Logo ng Adobe

Pagiging kwalipikado ng estudyante at guro

Para maging kwalipikado para sa diskwento para sa estudyante, ikaw ay dapat 13 taong gulang pataas at naka-enroll sa isa sa mga sumusunod:

  • Unibersidad o kolehiyo — accredited na pampubliko o pribadong unibersidad o kolehiyo na (kasama ang community, junior, o vocational college) naggagawad ng mga degree na nangangailangan ng hindi bababa sa katumbas ng dalawang taong full-time na pag-aaral*
  • Paaralang primarya o sekundarya — accredited na pampubliko o pribadong paaralang primarya o sekundarya na nagbibigay ng full-time na pagtuturo*
  • Homeschool — tinutukoy ng mga regulasyon sa homeschooling ng estado

 

Ano ang patunay ng pagiging kwalipikado?

Gumamit ng email address na ibinigay ng paaralan: Mave-verify ka kaagad kung magbibigay ka ng email address na ibinigay ng paaralan habang bumibili. (Ang email address ng paaralan ay pwedeng may .edu, .k12, o iba pang domain ng email na sino-sponsor ng mga institusyong pang-edukasyon.) Kung wala kang email address na ibinigay ng paaralan o kung hindi ma-verify ang email address mo, posibleng humingi ng karagdagang patunay ng pagiging kwalipikado pagkatapos bumili.

 

Mga estudyante at guro sa mga accredited na paaralan.

Ang patunay ng pagiging kwalipikado ay dapat isang dokumento na ibinigay ng institusyon na may pangalan mo, pangalan ng institusyon, at kasalukuyang petsa. Ang mga uri ng patunay ng pag-enroll ay:

  • School ID card
  • Report card
  • Transcript
  • Bill o statement ng matrikula

 

Mga naka-homeschool na estudyante

Pwedeng kasama sa patunay ng pagiging kwalipikado ang:

  • May petsang kopya ng sulat tungkol sa intensyong mag-homeschool
  • Updated na membership ID sa homeschool association (halimbawa, Home School Legal Defense Association)
  • May petsang patunay ng pagbili ng curriculum para sa kasalukuyang pang-akademikong taon ng pag-aaral

*Ang mga accredited na paaralan ay mga paaralang inaprubahan ng samahang kinikilala ng U.S. Department of Education/State Board of Educaton o Canadian/Provincial Ministries of Education at pangunahing nakatuon sa pagtuturo sa mga estudyante. Sa U.S., kasama sa mga samahang ito ang: Middle States Association of Colleges and Schools, North Central Association of Colleges and Schools, Western Association of Schools and Colleges, Southern Association of Colleges and Schools, New England Association of Schools and Colleges, Northwest Association of Accredited Schools.

 

† Itinuturing na updated ang mga dokumentong may petsang pasok sa nakalipas na anim na buwan.