Ang mga tool at file na kailangan mo, kung kailan at saan mo kailangan ang mga ito.

Gamit ang Adobe Acrobat, madaling mag-access at gumamit ng mga PDF na naka-store sa Dropbox, at sa tulong ng Acrobat Sign, madaling i-send ang mga ito para palagdaan mula mismo sa Dropbox.


Tuloy-tuloy na mag-send para magpalagda gamit ang Acrobat Sign mula mismo sa Dropbox.

Gamit ang Acrobat Sign sa Dropbox, mabilis na pumili ng PDF o dokumento sa Dropbox na kailangang lagdaan, at ang Acrobat Sign na ang bahala sa iba pa.

Mangolekta ng mga signature sa loob ng ilang minuto. Mag-send ng mga dokumentong lalagyan ng e-sign nang direkta mula sa Dropbox gamit ang Acrobat Sign.

Pasayahin ang mga customer mo. Padaliin ang paglagda ng mga dokumento, kontrata, at form — kahit kailan, kahit saan, sa anumang device.

Subaybayan ang mga proseso ng signature nang walang kahirap-hirap. Sinusubaybayan ng Acrobat Sign ang buong proseso at awtomatiko nitong ibinabalik ang nilagdaang dokumento sa Dropbox.

Kapag nag-upgrade ka mula sa libreng bersyon, magkakaroon ka ng mas maraming kakayahan.

Dropbox
Dropbox

Panatilihing abot-kamay mo ang mga file mo gamit ang Acrobat at Dropbox.

Sa Acrobat, pwede kang magbukas, mag-edit, lumagda, at mag-save ng mga pagbabago sa mga PDF mo mula sa Dropbox.

Magtrabaho kung saan mo gusto. Ikonekta ang Dropbox account mo sa Acrobat. Pagkatapos ay pwede kang magbukas, mag-edit, at lumagda ng mga naka-store na PDF sa Acrobat o Acrobat Reader. Awtomatikong i-save ang lahat ng pagbabago sa Dropbox.

Magdagdag ng mga mobile device. Ikonekta ang Acrobat Reader mobile app mo sa Dropbox para ma-access at magamit mo ang mga file mula sa iOS o Android device mo.

Panatilihing pribado ang pribadong data. Tiyaking ang mga tamang tao ang may access sa mga dokumento mo — at wala nang iba. Protektahan ang mga PDF mo gamit ang password at limitahan ang pagkopya, pag-edit, o pag-print.

Ang assurance na kailangan mo, mula sa kumpanyang pinagkakatiwalaan mo.

Seguridad. Protektahan ang data mo, mga dokumento mo, at kumpanya mo gamit ang mga nangunguna sa industriyang resource sa seguridad mula sa Adobe.

 

Pagsunod. Natutugunan ng mga solution ng Adobe Document Cloud ang mga pinakamabusising pang-industriya at panregulatoryong kinakailangan — pinapadali nito para sa iyo na tiyakin ang pagsunod at mangolekta ng legal na e-signature o mag-authenticate ng mga signer gamit ang pag-verify gamit ang Government ID.

 

Kontrol. Makuha ang kontrol na kailangan mo para mag-deploy at mag-manage gamit angmga resource namin sa deployment at gabay sa admin ng enterprise.

Marami ka pa bang gustong malaman?

Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa natatangi mong environment, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.