Mga sikat na feature:
Mga feature ng Acrobat Sign
Gamit ang mahusay, malawak, at madaling gamiting set ng mga feature, tinutulungan ka ng Acrobat Sign na mas mabilis na mapalagdaan ang mahahalagang dokumento at kasunduan.
Tingnan kung ano ang magagawa mo gamit ang Acrobat Sign.
Nagbibigay sa iyo ang Acrobat Sign ng mga simpleng e-signature tool para mas mabilis na mapalagdaan ang mga dokumento, higit pang advanced na feature tulad ng mga template ng form at maramihang pag-send, at mga kakahayan na pang-enterprise.
Tinutulungan ka ng mga karaniwang e-signature tool na panatilihing tuloy-tuloy ang negosyo mo.
Mag-upload ng dokumentong kailangang lagdaan, idagdag ang email address ng signer, at pindutin ang i-send. Iyon na ang lahat ng kailangan mo.
Ibinibigay sa iyo ng Acrobat Sign ang kontrol. Gamit ang mga real-time na notification at paalala, napakadali na lang na subaybayan at i-manage ang bawat dokumentong sine-send mo para palagdaan.
I-send, subaybayan, at i-manage ang buong proseso ng paglagda nasaan ka man, mula sa mobile device mo. Magagawa mo pang mag-scan ng mga papel na dokumento gamit ang camera ng device mo.
Lumagda ng mga dokumento, mag-send ng mga dokumento sa ibang tao para palagdaan, at subaybayan ang buong proseso — lahat mula sa mga Microsoft 365 application mo.
Awtomatiko at secure na sino-store ng Acrobat Sign ang mga pinal na nilagdaang dokumento at audit trail ng bawat transaksyon — kaya madaling hanapin kaagad ang kailangan mo habang binabawasan ang panganib.
Magdagdag ng mga PDF at dokumento bilang mga reusable na template para mabilis na makakapangolekta ng mga signature ang negosyo mo nang hindi palaging nagsisimula sa umpisa.
Mga pang-enterprise na kakayahan.
Mag-post ng mga PDF at dokumento sa website mo bilang mga online na form na pwedeng sagutan, lagdaan, at isumite kaagad ng mga customer mo, empleyado mo, o sinupaman.
Kapag kailangan mong mag-send ng isang kasunduan sa maraming tao para lagdaan nila, gamitin ang mega sign para mag-send ng naka-personalize na form sa bawat signer — sa isang click lang.
Napakahalaga ng brand ng kumpanya mo. Sinasalamin ng Acrobat Sign ang brand sa lahat ng form at dokumento para sa higit pang consistency, professionalism, at epekto.
Gamit ang Acrobat Sign, napakadali na ngayong mangolekta ng mga signature at bayad mula sa mga customer — lahat sa iisang transaksyon.
Pasimplehin ang pagsunod at panatilihing tuloy-tuloy-tuloy ang negosyo — sa mismong bansa mo man o sa ibang bansa — gamit ang mga mabilis at secure na e-signature na binuo para matugunan ang mga pinakamabusising batas at pamantayang partikular sa industriya.
I-verify ang pagkakakilanlan ng signer sa pamamagitan ng knowledge-based na pag-authenticate, pag-authenticate sa telepono, at iba pang paraan. Pwede kang magdagdag ng kinakailangang pag-authenticate sa mga high-value na dokumento para sa higit pang kapanatagan.
Mag-design ng mga proseso ng negosyo na masusundan ng lahat, sa lahat ng pagkakataon. Mag-drag at mag-drop lang para gumawa ng mga template ng workflow na nakakabawas sa mga pagkakamali at nagsi-streamline sa proseso ng paglagda.
May kasamang mga komprehensibong API ang Acrobat Sign Solutions para mabilis na makapagdagdag ng mga kakayahan sa e-signature sa mga app na ginagamit mo at maging ng mga customer mo.
Mga integration na gumagana talaga — sa simula pa lang.
Mga productivity app.
Mula sa Microsoft 365 hanggang sa Box at higit pa rito, dinadala ng Acrobat Sign ang mga kakayahan ng mga e-signature sa mga app na ginagamit mo araw-araw — kaya mas produktibo pa ang mga ito ngayon.
Mga enterprise app.
Na-prebuild ang Acrobat Sign para gumana sa mga enterprise app mula sa mga kumpanya tulad ng Salesforce, Workday, Apttus, SAP Ariba, at iba pa. Ngayon, magagawa mo nang maghanda, mag-send, sumubaybay, at kumuha ng mga signature nang hindi umaalis sa paborito mong app.
Narito ang ilan sa mga out-of-the-box na integration ng Adobe.
Alamin kung paano sulitin ang mga electronic signature gamit ang Acrobat Sign.
Lumagda gamit ang electronic signature.
Madali lang lagdaan ang mga dokumentong nakikita mo araw-araw gamit ang mga electronic signature.
Lumagda gamit ang digital signature.
Gumamit ng mga digital signature para secure na makuha ang mga signature na mahalaga sa negosyo mo.
Lumagda ng mga Microsoft Word na dokumento.
Pinapadali ng integration ng app na lumagda ng mga Word na dokumento gamit ang mga electronic signature sa Acrobat Sign.
Paano gumawa ng mga online na web form.
Gawing mas maayos ang takbo ng negosyo gamit ang mga web form na pwede mong i-customize at pasagutan at palagdaan sa mga customer mo nang hindi nagda-download.
Gusto mo bang matuto pa?
Subukan ang Acrobat Sign Solutions at tingnan kung paano nito matutulungan ang negosyo mo. At kung may mga tanong ka o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong sitwasyon, palagi kaming narito para tumulong.