Dagdagan ang kakayahan ng PDF gamit ang dalawang mobile app.
I-download ang libreng Adobe Scan at Adobe Acrobat Reader mobile app para madaling gumawa, tumingin, magkomento, pumirma, at mag-share ng mga PDF gamit lang ang phone mo.
Gawing PDF ang mga papel.
Ang phone mo ay isa nang portable scanner. Gamitin ang Adobe Scan para i-capture ang mga papel na dokumento tulad ng resibo at form at gawing PDF ang mga ito na de-kalidad at madaling i-share na may tekstong puwede mong i-search at i-edit.
Madali lang makipag-collaborate.
I-share ang mga PDF mo gamit ang Acrobat Reader at makikita mo ang mga ito nang eksakto sa paraang gusto mo. Puwedeng magdagdag ang mga recipient ng mga komentong makikita nang real time, kaya napakadali lang makipag-collaborate.
Pumirma ng mga dokumento nang walang abala.
Buksan ang mga form sa Acrobat Reader para mabilis na masagutan ang mga ito. Puwede ka pang magdagdag ng pirma mo sa pag-swipe lang ng daliri mo.
Mga PDF tool na puwede mong dalhin kahit saan ka pumunta.
Gumawa ng mga PDF sa pamamagitan ng pag-scan ng mga papel gamit ang Adobe Scan app, at tingnan, i-edit, pirmahan, at i-share ang mga ito gamit ang Acrobat Reader – lahat mula sa phone mo.