Mga Produkto ng Adobe

Welcome sa Form para sa Paghiling ng Feature at Pagsusumite ng Ulat ng Bug

Gamitin ang form na ito para humiling ng mga bagong feature o magmungkahi ng mga pagbabago sa mga kasalukuyang feature. Para magamit mo ang form ng ito, kailangang nabasa at sinasang-ayunan mo ang mga tuntunin at kundisyon sa ibaba. Puwede mo ring gamitin ang form na ito para mag-ulat ng mga pinaghihinalaang bug sa mga produkto ng Adobe.

Hindi kami karaniwang nagpapadala ng mga personal na sagot sa mga paghiling ng feature at ulat tungkol sa bug. Gayunman, binabasa namin ang bawat mensahe. Ginagamit namin ang impormasyon para pahusayin ang aming mga produkto at serbisyo. Napakahalaga sa amin ng mga komento, mungkahi, at ideya mo para sa mga pagpapahusay na iyon. Pinahahalagahan namin ang paglalaan mo ng oras para ipadala sa amin ang impormasyong ito.

Mga Tuntunin at Kundisyon

Sumasang-ayon ka na ang anumang impormasyon, Ideya, o iba pang pagsusumiteng ibibigay mo sa Adobe sa ibaba ("Ideya"), ay napapailalim o mapapailalim sa mga kundisyong nakatakda rito. Ikinakatawan at kinukumpirma mo na nabasa at naunawaan mo ang mga tuntuning ito. Ikinakatawan at kinukumpirma mong 18 taong gulang pataas ka na. Sumasang-ayon ka na sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong Ideya, kinikilala at sinasang-ayunan mo na hindi kumpidensiyal ang anumang ganoong Ideya, at walang obligasyon ang Adobe na ibalik ang anumang bagay na isinumite, sagutin, o kumpirmahin ang pagtanggap ng Ideya mo. Pinatutunayan mong walang iba pang tao o korporasyon ang may interes na gawing pag-aari ang isinumiteng Ideya. Nauunawaan at kinikilala mo na posibleng bumubuo at gumagawa mismo ang Adobe ng mga katulad na Ideya, at/o maaaring nakatanggap ang Adobe o maaari itong makatanggap balang araw ng mga katulad na Ideya mula sa iba, at ang mga kasalukuyan o nakaplanong produkto at serbisyong nabuo nang hiwalay at nang hindi ginagamit ang iyong Ideya ay maaaring maglaman ng mga Ideya o konsepto na katulad o kapareho ng mga isinumite mo. Kinikilala at sinasang-ayunan mo na ang pagsusumite mo ay hindi makakapigil sa Adobe na bumuo o kumuha ng mga ganoong Ideya nang walang obligasyon sa iyo. Sa kabila ng anumang bagay na salungat dito, malaya ang Adobe na gamitin ang anumang Ideyang isusumite mo kahit kailan, nang walang royalty, para sa anumang layunin, kabilang na ang paggamit, pagbabago, pagpapakita, at pamamahagi, at/o sa pagpapaunlad, manufacturing, marketing, at pagpapanatili ng mga produkto at serbisyo ng Adobe nang walang anumang obligasyon sa iyo.