con-block-row-bgcolor
#F8F8F8

Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa PDF.

Alamin kung paano nalikha ang PDF — at kung paano naging mas madali ang pag-convert, pag-edit, paglagda, at pagbabahagi ng mga dokumento dahil sa pagkakaimbento nito.

con-block-row-text (l-button)
Simulan ang free trial | Free trial ng Acrobat Pro
#FFFFFF

Ano ang ibig sabihin ng PDF?

Ang PDF ay isang abbreviation na nangangahulugang Portable Document Format. Isa itong versatile na format ng file na ginawa ng Adobe na nagbibigay sa mga tao ng madali at maaasahang paraan upang mag-present at makipagpalitan ng mga dokumento — anuman ang software, hardware, o operating system na ginagamit ng sinumang tumitingin sa mga ito.

Open standard na ngayon ang PDF, na pinapanatili ng International Organization for Standardization (ISO). Puwedeng maglaman ang mga PDF na dokumento ng mga link at button, field ng form, audio, video, at business logic. Puwedeng lagdaan ang mga ito sa electronic na paraan at mabilis na matitingnan sa Windows o macOS gamit ang Adobe Acrobat Reader.

Ang Adobe ang gumawa ng PDF.

Noong 1991, inilunsad ng co-founder ng Adobe na si Dr. John Warnock ang paper-to-digital na rebolusyon sa ideyang tinawag niyang, The Camelot Project. Ang layunin ay bigyang-daan ang sinumang kumuha ng mga dokumento mula sa anumang application, mag-send ng mga electronic na bersyon ng mga dokumentong ito kahit saan, at tingnan at i-print ang mga ito sa anumang machine. Pagsapit ng 1992, naging PDF na ang The Camelot Project. Ngayon, ang PDF na ang format ng file na ginagamit at pinagkakatiwalaan ng mga negosyo sa buong mundo.

Pinadali ang pag-convert ng PDF na dokumento.

Patuloy na hinuhubog ng mithiin ni Warnock ang paraan kung paano kami nagtatrabaho. Kapag gumawa ka ng Adobe PDF mula sa mga dokumento o image, kuhang-kuha nito ang hitsura na gusto mo. Bagama’t mga larawan lang ng mga page ang maraming PDF, pinapanatili ng mga Adobe PDF ang lahat ng data sa orihinal na format ng file—kahit magkakasama sa isang file ang text, graphics, mga spreadsheet, at marami pa.

Mga feature ng PDF na makakatulong sa iyong gumawa nang mas epektibo.

https://main--dc--adobecom.aem.page/dc-shared/assets/images/shared-images/about-adobe-pdf/icons/standards.svg

Nakakatugon ang mga PDF na file sa matataas na pamantayan.

Makakatiyak kang nakakatugon ang PDF file mo sa mga pamantayan sa ISO 32000 para sa pagpapalitan ng electronic na dokumento, kabilang ang mga pamantayang may espesyal na layunin tulad ng PDF/A para sa pag-archive, PDF/E para sa engineering, at PDF/X para sa pag-print. Maaari ka ring gumawa ng mga PDF para tumugon sa iba't ibang pamantayan ng accessibility upang maging mas magamit ang nilalaman para sa lahat ng tao.

Alamin pa

https://main--dc--adobecom.aem.page/dc-shared/assets/images/shared-images/about-adobe-pdf/icons/sign-li.svg

Lumagda nang mas mabilis gamit ang Acrobat e-signatures.

Mas madaling lumagda ng PDF sa electronic na paraan gamit ang Adobe Acrobat Reader mobile app o ang Acrobat Sign mobile app. I-access ang mga PDF mo mula sa anumang web browser o operating system. Para pamahalaan ang mga proseso para sa legal na may bisang electronic o digital signature, subukan ang Adobe Acrobat o Acrobat Sign.

I-download ang Reader I-download ang Sign

https://main--dc--adobecom.aem.page/dc-shared/assets/images/shared-images/about-adobe-pdf/icons/secure.svg

Secure ang mga Adobe PDF.

Kapag gumamit ka ng mga electronic na dokumento, mahalagang gawing bahagi ng routine mo ang proteksyon. Pwede mong protektahan ang mga PDF file mo gamit ang password para pigilan ang iba na kumopya at mag-edit. I-redact ang mga ito para permanenteng mag-delete ng sensitibong impormasyon. Maaari mo ring hanapin at alisin ang nakatagong data.

Alamin pa

https://main--dc--adobecom.aem.page/dc-shared/assets/images/shared-images/about-adobe-pdf/icons/scan.svg

I-scan ang mga dokumento upang pasimplehin ang trabaho mo.

Pwede kang mag-scan ng mga dokumentong papel at form para i-save bilang mga Adobe PDF na madaling hanapin, i-share, at i-store. Gamit ang optical character recognition (OCR) na teknolohiya, maaari mong i-edit ang text at magkomento sa mga dokumento na na-scan mo. Ang Adobe Acrobat Pro ay hindi lang PDF viewer, ito rin ang advanced na PDF Solution na nagbibigay-daan sa iyong gumawa, mag-edit, at mag-convert ng mga PDF file sa iba pang format.

Alamin pa

#F8F8F8

I-integrate ang mga PDF sa iba pang app.

Nakikipagtulungan kami sa mga nangungunang kumpanya para maidagdag mo ang mga PDF tool ng Adobe Document Cloud sa mga application na ginagamit na ng mga team mo. Gamit ang mga PDF tool na naka-embed sa Microsoft 365, pwede kang mag-convert kaagad ng mga Microsoft Word na dokumento, Excel file, o PowerPoint presentation sa PDF para sa mas simple at na-streamline na mga workflow mo.

Alamin pa ang tungkol sa mga integration

I-explore ang mga Acrobat tool para sa pag-edit at pag-convert ng mga PDF.

Makakuha ng higit na convenience sa mga PDF mobile app.