Mula sa unang sketch hanggang sa natapos na asset, nang hindi kailangang lumipat ng app.

Ang Firefly Design ay ang modernong multi-medium design app na sumusuporta sa mga propesyonal na workflow mula sa konsepto hanggang sa review at delivery.​ Gumagawa ka man ng mga brand o campaign, puwede mong gamitin ang vector, raster, motion, at 3D nang hindi lumilipat ng app. Pagkatapos, manual na mag-edit gamit ang mga tumpak na kontrol, o ipaubaya ang paulit-ulit na gawain sa produksyon sa isang AI agent.

Paano gamitin ang Firefly Design.

Bakit dapat gamitin ang Firefly Design?

Ang Firefly Design ang una sa uri nito para sa mga propesyonal sa disenyo. Pinagsasama nito ang lahat ng kailangan mo sa disenyo sa iisang workspace at nagbibigay ng agentic assistance kung kailan mo gusto. Bukod dito, kasama rin ang native na interoperability ng Creative Cloud at ang pangangalaga ng mga Adobe asset at mga Adobe font.

#FFF

Mas mabilis na pag-set up ng artboard

I-drop lang ang mga brand guideline, isang hero image, at mga reference shot sa AI Assistant, at makakakuha ka ng unang draft na may style, mga kulay, at typography na nakalagay na.

#FFF

Mag-design ng logo gamit ang mga tumpak na tool

Gumuhit ng logo gamit ang pen tool, pagkatapos ay i-branch ang path sa kalagitnaan ng stroke gamit ang Vector Networks sa halip na magsimula ng bagong hugis. Sa Firefly Design, madali kang makakarating mula sa isang path hanggang sa kumpletong logo.

#FFF

Maging kakaiba gamit ang motion

Gawing motion clip ang isang static na headline o logo sa pamamagitan ng pag-type ng dating na gusto mo — maging playful, bold, o soft. I-customize ito gamit ang mga kontrol para sa mga key frame at easing, pagkatapos ay i-export bilang clip nang hindi nagbubukas ng ibang app.

#FFF

Maayos na client feedback

Makakuha ng feedback mula sa client nang hindi aalis sa iyong file. Markahan ang mga artboard para sa review, magpadala ng imbitasyon, at darating ang mga komento sa pamamagitan ng client portal.

May tanong? May sagot kami.

I-share ang page na ito.