Microsoft Office 365.

Magtrabaho nang mas mabilis, mas mahusay, at mas ligtas.

Ngayon, naka-built in na ang mga e-signing and PDF tool ng Adobe Document Cloud sa Microsoft Office 365. Nangangahulugan ito na magagawa ng lahat sa organisasyon mo na makipagnegosyo at mag-collaborate nang mas mabilis sa mga paborito nilang Office app.


Kumpletuhin ang negosyo nang mas mabilis gamit ang Acrobat Sign sa Office 365.

Ang Acrobat Sign ay kasama sa mga Microsoft Office 365 app mo. Mas madali na ngayon na makakuha ng mga e-signature mula mismo sa mga solution na ginagamit mo araw-araw.

Makatipid ng oras at pabilisin ang paglagda. Maghanda at mag-send ng mga dokumento para lagyan ng e-signature at subaybayan ang status ng mga ito nang mabilis at walang kahirap-hirap, mula mismo sa Microsoft SharePoint, Outlook, Teams, Word, at PowerPoint.

Gumawa ng mga naka-automate na workflow. Magdagdag ng mga hakbang sa paglagda sa mga workflow ng SharePoint, o gamitin ang Microsoft Flow connector para i-automate ang mga proseso.

Pasayahin ang mga customer mo. Padaliin ang paglagda ng mga dokumento, kontrata, at form — kahit kailan, kahit saan.

Electronic signature sa Microsoft Office 365

Sulitin pa ang Office 365 gamit ang mga serbisyo sa Acrobat at PDF.

Ngayon, magagamit nang maayos ng lahat sa team mo ang mga PDF file, sa Office 365 mismo.

Magtrabaho kung saan mo gusto. Mag-convert ng mga Word, Excel, o Powerpoint file sa PDF sa Office 365 o gumamit ng mga Office file sa Acrobat. Ikaw ang pipili.

Mas maraming magawa online. Pagsama-samahin ang mga dokumento sa iisang PDF at baguhin ang ayos ng mga page sa OneDrive para sa Negosyo o mula sa SharePoint, Word, Excel, o PowerPoint online.

Protektahan ang mga file mo nang may kumpiyansa. Protektahan ang mga file gamit ang password sa Office 365 para protektahan ang kumpidensyal na impormasyon at limitahan ang pagkopya, pag-edit, at pag-print.

Mga serbisyo sa PDF ng Microsoft Office 365

Gumawa at mag-share ng mga PDF sa mga Office 365 application mo mismo. Pwede ka ring mag-send ng mga dokumentong papalagdaan at sumubaybay ng status sa Word at PowerPoint.


Gamitin ang mga solution ng Document Cloud sa SharePoint para i-streamline ang mga workflow mo ng dokumento. Mapalagdaan kaagad ang mga kasunduan, at magamit nang maayos ang mga PDF file.



Outlook

Mag-send ng mga dokumentong papalagdaan at tingnan ang status ng mga ito sa Outlook mismo. Gamitin ang teknolohiya ng pag-autofill at paglagda para tukuyin ang mga field at lagdaan ang mga dokumentong matatanggap mo. Gamitin ang Acrobat para mag-convert ng mga mensahe at folder sa PDF nang hindi umaalis sa Outlook.

Gawin, i-share, at aprubahan ang mga asset at electronic na kasunduan mo sa Microsoft Teams para pabilisin ang paggawa ng content at mga pag-apruba ng dokumento.

Paigtingin ang kahusayan ng negosyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga electronic signature sa Microsoft PowerApp para sa web, mga tablet, o mobile device mo, gamit ang mga Acrobat Sign Flow connector.

Mas maraming magagawa sa OneDrive para sa Negosyo online. Mag-convert ng mga Office file sa PDF at magsama-sama ng mga dokumento sa iisang file, mula mismo sa OneDrive.



Sa Hawaii, hindi na gagamit ng papel, at magkakaroon ng ROI.

Napaikli ng Estado ng Hawaii ang tagal ng paglagda sa dokumento sa ilang oras mula sa dating ilang linggo, at nabawasan nito nang husto ang pag-print — sa tulong ng Acrobat Sign, Acrobat, at Microsoft SharePoint.

Kwento ng customer – integration ng Adobe at Microsoft SharePoint

Ang assurance na kailangan mo, mula sa kumpanyang pinagkakatiwalaan mo.

Seguridad. Protektahan ang data mo, mga dokumento mo, at kumpanya mo gamit ang mga nangunguna sa industriyang resource sa seguridad mula sa Adobe.

 

Pagsunod. Natutugunan ng mga solution ng Adobe Document Cloud ang mga pinakamabusising pang-industriya at panregulatoryong kinakailangan — pinapadali nito para sa iyo na tiyakin ang pagsunod at mangolekta ng legal na e-signature o mag-authenticate ng mga signer gamit ang pag-verify gamit ang Government ID.

 

Kontrol. Makuha ang kontrol na kailangan mo para mag-deploy at mag-manage gamit angmga resource namin sa deployment at gabay sa admin ng enterprise.

Microsoft + iba pang integration sa Adobe Document Cloud.

Mag-send, lumagda, sumubaybay, at magsumite ng mga kontrata gamit ang mga pinagkakatiwalaan mong e-signature — saanman, kailanman, sa anumang device — sa Microsoft Dynamics.

Marami ka pa bang gustong malaman?

Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa natatangi mong environment, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.