https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/creativecloud/photography/sticky-banner/default

Aling uri ng photography ang bagay sa iyo?

Saan ka man interesado, mga tao, hayop, kalikasan, pagkain, o fashion, may uri ng photography na para sa partikular na subject matter na iyon. Pwede mong kunan ng larawan ang lahat ng bagay sa mundo. At pwedeng nakakalula ang dami ng mga opsyon. Tuklasin ang iyong landas sa listahang ito ng mga genre na bukas sa mga hobbyist at professional photographer.

Kunan ng larawan ang kalikasan.

Kung interesado ka sa mga halaman, hayop, o outdoors, baka bagay sa iyo ang ganitong mga uri ng photography.

Nature photography: Makakuha ng mga tip para sa pag-capture ng malawak na outdoors at wildlife photography. Dahil kailangan mong mag-adjust sa lagay ng panahon at hindi mo palaging makokontrol ang lighting, mahalagang magplano nang maaga, gusto mo mang kumuha ng mga larawan ng mga bundok, puno, o usa.

Landscape photography: Alamin pa ang tungkol sa timing, lighting, at mga technical challenge ng pag-capture ng magagandang tanawin, mapupunong kagubatan, o malalawak na disyerto. Makakuha ng mga tip mula sa mga landscape photographer tungkol sa pangangailangan ng tripod at kung aling mga lens at mga shutter speed ang pinakamainam.

Astrophotography: Para sa mga taong mahilig tumingala at mamagha sa langit tuwing gabi, ang astrophotography (isang uri ng long exposure photography) ay genre ng photography na magandang i-explore. Gamit ang mga tripod at napakatatagal na shutter speed, pwede kang mag-capture ng magagandang starscape, time-lapse image, at light painting na nagpapakita kung paano gumagalaw ang mga bituin sa langit habang umiikot ang mundo.

Storm photography: Kung napukaw ng kalangitan sa loob ng troposphere natin ang interes mo, pwede mong pag-aralan ang lagay ng panahon at kumuha ng magagandang larawan sa pamamagitan ng lighting at storm photography. Mahalaga ang angkop na gear at pag-iingat kapag nagshu-shoot ng lagay ng panahon. Kung may tiyaga, pagsasanay, at tamang timing, makakakuha ka ng napakababagsik na larawan.

Pet photography: Maging malapit sa mga hayop at kumuha ng larawan ng mga alagang hayop ng mga tao. May mga espesyal na hamon sa animal photography, pero kapag naghanda ka at may kakayahan kang umangkop kapag may shoot, makakakuha ka ng magagandang shot. At, malalaman mo ang ilang post-processing technique para mapalitaw ang kulay sa mga larawan ng mga aso at pusa na madilim ang balahibo.

Macro photography: Mula sa mga insekto at maliliit na ibon hanggang sa mga extreme close-up ng mga bulaklak at prutas, mukhang buhay na buhay ang maliliit na bagay sa mga macro na larawan. Kailangan ng macro lens para ma-capture ang mga larawang ito, at napakakitid ng plane of focus, kaya kailangang steady ang workspace. Pero sa tulong ng mga photography tip at payo mula sa mga pro, pwede mong siyasatin ang daang ito patungo sa mas maliit na mundo.

Flower photography: Para sa mga taong mas interesado sa mga bulaklak kaysa sa hayop, ang larawan ng mga bulaklak ay genre ng photography na magandang i-explore. Ang mga passive subject na ito ay magandang paraan para malaman ng mga baguhan ang tungkol sa shallow depth of field, lighting, exposure, at iba pang kasanayan.

Collage ng iba't ibang uri ng larawan ng cityscape at structure

Mag-capture ng mga cityscape at structure.

Pwedeng maging artistic o commercial kapag kumukuha ka ng larawan ng mga man-made structure, at magkakaiba ang mga tip para maipakita ang mga building sa pinaka-compelling na paraan, depende sa layunin mo.

Architecture photography: Mula sa mga shot ng mga skyscraper hanggang sa mga gothic na gargoyle, ang architectural photography ay para ipakita ang mga interesanteng vantage point ng mga building at ipamalas ang mga kakaibang feature ng mga ito. Makakatulong ang wide-angle lens at kaalaman kung paano mag-shoot sa natural light.

Real estate photography: Para sa mas commercial na pananaw sa building photography, nagbibigay ang real estate photography ng oportunidad para bumuo ng career sa pag-capture ng mga larawan ng bahay. Makakatulong ang payo sa mga technical na opsyon tungkol sa gear at lighting na bumuo ng pundasyon para mapahusay ang mga kasanayan mo sa real estate photography.

Drone photography: Pwede kang kumuha ng mga larawan ng kalikasan mula sa himpapawid, pero may partikular na natatanging pananaw na naibibigay ang mga drone sa mga larawan ng mga building, highway, at tulay. Tuklasin ang mga hamon kapag nag-pilot ka ng drone para kumuha ng mga larawan at makakuha ng payo tungkol sa kung paano makuha ang pinakamagagandang image mula sa bird’s eye view na ito.

Aerial photography: Kasama sa aerial photography ang kahit anong larawan na kinuha mula sa mas mataas na perspective, kasama ang mga drone. Gusto mo mang subukan ang photography mula sa helicopter o sa tuktok ng skyscraper, siyasatin ang lahat ng detalye nitong sky-bound na paraan ng pag-shoot.

Collage ng iba't ibang uri ng style ng larawan

Makipagtulungan sa mga tao.

Mula sa fashion photography hanggang sa mga personal na portrait, ang ganitong mga uri ng photography ay tamang-tama kung gusto mong kumukuha ng larawan ng mga tao.

Portrait photography: Kailangang maging bihasa ang mga portrait photographer sa paggamit ng camera nila at kailangan nilang magkaroon ng kakayahang gawing kumportable ang subject. Ang magandang portrait ay hindi lang magandang larawan ng isang tao, inilalahad nito ang kwento niya. Makakuha pa ng impormasyon tungkol sa portrait lighting at mga pose nang nakaupo at mga pose ng kamay para sa mga subject mo para gumanda ang mga shoot mo.

Headshot photography: Ang mga headshot, na mas commercial na uri ng portrait photography, ay mga professional na larawan na ginagamit sa mga resume, website, at social media profile. Alamin ang pagkakaiba ng mga headshot at mga portrait at alamin kung paano kumuha ng magandang business-ready shot ng isang subject.

Fashion photography: Makipagtulungan sa mga model para gumawa ng mga stylish na photoshoot. Gusto mo man ng runway photography, catalog, o mga editorial shot, mahalaga ang kakayahang sundin ang direksyon ng client at gabayan ang mga model, habang kumukuha ng magagandang shot.

Sports photography: Bagama't mas nauugnay ang pagdokumento ng live sports sa photojournalism, mas maipapakita ng mas commercial na sports photography ang mga damit at produkto, na karaniwang isinusuot ng atleta. Alinman uri ng larawan sa sports ang gusto mong kunin, mahalaga ang kakayahang magtrabaho sa mga fast-paced na environment katuwang at kasama ang mga tao.

Documentary photography: Idokumento ang mga event sa komunidad at iba pang mahalagang aspeto ng buhay ng mga tao sa genre na ito para sa mga nangangarap na maging photojournalist o sa kahit sinong mapag-usisa. Hindi tulad ng curated na photoshoot kung saan mababago at maa-adjust ng photographer ang model o mga nasa paligid nito, sa documentary photography, gustong makuha ang realidad, at maglahad ng tunay na kuwento sa pamamagitan ng mga larawan.

Collage ng iba't ibang uri ng mga lifestyle photo

Kumuha ng mga lifestyle photo.

Mula sa mga napakahalagang okasyon hanggang sa mga simpleng sandali ng pang-araw-araw na buhay, kumuha ng mga larawan ng mundo at mga taong nasa paligid mo sa mga style na ito ng candid photography.

Street photography: Ang pinakamagandang lugar para magsimula para sa mga nangangarap na maging photographer, nakatuon ang ganitong uri ng lifestyle photography sa pag-capture ng buhay sa partikular na setting. Mula sa mataong palengke hanggang sa isang eksena mula sa lokal na parke, kung maliksi ka para maghanap ng mga bagong perspektibo habang binabantayan ang paligid mo, makakapag-shoot ka ng interesanteng street photography.

Wedding photography: Ang event photography ng pinakamahalagang araw ng buhay ng isang couple ay malaking responsibilidad. Sa tulong ng tamang equipment, pagsasanay, at paghahanda, makakakuha ka ng magagandang larawan ng kasal. Alamin ang mga technical at environmental na detalye na kailangan ng mga wedding photographer para mag-shoot ng mga larawan sa isang mahaba at mabusising araw ng kasal.

Collage ng iba't ibang uri ng mga lifestyle photo

Alamin ang mga kakayahan sa commercial photography.

Kung gusto mong pagkakitaan ang hobby na photography, baka magustuhan mo ang ganitong mga uri ng photography.

Food photography: Ang kakayahang kumuha ng mga nakakatakam na shot ng pagkain ay makakatulong sa iyong makakuha ng mga commercial gig, kung saan gagawa ka ng mga ad ng restaurant, mga larawan ng menu, at mga image para sa mga hospitality website. Isa rin itong kakayahang mainam na pahusayin kung gusto mong mag-post ng mga katakam-takam na shot sa social media. Pwede pang ibenta ng mga food photographer ang lisensya na gamitin ang gawa nila bilang stock photography. Alamin ang kalakaran para matulungan kang kumuha ng magagandang larawan ng pagkain.

Product photography: Mula sa sneakers, camping equipment, hanggang sa makeup, ipinapakita ng mga product photographer ang mga produkto ng iba't ibang brand sa malilinaw at nakakaengganyong larawan. Mag-explore ng mga tip para sa pag-style at pag-edit ng mga shot ng mga produkto.

Collage ng iba't ibang uri ng mga artistic na larawan

Gumawa ng mga artistic shot.

Tumuklas ng mga bagong paraan para gumawa ng mga interesanteng image sa pamamagitan nitong iba't ibang exploration ng photographic art.

Still life photography: Tulad ng style ng painting na kapareho nito ng pangalan, kasama sa still life photography ang mga larawan ng mga inanimate na bagay na iniayos sa isang partikular na composition. Mula sa traditional na bowl ng prutas hanggang sa iba't ibang interesanteng item sa garage sale, malawak na kategorya ang still life. Ang mga kakayahang kailangan para kumuha ng still life ay makakatulong din sa career path patungo sa food at product photography.

Black-and-white photography: Ang stark na uri ng photography na ito ay bagay sa nakaka-inspire na artistic output, pero kapaki-pakinabang na pagsasanay rin ito para malaman ang mga foundational na kakayahan sa photo composition, nang hindi naaabala ng kulay.

Fine art photography: Mula sa still life, mga landscape, at maging mga portrait, ang ganitong uri ng photographic expression ay nakabatay sa photographer. Ang mga subject at mga shot na kinuha para lang talaga sa artistic na layunin ang dahilan kung bakit ikinakategorya ang mga larawang ito bilang fine art.

Double exposure photography: Ang double exposure, na dating manual na photo effect na ginawang mas accessible ng digital editing software, ay nagpapatong ng dalawang image para gumawa ng bagong image. Alamin ang technique, pagkatapos ay sundin ang inspirasyon mo at gumawa ng mga bagong uri ng mga double-exposed na larawan.

Surreal photography: Kung mga provocative na image ang gusto mo, magandang genre na i-explore ang surreal photography. Ipinapakita ng surrealism ang mga natutukoy na image sa mga natatangi at mala-panaginip na paraan. Ito ang medium na bagay subukan kung interesado kang gumawa ng mga composite image mula sa mga dati nang larawan.

Abstract photography: Ang mga abstract ay nauugnay sa point of view. Mag-zoom in sa bitak-bitak na lupa o mag-zoom out sa isang aerial shot para makakuha ng mga interesanteng perspective. Kung interesado kang kumuha ng mga kakaibang pananaw ng mga pamilyar na bagay at landscape, ito ang uri ng photography para sa iyo.

Alinman sa mga sikat na uring ito ng photography ang gusto mong subukan, makakatulong sa iyo ang mabuting pag-unawa sa mga foundational na kakayahan sa photography. Alamin pa ang tungkol sa focal length, shutter speed, ISO, aperture, at depth of field. At pahusayin ang mga kakayahan mo sa iba't ibang guidelines sa photo composition, tulad ng rule of thirds. Para sa mga talagang baguhan, alamin pa ang tungkol sa kung DSLR o mirrorless camera ang bagay sa iyo. Paano ka man magsisimula, kung mayroon kang mga editing tool tulad ng Adobe Lightroom at Photoshop, pwede mong i-enhance o pwede kang magdagdag ng mga filter sa mga larawan, at marami pang iba. Napakarami pang dapat matuklasan, pero ang unang hakbang ay pumili ng subject o genre at lumabas at mag-shoot.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-lightroom-color-blade

Baka magustuhan mo rin

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/seo-caas-collections/photo-caas-collection