliyente at makakuha kaagad ng feedback.
Mas maraming magagawa sa Adobe Dimension.
Baka interesado ka rin sa…
Visualization ng brand sa 3D & AR: Ang kakayahang makita ang brand mo nang may konteksto.
Tuklasin ang mga tool sa ecosystem ng 3D & AR ng Adobe na makakatulong na ma-visualize ang anumang 3D design na maiisip mo.
Creative Play sa 3D & AR: Mag-explore ng mga bagong style o gumawa ng masterpiece.
Tuklasin ang mga tool sa ecosystem ng 3D & AR ng Adobe na makakatulong na ma-visualize ang anumang 3D design na maiisip mo.
Synthetic photography: Mga picture-perfect na larawan, hindi kailangan ng studio.
Alamin kung paano binabago ng 3D technology ang tradisyonal na paggawa ng commercial photoshoot gamit ang synthetic photography.
Tuklasin ang mga tool sa ecosystem ng 3D & AR ng Adobe na makakatulong na ma-visualize ang anumang 3D design na maiisip mo.