Gumawa ng mga design ng billboard na makatawag-pansin.
I-explore kung paano gamitin ang mga classic na advertising space na ito para maapektuhan ang malaking audience gamit ang mga billboard na nagpapaabot ng mahalagang mensahe.
Bakit mahalaga ang mga ad sa billboard.
Kung nakasakay ka na sa kotse o sa bus, nakakita ka na ng billboard. Ang mga ito ay malalaking aktwal na ad na nakikita ng milyon-milyong ccommuter araw-araw. Matatagpuan ang mga billboard sa mga lugar na mataas ang trapiko tulad ng mga highway at malalaking intersection, pati na rin malapit sa mga negosyong gustong makahikayat ng trapiko. Dahil sa laki ng mga ito, mahirap na hindi mapansin ang mga ito. Sadyang tinitingnan nang mahigit 70 porsyento ng mga tao ang mga advertisement sa billboard, at iniulat ng mahigit isang-katlo ang pagtingin sa mga outdoor na advertisement kadalasang may madaanan sila.
Bagama't laganap ang mga digital na ad dahil sa mas maraming oras na iginugugol ng mga tao sa mga screen, nauugnay pa rin ang mga naka-print na campaign ng ad saanman nandoon ang mga aktwal na customer. Sa digital na mundo, patuloy na nakikipagkumpitensya ang mga brand para sa atensyon at mga pag-click. Sa kalsada, mas kaunti ang abala sa mga tagapagmaneho at commuter.
Pwedeng makakuha ang isang mataong highway o intersection ng libo-libong impression araw-araw. Ang mga commuter na naipit sa trapiko sa panahon ng rush hour ay may mas maraming oras para titigan ang mga billboard ad, at tuloy-tuloy ang pagkakalantad ng mga taong naglalakbay sa mga parehong kalsada araw-araw sa mga parehong ad. Mas gusto rin ng mga industriyang nananatiling hyper-local at tumutugon sa mga tradisyonal na audience ang mga pisikal at konkretong katangian ng pag-advertise sa billboard. Ang mga kalsada ay nadadaanan ng lahat, kahit na ng madlang hindi madalas gumagamit ng internet o nanonood ng telebisyon, kaya palaging may pagbabagong magagawa ang mga ad na lumalabas doon.
Mga billboard para sa bagong henerasyon.
Pinagsasama ng mga digital na billboard ang luma at ang bago. Isang advertisement lang ang ipinapakita ng mga aktwal at naka-print na ad sa billboard sa loob nang ilang linggo, samantalang nagbabahagi ang mga digital na billboard ng real estate sa maraming advertiser. Mabilis na umuulit ang mga ito sa maraming design ng digital na billboard at karaniwang matatagpuan ang mga ito malapit sa mas mabagal na trapiko, kung saan makakakita ang mga naglalakad o tagapagmaneho ng iba't ibang ad sa iisang lugar.
Pwede ring magbago sa magdamag ang dalas at pagkakaiba-iba ng mga advertisement sa mga digital na billboard. Flexible ang digital na karatula para umangkop sa mga kasalukuyang event at isulong ang mga benta sa mga partikular na direksyon sa pag-click ng isang button. Bukod pa rito, ang design ng digital na billboard ay pwedeng may kasamang mga video, countdown timer, live na display ng trapiko o lagay ng panahon, at iba pang umiikot na mensahe na nanghihikayat sa mga naglalakad na huminto at humanga sa mga ito.
Mga tip sa design ng billboard.
Malikhain at makatawag-pansin ang pinakamagagandang design ng billboard — nagpapaabot ang mga ito ng mensahe bagama't sandali lang nakikita ang mga ito. Nakadepende ang mensahe sa pagkakalagay ng advertisement sa billboard. Mas maraming oras ang mga taong nakahinto sa red light na magbasa ng ad kaysa sa mga taong nagmamadali sa isang highway. Dapat isaalang-alang sa graphic design mo ang lokasyon at ang pagiging kumplikado ng mensahe. Isaalang-alang ang mga bagay na ito habag nagde-design ka:
I-explore ang contrast at typography.
Tulungan ang billboard mo na mamukod-tangi sa pamamagitan ng pag-contrast ng mga kulay ng font, image, at background. Dahil nasa labas ang mga ito, kailangan ding mamukod-tangi ang mga billboard mula sa mga nakapaligid na gusali at kalikasan para manatiling nakikita ang mga ito sa iba't ibang uri ng lagay ng panahon at liwanag.
Ang typography at mga partikular na font na gagamitin mo para sa mga design ng billboard ay dapat sapat na malaki para mabasa mula sa kahit saang distansya sa pagtingin at maayos ang contrast sa image sa background. Magandang opsyon ang naka-bold na sans serif typeface na nagpapakita ng pagkakakilanlan ng brand mo at nagma-maximize ng contrast. O maghanap sa mga pamilya ng font na ginagamit na ng brand mo o pumili ng naka-bold o itim na variation. Gumamit ng mga font na pwede mong gawing sapat na malaki para hindi kailangan ng mga tumitingin na maglakad o magmaneho nang mas malapit para maunawaan ang mga detalye.
Kapag pinagsasama-sama ang lahat ng element, mag-opt para sa simpleng design na naglilimita sa kalat. Halimbawa, ang puting font sa makulay na background ay gumagawa ng kasiglahan na makatawag-pansin.
Para sa mga organisasyong gustong mapanatili ang sopistikadong pagkakakilanlan ng brand pero kilala sa mga magaan, manipis, o cursive na font, mahalagang bigyang-priyoridad ang readability. Maghanap ng mas magandang font na babagay sa mga alituntunin ng brand mo, magpapalaki sa logo, o gagamit ng mga image sa background para makuha ang aesthetic ng brand mo. Dapat makadaan ang mga tao nang alam na para sa brand mo ang ad, kahit na ang font ay hindi ang parehong cursive na ginagamit mo sa iba.
Gumamit ng de-kalidad na imagery.
Una sa lahat, dapat may mataas na resolution ang mga image at larawan sa mga design ng billboard. Kung gagawa ka ng mga design ng naka-print o digital na billboard, hindi mo gugustuhing maapektuhan ng pixelation ang pagbabagong sinusubukan mong gawin. Bagama't maraming format ng image file ang gumagamit ng mga raster file na napi-pixelate kapag pinalaki mo ang mga ito nang lampas sa mga orihinal na dimensyon ng mga ito, pwede mong gamitin ang Adobe Illustrator para gumawa ng malaking artwork sa format ng vector art na magiging malinaw para sa kahit anong laki ng ad sa billboard.
Magagawa mo ring i-edit at i-crop ang image mo o gumawa ng mga color correction para matiyak na maganda ito sa canvas ng billboard mo. Ang Adobe Fonts at Adobe Stock ay may iba't ibang opsyon sa premium na text at stock image na pwede mong i-edit at palakihin para sa mga campaign sa billboard at kahit anong uri ng malaking karatula.
Malinaw mula sa kahit anong distansya.
I-optimize ang design ng billboard mo para sa mga lokasyong mataas at malayo sa mga naglalakad at tagapagmaneho. Gamitin ang buong taas at haba ng billboard sa highway. Ilagay ang text sa mga malikhaing paraan para magkwento nang may dramatic na image. Para sa nakakatawa at mas malaki kaysa sa normal na effect, palawakin ang mga larawan at graphics nang lampas sa karaniwang parihabang billboard na may mga karagdagang panel. Hindi masyadong nangangailangan ng tulong ang mga design ng digital na billboard para mamukod-tangi dahil nabibigyan ang mga ito ng maliwanag na ilaw na awtomatikong nagbubukod ng mga ito sa mga kapaligiran ng mga ito.
Tinitingnan ng mga tao ang malalaking poster sa mga bus stop at nakikita nila ang mga balot sa mga gilid ng mga bus at track nang mas malapitan o mula sa isang anggulo, kaya isaalang-alang ang pagbabago sa design ng billboard mo para sa iba't ibang uri ng outdoor na advertising. Tinitiyak ng paggamit sa vector art na malinaw na lalabas ang mga image at text sa kahit anong sukat at saan mo man mapagpasyahang gamitin ulit ang ad sa billboard.
Nakasulat na text para sa mga ad sa billboard.
Tulad ng malaking business card o flyer, dapat malinaw na ipakita ng kopya sa ad sa billlboard ang pagkakakilanlan ng kumpanya o brand at may kasamang call to action. Kung para ito sa pag-promote ng partikular na produkto o serbisyo, dapat maikli at hindi malilimutan ang nakasulat.
Narito ang ilang tip na dapat tandaan kapag gumawa ka ng ad sa billboard:
Gumamit ng maikling tagline: Pitong salita o mas kaunti ang kailangan para gumawa ng makatawag-pansing tagline. Iwasan ang pagdaragdag ng kahit anong fine print na pwedeng maging nakakaabala o hindi nababasa.
Maging pampamilya: Ang mga advertisement sa billboard ay nakikita ng lahat ng commuter, kaya gumawa ng naaangkop na content para sa audience, anuman ang edad.
Magsama ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan: Magdagdag ng numero ng telepono, website, address, o mga direksyon sa negosyo mo sa billboard na pwedeng gamiting sanggunian ng mga potensyal na customer para sa karagdagang impormasyon.
I-localize ang mensahe: Iangkop ang advertisement mo sa partikular na lungsod, estado, o lugar kung saan matatagpuan ang billboard. Magdagdag ng personal touch o shoutout sa isang lungsod para ipakita sa mga customer na naaayon ang brand sa kung ano ang gusto na nila.
O mamukod-tangi sa pagiging kakaiba. Kung minsan, mas tumatatak sa audience ang hindi paggawa ng mga inaasahan. Pwedeng manghikayat ng kuryusidad ang isang billboard na nagtatampok lang ng website o logo dahil sa pagiging simple nito.
Alinmang malikhaing paraan ang gawin mo, ang Adobe Creative Cloud ay isang opsyon para bigyan ang negosyo mo g mga app na nangunguna sa industriya na makakatulong sa iyo at sa team mo na mag-design ng magagandang billboard at iba pang marketing material. Linangin ang pagkamalikhain, ayusin ang gawa mo, i-share ang mga asset mo, at bumuo ng mga ad na makatawag-pansin.
Tumuklas ng mga app na makakatulong sa iyong mag-design ng mga billboard na makatawag-pansin.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.