Kung napakahusay gumana ng mga workflow namin, iyon ay dahil mahusay talaga ang mga ito.
Higit pa sa mga proseso sa signature, gamit ang Acrobat Sign, pwede kang gumamit ng mga tool sa visual design para i-automate ang bawat gawain sa workflow ng dokumento mula sa simula hanggang sa katapusan para mas pahusayin ang pag-manage sa workflow.
Iruta ang mga dokumento sa tamang pagkakasunod-sunod
Gamit ang Acrobat Sign, magagawa ng sinuman sa organisasyon mo na mag-angkop at mag-automate ng mga workflow ng dokumento para makakuha ng mga electronic signature, mangolekta ng data sa form, magkumpirma ng paghahatid ng mahalagang dokumento para i-streamline ang pag-manage ng workflow, at isulong ang negosyo sa pinakakaunting hakbang hangga't posible.
- Magtalaga ng mga role kabilang ang signer, tagapag-apruba, tagatanggap, tagasagot ng form, certified na recipient, at tagapagtalaga
- Magruta sa mga recipient sa partikular na pagkakasunod-sunod
- Mag-imbita ng maraming kalahok sa iisang kahilingan
- Payagan ang sinuman sa grupo na lumagda o tumugon
- Mag-set up ng mga paalala at notification
Gumamit ng mga reusable na template para sa mga team mo.
Pinapadali ng visual na Workflow Designer sa Acrobat Sign na gumawa ng mga reuseable na template ng workflow na makakatulong sa mga user na iwasan ang mga karaniwang pagkakamali at tiyakin ang mga consistent at walang maling resulta. Simple lang na tukuyin ang sumusunod:
- Mga dokumentong isasama sa kasunduan
- Mga katangian ng mga kalahok
- Mga field ng form na ipe-prefill ng sender
- Expiration ng kasunduan o mga opsyon sa password
- Mga tagubilin para sa mga user
I-automate ang mga proseso nang end to end.
Gumawa ng mga online at self-serve na experience na tutulong sa mga customer, partner, o empleyado na simulan ang mga proseso ng negosyo, at awtomatikong simulan ang tamang workflow para sa tamang sitwasyon.
1. Magsimula ng bagong proseso.
Gumawa ng mga HTML form para i-prequalify ang mga bagong kahilingan at piliin ang tamang form o package ng dokumento para sa tamang sitwasyon.
2. I-trigger ang mga susunod na hakbang.
Gamitin ang conditional logic para iruta ang bawat kahilingan nang tama, para awtomatikong lilipat ang mga dokumento mula sa isang gawain papunta sa susunod.
3. Kumilos.
Awtomatikong iruta ang mga gawain sa mga tamang tao. Mag-ayos ng mga dokumento, sumuri, mag-apruba, lumagda, maghatid, at marami pa.
4. Gumamit ng mga dashboard.
Mag-manage ng mga nalagdaan at natanggap na dokumento, bumuo ng mga ulat, at makakuha ng real-time na visibility sa mga cycle ng dokumento.
Mega Sign. Mula sa isa. Hanggang sa Marami.
Alisin ang stress na dulot ng paghahabol ng mga signature mula sa daan-daang tao. Kapag kailangan mong palagdaan sa napakaraming tao ang iisang kasunduan — at gusto mong naka-personalize ito para sa bawat signer — gawin ito sa kaunting mabibilis na hakbang gamit ang feature na Mega Sign feature sa Acrobat Sign. I-import lang ang listahan mo. Piliin ang form mo. At pindutin ang I-send.
Gumawa rin nang mas marami sa mga enterprise application mo.
I-streamline ang pag-manage mo ng dokumento gamit ang mga prebuilt na integration ng Acrobat Sign. Gumagana ang mga ito sa mga enterprise application na ginagamit mo na — kabilang ang Salesforce, Workday, Apttus, Ariba at marami pa — at handa nang gamitin, nang hindi nangangailangan ng pag-code.
Tingnan ito sa Salesforce.
Native na gumagana ang Acrobat Sign integration sa mga template ng kasunduan sa Salesforce. Sa ilang mabilis na click lang, mapipili mo ang pinakabagong bersyon ng kasunduan, na na-prepopulate ng impormasyon ng customer, at i-send ito para palagdaan — mula mismo sa Salesforce o sa Salesforce mobile app.
Ano pa ang kailangan mong malaman?
Sumunod sa mga pinakamabusising legal na kinakailangan. Madali lang ito sa Acrobat Sign.
Marami ka pa bang gustong malaman?
Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong pangangailangan sa negosyo, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.