Nakakapukaw ng interes at nakakahatak ng mga bagong customer ang mga sign na may magandang design.
Paramihin ang bumibisita sa pamamagitan ng magagandang sign.
Kung may negosyo kang humaharap sa publiko, kailangan mo ng sign. Ang pagkakaroon ng sign ay isa sa mga pinakaabot-kaya, subok na, at epektibong paraan ng advertising at pakikipag-ugnayan. Parang hindi rin lang nakikita ang isang negosyong walang sign, pero ang mayroong magandang sign ay nakakapukaw ng atensyon at nakakahikayat sa mga customer na pumunta at tingnan ang lugar mo.
Ang sign mo ang pakikipagkamay mo.
Ang mga sign ay isang anyo ng pakikipag-ugnayan. Bago makipag-usap ang mga customer sa team mo o pumasok sa negosyo mo, nakikipag-ugnayan sila sa branded na pakikipag-ugnayang inilalabas mo sa buong mundo. Mahalagang bahagi noon ang mga sign. Ayon sa isang pag-aaral, 60 porsyento ng mga customer ang nagsasabing ang kawalan ng sign ay pumipigil sa kanila na pumasok, at 68 porsyento ang naniniwalang sinasalamin ng signage ang kalidad ng negosyo.
Tulad ng mga business card, ang mga sign ay imbitasyon, at susuriin ka ng mga customer batay sa kalidad ng sign mo. Posibleng ang isang magandang sign ang magtatakda ng pagkakaiba ng bagong benta at ng isang taong dumadaan lang sa negosyo mo.
Mga uri ng signage.
Mula sa mga handcrafted na kahoy na sign hanggang mga window decal, halos kasingdami ng mga negosyo ang mga uri ng mga outdoor sign. Narito ang ilan sa mga pinakakaraniwang opsyon sa sign:
Mga sign sa pader
Isa sa mga pinakasimple at mahalagang sign ng negosyo ang mga sign sa pader. Kailangan ng halos lahat ng negosyo na ipakilala kung sino sila sa flat na surface tulad ng pader o bintana, na karaniwang nagpapakita ng logo nila kasama ng anupamang mahalagang impormasyon.
Mga pylon sign
Ang mga pylon sign ay anumang sign na nakakabit sa isang poste. Kaysa sa pagpapakita ng promotion, karaniwang mas nagbibigay ng impormasyon ang mga pylon sign, tulad ng mga direksyon sa kung paano pumunta sa isang negosyo, mga sign sa bakuran na nagsasabi sa mga dumadaan na huwag tumapak sa damuhan, o mga sign sa kalye na nagpapahayag ng mga panuntunan sa daan o tumutulong sa paghahanap ng daan.
Mga sign sa sidewalk
Ang mga sign sa sidewalk ay mga maliit at portable na sign na karaniwang nasa labas ng negosyo tuwing bukas ito, pero ipinapasok kapag gabi. Isang sikat na uri ng design ng sign sa sidewalk ang A-frame na sandwich board na design, pero hindi ito para sa lahat. Ang pagkakaroon ng sign sa sidewalk ay hayagang nagpapahiwatig sa mga dumadaan na bukas ang negosyo at pwede silang pumasok.
Mga roll-up banner
Ang mga banner ay karaniwang pansamantalang sign at maganda ang mga ito para sa mga espesyal na event o promotion. Maganda rin ang mga banner kung nagsasagawa ka ng remote na event tulad ng trade show o pop-up na tindahan at kailangan mong ipakita ang pagkakakilanlan ng brand mo sa pamamagitan ng isang bagay na portable.
Mga element ng magandang design ng sign.
Legibility
Kailangang malinaw ang sign ng negosyo. Karamihan sa mga taong tumutingin dito ay titingnan lang ito nang ilang segundo, kaya kailangang madaling maintindihan ang lahat ng nasa sign. Makakatulong doon ang mga icon at simbolo, tulad ng almires na nagpapahiwatig ng parmasya. Magpasya kung aling impormasyon at visual element ang pinakamahalaga. Hindi mo gustong ma-overwhelm ang tumitingin mo, kaya ang mga kailangan lang ang ilagay sa sign. Kung may parang sobra o nakakagulo dito, malamang ay mayroon nga.
Hierarchy
Karaniwang naglalaman ang mga sign ng iba't ibang impormasyon, pero mahalagang kontrolin kung ano ang unang makikita ng tumitingin. Kadalasan, ang pangalan ng negosyo ang pinakamahalagang element, na sinusundan ng slogan, at pagkatapos ay iba pang impormasyon tulad ng lokasyon o mga oras ng negosyo. Malaki ang ginagampanan ng layout sa pagtukoy sa kung ano ang unang babasahin at uunawain ng tumitingin.
Contrast
Kailangang maging kapansin-pansin at naiiba ang hitsura ng mga sign sa lugar kung nasaan ang mga ito. Kung may restaurant ka, kailangang naiiba sa iba pang restaurant sa lugar ang sign mo. Kung isa kang law firm na may kahating iba pang white-collar na negosyo sa opisina, kailangan mong magkaroon ng sign na namumukod-tangi mula sa mga sign ng mga katabi mo.
Kapag nagde-design ka ng sign para sa negosyo mo, isaalang-alang ang kapaligiran at konteskto mo. Kung may malaking berdeng sign ang kapitbahay mo, dapat ay may ibang kulay at ibang visual element ang sa iyo.
Ang uri ng negosyo mo rin ang makakapagsabi ng kung anong klase ng sign ang mayroon ka. Pwedeng may malinis at puting sign ang opisina ng doktor, at pwedeng may painting sa brick wall ang isang retro style na pamilihan. Maging ang kulay ng background ng sign mo ay nagpapahayag ng mahalagang impormasyon sa mga customer mo — pwedeng magpahiwatig ng mga de-kalidad na produkto at maraming taon ng karanasan ang ginto kumpara sa mga neon na pwedeng magmukhang bata at bago.
Recognizability
Kailangang sinasalamin ng sign ang brand, personalidad, at pangkalahatang dating ng negosyo. Kung may brand kit, logo, o pagkakakilanlan ng brand ang negosyo mo, iyon dapat ang magtatakda sa design ng sign. Kung hindi ipinapahayag ng pinakamalaking impormasyong nakikita ng publiko ang brand voice o pagkakakilanlan ng brand mo, pwedeng maging sobrang nakakalito iyon para sa mga customer mo.
Pwedeng itakda ng pagkakakilanlan ng brand mo ang mga pipiliing font at kulay na ilalagay mo sa sign mo. Dapat ay palaging malinaw at madaling basahin ang lettering sa sign, pero ang pagpili ng serif o sans serif na font ay pwedeng magpahayag ng maraming bagay tungkol sa pagkakakilanlan ng brand o kung anong klase ng negosyo ka.
Maraming may-ari ng negosyo ang gugustuhing maging kilala ang sign o logo nila. Magandang paraan talaga ang pagiging kilala para maging nakikilala, at paniguradong alam ng sinumang makakakita ng gintong arko ang ibig sabihin noon. Gayunpaman, hindi kailanman nagiging kilala kaagad ang mga brand. Pagtuunan ang pagiging malinaw at kakaiba, at pwedeng maging kilala ang sign mo balang araw.
Panghuli, kailangang kasya ang mga sign sa medium ng mga ito. Hindi sapat na gamitin sa vehicle wrap o fabric banner ang parehong vector file na ginawa mo para sa acrylic na sign sa pader. Para mapanatili ang legibility, hierarchy, contrast, at recognizability, kailangang custom-made ang mga sign para sa konteksto kung saan ilalagay ang mga ito, at kailangang gumawa ang mga designer nang isinasaalang-alang iyon. Posibleng may lugar para sa logo, mga oras at numero ng telepono ang front door ng negosyo mo. Pero dapat ay mas kaunti — at mas malalaking — visual element ang nasa sign na para sa mga driver sa kalye, para mas mabilis itong ma-scan ng mga potensyal na customer habang nadaraanan nila ito.
Pwedeng magmula kahit saan ang inspirasyon para sa mga sign ng negosyo mo. Tumingin sa Behance para sa mga halimbawa ng lahat mula sa mga sign sa bakuran hanggang sa mga awning.
Gumawa ng mga sign, banner, at poster gamit ang Adobe Creative Cloud.
Nasa Adobe Creative Cloud para sa mga team ang lahat ng kailangan mo para makagawa ng de-kalidad na custom na sign para sa negosyo mo. Tutulungan ka ng mga template sa Adobe Stock na magsimula ng sarili mong design ng sign, at sinusuportahan ng mga app gaya ng Adobe Photoshop at InDesign ang lahat mula sa maliliit na sticker at decal hanggang sa mga higanteng billboard at mesh banner. Linangin ang mga kakayahan mo sa pamamagitan ng mga tutorial sa graphic design, at makakuha ng inspirasyon mula sa online na komunidad sa design na puno ng mga bihasang propesyonal, na may kanya-kanyang natatanging istilo.
Higit pang paksang baka interesado ka…
Tumuklas ng mga app na makakatulong sa iyong gumawa ng mga kapansin-pansing sign.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.