I-explore ang VR modeling.
Gamit ang Medium, makakagawa ka ng mga organic na hugis, kumplikadong character, abstract, at anupaman.
Eksklusibo sa virtual reality sa Oculus Rift at Oculus Quest + Link.
Gumawa ng 3D sa 3D.
Binibigyan ka ng Medium ng walang limitasyong VR canvas, para makapag-sketch ka ng mga ideya mula sa simula sa alinmang direksyon. Matuto habang gumagawa ka, nang ginagabayan ng mga detalyadong tutorial at mahusay na tool. Mag-stretch at mag-inflate, mag-shrink at mag-rotate, at ukitin ang mga pinong detalye para bigyan ito ng buhay. Pagkatapos ay kumuha ng 2D capture para i-share saanman, o mag-print ng 3D model at dalhin ito sa aktwal na mundo.
Hanapin ang flow state mo.
Binibigyang-daan ng Medium ang mga pro na gumawa ng mga high-end na 3D model nang may hindi mapapantayang kalayaan, habang nag-eexplore ng mga bagong konsepto at inuulit ang mga ideya nang realtime. Mag-reshape ng mga model nang mabilisan nang hindi nagre-remesh, gumawa ng maraming kopya, mabilis na magpalit ng mga tool, mag-undo kaagad ng mga ginawa. Pinapadali ng pamilyar na UI ang paghahanap ng kailangan mo habang gumagawa ka.
Virtual na hands-on.
Tumutulong ang mga ultra-responsive na controller ng Oculus Touch na pabilisin ang proseso ng sculpting, at pinapadali ng malawak na virtual workspace na magmanipula ng mga model. Hawakan ang mga ito na parang totoo ang mga ito, igalaw ang mga ito para i-explore ang bawat anggulo, ilapit ang mga ito para sa tumpak na paggawa.
Marami pang magagawa sa mundo ng 3D sa {{adobe}}.
Hasain pa ang mga kakayahan mo sa 3D gamit ang mga Adobe Substance 3D app. Gumawa ng mga model, scene, texture, ilaw. I-access ang libo-libong pre-made na model, texture, at ilaw.
Gawing 3D and 2D at pabalik ulit.
Ang mga Adobe app ang bahala sa iyo sa bawat hakbang ng workflow mo.
Magdisenyo ng mga 2D imageMag-sketch ng magugulong ideya o concept art na gagamitin bilang reference. |
Ang mga Adobe app ang bahala sa iyo sa bawat hakbang ng workflow mo.
Gumawa ng mga 3D modelBigyang-buhay ang mga 2D design mo sa mga tatlong dimension gamit ang VR. |
Ang mga Adobe app ang bahala sa iyo sa bawat hakbang ng workflow mo.
Mag-paint ng mga 3D textureMagdagdag ng mga nako-customize na materyales sa modelo mo nang real time. |
Ang mga Adobe app ang bahala sa iyo sa bawat hakbang ng workflow mo.
Ilagay sa mga environmentMagdagdag ng intelligent na lighting at gumawa ng mga makatotohanang virtual na larawan. |
Mga virtual na tool na nakaayon sa iyo.
Punong-puno ang Medium ng madadaling gamiting feature na naa-update nang regular, na nakakatulong sa iyong gumawa ng mga kumplikadong 3D model na may mga propesyonal na resulta.
3D Sculpting
Gamitin ang mga controller ng Oculus Touch para madaling hubugin ang mga gawa mo gamit ang maraming tool sa pag-onboard.
Tool na Elastic Move
Kumuha ng point sa modelo mo at baguhin ang mesh sa kahit anong direksyon habang pinapanatili ang volume.
Library ng Stamp
Gumawa gamit ang ideyal na hugis mula sa mahigit 300 opsyon, o i-clone ang mga object para sa mga custom na stamp.
Studio Share
Ipakita ang gawa mo sa iba pang artist habang magkakasamang gumagawa sa iisang virtual studio space.
Mga Kinakailangan
VR Headset: Oculus Rift, Rift S, at Quest + Link
Controller: Oculus Touch
Inirerekomendang Processor: Intel Core i5 7400
Inirerekomendang Graphics Card: Nvidia GTX 1060 o AMD Radeon RX 480
Inirerekomendang Memory: 16 GB
Operating System: Microsoft Windows 10
Creativity para sa lahat.
Photography, video, graphic design, illustration, at napakarami pang iba. Lahat ng kailangan mo, saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.