Lumagda gamit ang digital signature.
Madali lang ang paggawa ng digital signature sa PDF file gamit ang Adobe Acrobat Sign.

I-click ang link ng pagsusuri at piliing lumagda sa digital na paraan.
1. I-click ang link ng pagsusuri at piliing lumagda sa digital na paraan.
I-click ang link ng pagsusuri at piliing lumagda ng mga PDF sa digital na paraan. I-click ang dialog box ng “mag-click dito para suriin at lagdaan … “ sa email na natanggap mo mula sa sender ng dokumento. Mag-click sa button na “I-click para digital na lumagda” sa dokumento para lumagda.
Piliin ang source ng signature at piliin ang pangalan.
2. Piliin ang source ng signature at piliin ang pangalan.
Piliing lumagda gamit ang cloud signature at piliin ang pangalan ng provider ng certificate ng digital ID mo. Kung wala kang certificate ng digital ID, bisitahin ang link sa itaas para mag-sign up sa provider ng digital ID.

Mag-sign in at ilapat ang digital signature.
3. Mag-sign in at ilapat ang digital signature.
Mag-sign in sa provider ng digital ID mo at piliin ang digital ID mo. Pagkatapos ay piliin ang ‘‘Susunod’’ para ilapat ang digital signature sa field ng signature ng dokumento.

I-preview ang signature.
4. I-preview ang signature.
May ipapakitang preview ng signature. I-click ang ‘‘I-edit ang Signature’’ para manual na lumagda sa pamamagitan ng mouse o touch screen, o mag-upload ng image ng signature mo at pagkatapos ay piliin ang ‘‘OK.’’

I-authenticate ang signature.
5. I-authenticate ang signature.
Panghuli, piliin ang “I-click para Lumagda,” at hihilingin sa iyo na iligay ang PIN ng provider ng digital ID mo at one-time passcode para i-authenticate ang digital signature mo.

Maipapadala na ang nilagdaang dokumento mo.
6. Maipapadala na ang nilagdaang dokumento mo.
Kapag kumpleto na ang pag-authenticate, digital nang nalagdaan ang dokumento, at awtomatiko nang ipapadala ng Acrobat Sign ang pinal na nilagdaang dokumento sa iyo at sa sender.
- I-click ang link ng pagsusuri at piliing lumagda sa digital na paraan.
- Piliin ang source ng signature at piliin ang pangalan.
- Mag-sign in at ilapat ang digital signature.
- I-preview ang signature.
- I-authenticate ang signature.
- Maipapadala na ang nilagdaang dokumento mo.
Free Trial ng Acrobat Sign
Handa nang bumili? Tingnan ang mga plan ng presyo para sa Acrobat Sign
Ano ang mga digital signature?
Kapag lumalagda ng mga dokumento online, walang paraan ang mas advanced o mas secure pa sa paggamit ng digital signature. Pwede kang gumamit ng digital signature para sumunod sa mga pinakamabusising legal at panregulatoryong kinakailangan dahil nagbibigay ito ng pinakamataas na antas ng assurance tungkol sa pagkakakilanlan ng bawat signer at sa authenticity ng mga dokumentong lalagdaan nila.

Pinagkakatiwalaan ang digital ID mo.
Nanggagaling sa mga accredited na provider ang mga nakakasunod at certificate-based na digital ID. Kailangan mo munang patunayan ang pagkakakilanlan mo bago ka makakuha nito.

Ine-encrypt ang lahat ng ito.
Magkasamang naka-encrypt ang sarili mong digital signature at ang PDF na dokumentong nilagdaan mo at naka-bind ito gamit ang tamper-evident na selyo.

Natatangi ito sa iyo.
Sa tuwing lalagda ka ng dokumento, ginagamit mo ang sarili mong natatanging digital certificate at PIN para i-validate ang mga kredensyal mo at patunayan na ikaw nga ang taong nagpapakilala.

Madali lang itong i-validate.
Pwedeng i-validate ulit ng Certificate Authority (CA) o TSP ang nilagdaang dokumento at ang digital signature mo nang hanggang 10 taon pagkatapos ng paglagda.
Napag-isipan mo na bang gumamit ng electronic signature?
Ang mga electronic signature o e-signature ay kasing daling gamitin ng mga digital signature pero nangangailangan ito ng mas kaunting pag-authenticate. Pwede kang lumagda sa PDF o iba pang dokumento nang mabilis at secure gamit ang e-signature.
Napag-isipan mo na bang gumamit ng electronic signature?
Ang mga electronic signature, hindi tulad ng mga digital signature, ay may parehong antas ng pagiging madali at nangangailangan ito ng mas kaunting pag-authenticate.