Adobe Acrobat

Mag-rotate ng mga page ng PDF. Simple lang ito.

Nakakuha ka na ba ng PDF file na may mga page na nakabaligtad? Alamin kung paano ito ayusin nang madali sa pamamagitan ng pag-rotate ng mga page sa anumang PDF at tiyakin ang isang nababasang dokumento.

Simulan ang free trial Panoorin ang video

Nasaan ka man, papadaliin ng Adobe Acrobat para sa iyo ang mag-rotate, magsaayos, o mag-alis ng iba't ibang page o isang page ng anumang PDF. Pwede ka ring mag-rotate ng mga page na na-merge mo mula sa mga scan o iba pang file na nakatagilid o nakabaligtad.

Rotate pages on the go.

Mag-rotate ng mga page kahit saan.

Mag-rotate at mag-ayos ng mga page sa PDF na dokumento mo mula sa kahit anong browser sa anumang device gamit ang Acrobat Reader mobile app.

Arrange how you want.

Mag-ayos sa paraang gusto mo.

Mag-ayos ng mga page ng PDF mo sa anumang ayos sa pamamagitan lang ng pag-drag at pag-drop ng mga thumbnail ng page hanggang sa maiayos ang mga ito sa paraang gusto mo.

Delete a page.

Mag-delete ng page.

Gamitin ang opsyong “Mag-delete ng Mga Page” para mag-alis ng mga hindi gustong page sa pinal na PDF file mo.

Paano mag-rotate ng mga page sa PDF:

  1. Buksan ang PDF sa Acrobat.
  2. Piliin ang tool na “Mag-ayos ng Mga Page”:
    Piliin ang “Mga Tool” > “Mag-ayos ng Mga Page.” O, piliin ang “Mag-organize ng Mga Page” mula sa kanang pane.
  3. Pumili ng mga page na iro-rotate:
    I-rotate lahat o ang mga piling page sa dokumento mo sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa shift key at pag-click sa mga page na iro-rotate. O, pumili ng hanay sa pangalawang toolbar “Ilagay ang Hanay ng Page.”
  4. Mag-rotate ng mga page:
    Nakabatay ang pag-rotate sa 90-degree na agwat. Pwede mong ilapat ang pag-rotate ng page sa napiling page o mga page sa pamamagitan ng pag-click sa mga button ng counterclockwise o clockwise na pag-rotate na ipinapakita sa thumbnail view ng page.
  5. I-save ang PDF:
    Pumili ng folder para sa na-export na file o i-click ang “Pumili ng Ibang Folder” at mag-navigate sa naaangkop na folder. Pangalanan ang file at i-click ang “I-save.”

Subukan ito

Gamitin ang madali naming online na tool para i-rotate kaagad ang mga page sa PDF mo at i-save ulit ang file mo — mula mismo sa browser mo.

Mag-rotate ng mga page ngayon

Piliin ang Acrobat plan na naaangkop para sa iyo.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/fragments/shared-fragments/pricing-pods/standard-pro-know