mga gumuhong bato

Tukuyin ang ayaw mo: Gabayan ang AI art mo gamit ang mga negatibong prompt.

Kung minsan, kailangan mo lang alamin kung ano ang mga ayaw mo. Subukang tukuyin ang mga element na ayaw mong isama sa mga image mo.

101 sa Mga negatibong prompt.

Karagdagang tool lang ang mga negatibong prompt para gabayan ang mga generator ng AI art. Katulad ng paggamit mo ng text para i-prompt ang engine na gumawa ng mga image na may mga partikular na element, pwede kang gumamit ng text para i-prompt ito na iwasan ang iba.

Kailan mo dapat gamitin ang mga negatibong prompt sa pag-generate ng AI art?

Magdagdag ng mga negatibong prompt sa tuwing gustong mong limitahan ang mga parameter ng AI-generated art mo. Halimbawa, sabihin nating na-type mo ang “itim na pusang kinakalmot ang isang sofa sa isang eleganteng sala” at ginamit ng generative AI model ang kaalaman nito sa mga itim na pusa, sofa, at eleganteng sala para mag-generate ng image. Posibleng may mga house plant ang lahat ng magiging resultang image (dahil elegante ang mga ito), pero kailangan mo ng image na walang halaman dahil hindi ka sigurado kung masama sa mga pusa ang alinman sa mga halamang iyon.

 

Dito papasok ang mga negatibong prompt. Pwede mong turuan ang AI na huwag isama ang mga house plant, halamanan, mga dahon, at mga bulaklak, at mag-generate ng bagong image na walang halaman, kaya nababawasan ang anumang panganib sa makulit na kaibigang pusa natin.

 

Hindi mo man palaging makuha ang mga gusto mong resulta gamit ang mga negative prompt, pero makakapagdagdag ang mga ito ng higit pang gabay at makakatulong sa iyo sa paggawa ng mga image na malapit sa iniisip mo.

kastilyo sa beach

Bakit dapat gumawa ng AI art gamit ang mga negatibong prompt.

Maituturing nang art ang pag-iisip ng mga epektibong AI art prompt, pero may magagandang rason para i-explore ang mga negatibong prompt habang nagge-generate ka ng mga image gamit ang AI.

Magdagdag ng mga partikular na detalye.

Kapag mas partikular ang mga prompt mo, mas malamang na matuwa ka sa mga resulta. Nagbibigay-daan lang sa iyo ang mga negatibong prompt para magdagdag ng higit pang gabay sa pamamagitan pagpigil sa ilan sa mga pasyang posibleng gawin ng AI.

 

Kung susubukan mo ang prompt na, “Mga gumuhong bato na tinubuan ng mga halaman, tropikal na gubat, background sa video game,” posible mong asahan ang pakiramdam na halos kinakain na ng kagubatan ang mga bato at hinaharangan ang liwanag. Pwede mong subukang magdagdag ng mga negatibong prompt na “langit,” “araw,” at “bundok na tanawin” para alisin ang mga element na ginagawang parang mas malawak ang image.

Gamitin ang creativity ng AI.

Dalhin ang AI image generation mo sa bago at hindi pa nasusubukang direksyon sa pamamagitan ng paghiling sa AI na gumawa ng mga abstract na konsepto at pagkatapos ay pag-aalis sa mga mas kongkretong element na ginawa nito. Halimbawa, subukang i-prompt ito para mag-generate ng “kapayapaan at katahimikan.” Pagkatapos ay hilinging alisin ang mga malinaw na element na makikita mo sa mga magiging resultang image, tulad ng araw, ang taong nagme-meditate, o ang mga puno, at mag-generate ulit para sa ibang mga resulta.

Gamitin ang sarili mong creativity.

Nangangailangan ng matindi at creative na problem solving ang pag-generate ng mga image sa AI. Pwede kang maglaan ng maraming oras sa pagsubok ng iba't ibang ideya sa prompt, kumbinasyon ng mga positibo at negatibong prompt, at iba't ibang effect o style influence. Sa huli, posibleng makuha mo ang mismong hinahanap mo, o posibleng makadiskubre ka ng isang bagay na ganap na nakakabigla na mas magugustuhan mo pa kasya sa orihinal mong naisip.

Paano gamitin ang mga negatibong prompt sa Firefly.

Sundin ang mga hakbang na ito para sabihin sa Firefly kung ano ang hindi isasama sa mga image mo.

Logo ng Adobe Firefly

1. Buksan ang Firefly.

Pumunta sa Text to Image module ng Adobe Firefly.

2. Mag-generate ng mga image.

I-type ang mga prompt mo sa field ng prompt at i-click ang I-generate para makita ang mga resulta. (Makakuha ng mga mas detalyadong tip sa kung paano gumawa ng AI-generated art.)

Firefly generated na cute na lampara ng sanggol na may iba't ibang background
paano makita ang mga advanced na setting

3 Buksan ang Mga Advanced na Setting.

Kung makakakita ka ng mga element sa mga resultang image na gusto mong alisin, pumunta sa control panel sa kanan, mag-scroll pababa, at i-click ang Mga Advanced na Setting.

4. Idagdag ang negatibong prompt mo.

Mag-type ng hanggang sampung element sa field ng prompt na ayaw mong isali sa image.. Pwede mong paghiwalayin ang mga ito sa pamamagitan ng mga kuwit o pag-click ng Enter o Return.

Paano hindi magsali sa image sa Firefly
Firefly generated na image ng mga tupang walang ulap

5 Mag-generate.

I-click ulit ang Mag-generate at tingnan ang mga resulta.

Kung hindi gagana ang mga negatibong prompt, gamitin ang Generative Fill.

Kung minsan, posibleng hindi mo makuha ang gusto mong resulta gamit ang mga negatibong prompt. Sabihin nating nag-generate ka ng image ng “mga tasa ng kape sa mesa” pero napakaraming pulang tasa ng kape sa mga resulta mo. Ayaw mo ng pula pero mukhang hindi maaayos ng hindi pagsali ng “pula” ang isyu.

 

Pwede kang sumubok ng dalawang paraan para alisin ang mga element na hindi naalis kahit pa gumamit ka ng mga negatibong prompt: Baguhin ang mga orihinal mong text prompt at mag-generate ng mga bagong image o gamitin ang Generative Fill bilang isang AI image enhancer para ma-edit ang mga partikular na area sa image na gusto mong baguhin.

 

Para buksan ang workspace ng Generative Fill, i-click lang ang I-edit sa kanang bahagi sa itaas ng image na gusto mong i-edit. Pagkatapos ay pwede mong alisin ang ayaw mo o palitan ito ng mga bagong object (tulad ng mga asul na tasa ng kape) gamit ang mga bagong text prompt.

negatibong prompt na may aso at vase

Patuloy na mag-eksperimento sa Firefly.

Ang isa sa mga kamangha-manghang feature ng generative AI ay ang makakakuha ka ng magkakaibang resulta sa tuwing magje-generate ka ng mga image. Kapag sinusubukan mo ang iba't ibang prompt, negatibong prompt, effect, at tool na tulad ng Generative Fill, mas maiitindihan mo kung paano gagabayan ang model para makapagbigay sa iyo ng mga kapaki-pakinabang na image.

 

Sa kaunting pagsasanay at pagiging bukas sa biglaang pagtuklas sa Text to Image, malalaman mong makakabuo ng mga bagong ideya ang Firefly at matutulungan kang dalhin ang art mo sa mga bagong direksyon.

May mga tanong? Mayroon kaming sagot.

Ang mga negatibong prompt ay mga text prompt na nagtuturo sa AI model na hindi dapat nito isali ang mga partikular na element sa mga na-generate nitong image.

Makakapagbigay ng karagdagang gabay ang mga negatibong prompt sa AI model, inaalis ang ilang magiging resultang image na hindi angkop sa mga pangangailangan ng user.

Tumutulong ang mga negatibong prompt na alisin ang mga hindi gustong element sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga ito sa pag-generate ng AI art. Kung “pagtitipon ng pamilya sa bahay para sa hapunan kasama ang aso nila,” ang prompt mo at gusto mo ang lahat ng uri ng aso maliban sa mga pug, pwede mong i-type ang “pug” sa negatibong field ng prompt, at hindi isasali sa pagbuo ang mga image na may kasamang mga pug.

Oo. Pwede mong gamitin ang mga negatibong prompt para bigyang-diin ang mga partikular na aspeto ng mga positibong prompt. Kung gusto mong gumawa ng image ng isang may matingkad at maliwanag na kulay na garden lake na may mga flamingo at tropikal na bulaklak, halimbawa, pwede kang magdagdag ng mga negatibong prompt na tulad ng “mga malamlam na kulay,” “anino,” at “medyo madilim na berde,” para ayusin ang brightness ng image.

Pumunta sa hinaharap gamit ang Adobe Firefly.

Gumamit ng generative AI at mga simpleng prompt para gumawa ng output na may pinakamagandang kalidad — mga image, text effect, color palette, at marami pa.

Posibleng magustuhan mo rin ang

 Firefly generated na astronaut na may multi colored na kalawakan bilang background
 Firefly generated na babaeng pinapalibutan ng mga ulap at paruparo
 Firefly generated na golden forest
 Firefly generated na paruparo na nasa lupa