Para makalikha ng tunay na kamangha-manghang bagay, kailangan mo ng genuine Adobe software.
Binibigyang kapangyarihan ng Adobe ang pagkamalikhain para sa lahat. Tanging ang aming world-class Creative Cloud apps at services ang nagbibigay ng inobasyon at performance na kailangan mo upang makagawa ng kahit ano sa kahit saan.
Bakit mahalaga ang Adobe Genuine software.
Sa kasamaang palad, ang paglipat mula boxed papuntang cloud-based software ay hindi nakahinto sa mga manloloko. Patuloy silang nakakahanap ng paraan para i-pirate ang creative apps ng Adobe, magbenta ng pekeng bersyon sa mga walang kamalay-malay na customer, at posibleng mailagay sa panganib ang seguridad ng mga tao. Alamin pa ang mga benepisyo ng genuine Adobe software.
Nagmamalasakit kami na bigyan ka ng pinakamahusay na creative experience.
Nagsusumikap kami na protektahan ka mula sa mga mapanlinlang na nagbebenta at tiyakin na tanging genuine Adobe software lang ang mabibili. Sa ganitong paraan, makukuha mo ang pinakamahusay na karanasan mula sa aming apps at services. Makikipag-ugnayan din kami para ipaalam kung may non-genuine software ka at mag-aalok kami ng suporta at opsyon para matulungan kang lumipat sa genuine software.
Kabilang sa mga genuine na produkto ang pinakabagong seguridad.
Ang seguridad ng iyong data at digital experiences ang aming prayoridad, kaya patuloy kaming gumagawa ng paraan upang gawing mas ligtas ang aming software at pigilan ang mapanlinlang na aktibidad. Di tulad ng pekeng software, ang genuine Adobe apps ay may kasamang suporta, upgrades, at pinakabagong proteksyon laban sa malware at viruses.
Tuloy-tuloy na access sa mga creative innovations.
Tanging gamit ang genuine Adobe Creative Cloud apps at services ka makakakuha ng mga bagong feature at updates na direktang dumarating sa iyong software, kaya nananatili kang updated sa mga pinakabagong creative trends at techniques. Mayroon kaming mga plan para sa lahat — photographers, estudyante, maliliit na negosyante, at marami pa — kaya madaling makahanap ng swak sa iyong pangangailangan.