Adobe Acrobat

Gawing mga nasasagutang form ang mga PDF.

Binibigyang-buhay ng panggawa ng PDF form ang mga lumang form at papel na dokumento sa pamamagitan ng paggawa sa mga ito bilang mga digital at nasasagutang PDF.

Simulan ang free trial

Scan man ito o simpleng form na ginawa sa Microsoft Word, Excel, o anupamang application, binibigyan ka ng Adobe Acrobat ng simpleng paraan para gawin itong mas smart gamit ang mga field ng signature, calculation, at marami pang iba. Narito kung paano.

It’s smart.

Smart ito.

Awtomatikong tinutukoy ng Acrobat ang mga static na field ng form at kino-convert ang mga ito sa nasasagutang field ng text kapag nag-convert ka ng mga na-scan mong papel na form o digital na file.
Tumingin ng sample ›

It’s dynamic.

Dynamic ito.

Ilipat sa ibang puwesto ang mga field ng text. Baguhin ang mga heading. Maglagay ng mga button. Magdagdag, mag-delete, at mag-drag at mag-drop ng mga field ng form o i-enable ang mga field para sa mga e-signature. Pwede ka ring magdagdag ng mga calculation at mga data validation rule sa form mo.

It’s convenient.

Madali ito.

Pwede kang magpadala sa email ng mga form na may mga nasasagutang field gamit ang naka-share na link, para magagawa mong makita mo ang status ng mga sagot at mag-send ng mga paalala sa mga taong hindi pa sumasagot.

It’s interactive.

Interactive ito.

Gamitin ang JavaScript para mas pahusayin pa ang mga PDF na dokumento mo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga calculation, validation, at nakatalagang action button sa mga form mo.

Paano gumawa ng mga nasasagutang PDF file:

  1. Buksan ang Acrobat:
    Mag-click sa tab na “Mga Tool” at piliin ang “Prepare Form.”
  2. Pumili ng file o mag-scan ng dokumento:
    Awtomatikong susuriin ng Acrobat ang dokumento mo at magdaragdag ito ng mga field ng form.
  3. Magdagdag ng mga bagong field ng form:
    Gamitin ang toolbar sa itaas at i-adjust ang layout gamit ang mga tool sa kanang pane.
  4. I-save ang nasasagutang PDF mo:
    Pwede mo ring i-share ito sa iba o i-click ang I-distribute para awtomatikong mangolekta ng mga tugon.

Piliin ang Acrobat plan na naaangkop para sa iyo.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/fragments/shared-fragments/pricing-pods/standard-pro-know