Tingnan kung paano nakakapagpabuhay ng negosyo ang paggawa ng mga custom na flyer mula sa mga creative asset ng brand mo.
Abutin ang mga potensyal na customer gamit ang mga digital at print na flyer.
Ang mga flyer ay isang versatile at epektibong promotional tool kapag ginawa nang mahusay — naka-print man ito o digital na shine-share. Epektibo ang mga mahusay at makalumang print media handout sa pagpapakalat ng tungkol sa lahat mula sa mga event hanggang sa mga bagong produkto. “Ang print ay isa nang medium na partikular sa target at mas magiging ganoon pa ito,” sabi ng marketing consultant na si Dave Matli sa artikulo niya sa Forbes . “Nababagay ito sa kung saan nagkakaroon ka ng pisikal na interaksyon sa mga customer mo, tulad ng sa retail store o event.” Bukod pa rito, kapag ginawa mo ang mga design mo nang in-house sa mga custom na laki, makakagawa ka ng mga digital na bersyon ng mga naka-print na flyer mo gamit ang parehong sulit na tool at template ng design.
Paggawa ng epektibong flyer para sa marketing.
Sa parehong digital at naka-print na flyer, ang pakikipag-ugnayan sa audience mo nang mabilis ang layunin. Panatilihing simple ang mga flyer mo at i-highlight lang ang mahahalagang detalye. Itanong mo sa sarili mo ang mga taong na ito kapag nagdaragdag ng content:
- Anong gusto mong gawin ng mambabasa?
- Mauunawaan ba nila ito sa isang sulyap lang?
Kapag natukoy mo na ang layunin at mensahe ng flyer mo, tiyaking alam ng audience mo kung kanino nanggagaling ang impormasyon. Dapat ay sumunod ang flyer mo sa visual style guide at alituntunin ng brand mo para matiyak na malinaw ang pagkakakilanlan ng brand mo.
Kung pinaplano mong gumawa ng maraming flyer, makakatulong ang pag-aayos sa mga creative asset mo na ma-access ng team mo ang mga tamang logo, kulay, at font. Magandang opsyon ang Creative Cloud Libraries para masubaybayan ang mga branded na asset na gagamitin ng team mo sa iba't ibang marketing material.
Mag-design ng flyer sa Adobe InDesign.
Ibinibigay ng komprehensibong feature sa pag-layout ng InDesign ang lahat ng kailangan ng team mo sa isang mahusay na tool sa pag-design para makagawa ng flyer na may buong kulay:
- Maghanap sa libo-libong kapansin-pansing image mula sa Adobe Stock sa panel ng Mga Library sa Creative Cloud ng InDesign. Gumamit ng preview na image para makita kung anong hitsura ng design mo bago mo ito lisensyahan.
- Magdagdag ng makatawag-pansing headline at maglapat ng mga kulay mula sa image mo o kumuha ng mga kulay mula sa naka-share na library ng asset ng creative team mo.
Magdagdag ng mga panapos na detalye.
Nakakatipid ng oras ang mahuhusay na kakayahan sa InDesign. Magagawa ng team mo na mag-import ng text mula sa mga file sa labas, mag-save ng mga logo at color palette para i-share sa iba't ibang proyekto, at mag-export sa maraming bersyong na-optimize para sa digital o print.
- Mag-import ng text mula sa mga file sa labas, at pagkatapos ay gumawa at mag-save ng mga istilo ng paragraph at character para madaling ma-format ng team mo ang lahat ng text sa mga design mo para bumagay.
- Magdagdag ng mga asset tulad ng logo ng kumpanya mo at mga tema ng kulay ng brand mo mula sa Library sa Creative Cloud, para abot-kamay mo lang ang mga karaniwang graphic element.
- Gawing handang i-export ang file mo para sa pag-print o iba pang paggamit. Magdagdag ng hyperlink sa anumang mahahalagang bahagi para sa digital viewing (tulad ng link sa site mo site sa logo mo), at i-save ang flyer mo bilang PDF.
- Mag-publish ng digital na bersyon ng flyer mo. I-share ang URL sa social or email nang walang kahirap-hirap o i-embed ito sa blog o website mo.
I-print ang flyer mo.
I-save at i-export ang flyer mo sa maraming format. Sumubok ng iba't ibang uri ng papel o card stock at suriin ang mga opsyon sa coating tulad ng mga glossy o matte na finish para makuha ang pinakamagandang hitsura para sa mensahe mo.
Mag-design ng digital na flyer nang mabilis gamit ang Adobe Express.
Gamit ang Adobe Express, makakagawa ang sinuman sa team mo — anuman ang antas ng kakayahan niya sa pag-design — ng magandang graphic flyer, poster, o web page on the go. Sa pamamagitan ng mga nako-customize na template ng flyer ng negosyo, napakadali na ngayon na gumawa ng nakakahimok na content. Sagot ka ng flyer generator ng Adobe Express sa napakaraming nakaka-inspire na design na maganda sa print o social media.
Makakuha ng inspirasyon.
Magsimula sa pamamagitan ng pag-explore sa dose-dosenang sample na poster at leaflet para sa anumang tema o okasyon. Pumili ng isa at gawin itong sarili mo gamit ang iba't ibang nako-customize na field. Mag-scroll sa mga variation ng design at sumubok ng iba't ibang kulay, tema, graphics, at typeface.
I-share ang Adobe Express flyer mo sa social o sa web.
May mga template ang Adobe Express na partikular na ginawa para sa iba't ibang social media platform, tulad ng Instagram at Facebook. Kapag na-customize mo na ang template mo at masaya ka na sa design mo, binibigyang-daan ka ng Adobe Express na baguhin ang laki ng file mo para umangkop sa anumang channel. O i-save para i-print bilang JPEG o PDF.
Sa pamamagitan ng Creative Cloud para sa mga team, may access ang negosyo mo sa Adobe Express, InDesign, at marami pang world-class na application para makagawa ng magagandang flyer at iba pang marketing material. Dagdag pa rito, pinapanatili ng mga naka-share na library ng asset ang bawat logo, color palette, at text style na tumutugma sa brand at abot-kamay, na bumubuo ng mga kahusayan sa mga workflow ng team mo na nakakatipid ng oras at pera.
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Tumuklas ng mga app na pwede mong gamitin para gumawa ng mga flyer.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.