Hindi na sinusuportahan ng Adobe ang Flash Player simula Disyembre 31, 2020 (“Petsa ng EOL”), ayon sa
nauna nang inanunsyo noong Hulyo 2017.
Ang mga open standard gaya ng HTML5, WebGL, at WebAssembly ay patuloy na nag-mature sa mga nakalipas na taon at nagsisilbi ang mga ito bilang mga pwedeng alternatibo para sa Flash content. Dagdag pa rito, ini-integrate na ng malalaking vendor ng browser ang mga open standard na ito sa kanilang mga browser at hindi na ginagamit ang karamihan sa iba pang plug-in (gaya ng Flash Player). Tingnan ang mga anunsyo tungkol sa EOL ng Flash Player mula sa
Apple,
Facebook,
Google,
Microsoft at
Mozilla.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahigit tatlong taong maagang abiso, naniniwala ang Adobe na sapat na ang panahon ng mga developer, designer, negosyo, at iba pang partido para mag-migrate ng content ng Flash sa mga bagong standard. Ang EOL timing ay ayon sa pakikipagkoordina sa ilan sa malalaking vendor ng browser.
Pagkatapos ng Petsa ng EOL, hindi maglalabas ang Adobe ng mga update o patch sa seguridad ng Flash Player. Mariing inirerekomenda ng Adobe ang agarang pag-uninstall ng Flash Player. Para tumulong na i-secure ang system mo, na-block ng Adobe ang pagtakbo ng content ng Flash sa Flash Player simula Enero 12, 2021. Na-disable na at patuloy na idi-disable ng malalaking vendor ng browser ang Flash Player mula sa paggana.
Posibleng manatili ang Flash Player sa system mo maliban kung ia-uninstall mo ito. Makakatulong ang pag-uninstall ng Flash Player na i-secure ang system mo dahil hindi na maglalabas ang Adobe ng mga update o patch sa seguridad ng Flash Player pagkalipas ng Petsa ng EOL. Na-block ng Adobe ang pagtakbo ng content ng Flash sa Flash Player simula Enero 12, 2021 at na-disable na at patuloy na idi-disable ng malalaking vendor ng browser ang pagtakbo ng Flash Player pagkatapos ng Petsa ng EOL.
I-click ang “I-uninstall” kapag na-prompt ka ng Adobe, o sundin ang mga tagubiling ito sa manual na pag-uninstall para sa mga user ng
Windows at
Mac.
Dahil hindi na sinusuportahan ng Adobe ang Flash Player pagkalipas ng Petsa ng EOL, na-block ng Adobe ang pagtakbo ng content ng Flash sa Flash Player simula Enero 12, 2021 para makatulong na i-secure ang system mo. Posibleng manatili ang Flash Player sa system mo maliban kung ia-uninstall mo ito.
Paunti na nang paunti ang mga browser at operating system na sumusuporta sa Flash Player kaya mariing inirerekomenda ng Adobe ang agarang pag-uninstall sa Flash Player.
Hindi na naglo-load ng Flash Player o nagpapatakbo ng content ng Flash ang Apple Safari bersyon 14, na ni-release para sa macOS noong Setyembre 2020. Bisitahin ang
suporta sa Safari ng Apple para sa higit pang impormasyon.
Bisitahin ang
http://www.adobe.com/products/flashplayer/tech-specs.html para sa pinakabagong listahan ng mga browser at operating system na sinusuportahan ang Flash.
Hindi. Inalis na ng Adobe ang mga page sa pag-download ng Flash Player sa site nito. Na-block ng Adobe ang pagtakbo ng content ng Flash sa Flash Player simula Enero 12, 2021.
Hindi ka dapat gumamit ng mga hindi awtorisadong bersyon ng Flash Player. Ang mga hindi awtorisadong pag-download ay karaniwang pinagmumulan ng malware at mga virus.
Hindi maglalabas ang Adobe ng mga update o patch sa seguridad ng Flash Player pagkatapos ng Petsa ng EOL. Mariing inirerekomenda ng Adobe ang agarang pag-uninstall ng Flash Player.