Adobe Acrobat

I-unlock ang PDF file mo sa loob ng ilang segundo.

Alamin kung paano mag-unlock ng mga PDF file sa pamamagitan ng pag-alis ng seguridad ng password kapag hindi mo na ito kailangan.

Simulan ang free trial

Mayroong protektadong PDF file na may proteksyon ng password na hindi na kailangan? Gamit ang Adobe Acrobat sa desktop mo, kasing dali ng pag-alis ng password ang pag-unlock ng file mo.

It's easy.

Madali lang ito.

Mag-alis ng seguridad ng password sa PDF mula sa PDF na dokumentong ginawa mo kung hindi mo na kailangan ng proteksyon. I-type lang ang password ng may-ari, at pagkatapos ay piliing alisin ang seguridad ng PDF. Ngayon mayroon ka nang naka-unlock na PDF.

It's secure.

Secure ito.

Hindi maa-unlock ng kahit sino lang ang PDF mo. Ang mga taong may pahintulot lang ang pwedeng mag-alis ng mga paghihigpit. Kung secure ang PDF gamit ang server-based na patakaran sa seguridad, ang author ng patakaran o administrator ng server lang ang pwedeng magbago rito.

Paano mag-unlock ng PDF para alisin ang seguridad ng password:

  1. Buksan ang PDF sa Acrobat.
  2. Gamitin ang tool na “I-unlock”:
    Piliin ang “Mga Tool” > “Protektahan” > “I-encrypt” > “Alisin ang Seguridad.”
  3. Alisin ang Seguridad:
    Nagbabago ang mga opsyon depende sa uri ng seguridad ng password na naka-attach sa dokumento.
    • Kung may Document Open password ang dokumento, i-click ang “OK” para alisin ito sa dokumento.
    • Kung may password ng mga pahintulot ang dokumento, i-type ito sa box na “Ilagay ang Password,” at pagkatapos ay i-click ang “OK.” I-click ulit ang “OK” para kumpirmahin ang pagkilos.

Piliin ang Acrobat plan na naaangkop para sa iyo.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/fragments/shared-fragments/pricing-pods/standard-pro-know