Ano ang mga 3D texture at paano mo magagawa ang mga ito?
Isang mahalagang hakbang sa 3D modeling ang paggamit ng mga texture. Isipin mo ang mga texture bilang damit o balat ng isang 3D object. Kinokontrol ng pagte-texture o paglalagay ng mga materyal ang lahat ng bagay mula sa kulay hanggang sa pisikal na hitsura.
Ano ang 3D texturing?
Image ni Jean-Bastien Juneau-Rouleau.
Pumili ng uri ng materyal at texture.
Mga uri ng mga materyal:
Mga basic na materyal.
Physically based rendering (PBR).
Naging posible ang mga PBR material dahil sa paghusay ng RAM sa computer hardware, na nagbibigay-daan para sa mga mas kumplikadong algorithmic na computation. Ang mga PBR material ay may hanay ng mga parameter na pwedeng baguhin ng mga artist para tumpak na magaya ang mga surface sa totoong mundo. Pwedeng ilipat sa anumang scene ang isang PBR material, anuman ang configuration ng lighting, at lalabas ito nang naaayon dito.
May sampung iba't ibang uri ng mga map na ginagamit sa PBR:
1. Albedo
2. Normal
3. Roughness
4. Metalness
5. Specular
6. Height
7. Opacity
8. Ambient occlusion
9. Refraction
10. Emissive color
Hindi bihirang makakita ng mga hindi PBR material, gayunpaman, hindi standardized ang mga ito, kaya posibleng malaki ang pagkakaiba sa diskarte ng bawat program na gumagamit sa mga ito.
Mga yugto ng pagte-texture ng mga 3D model.
UV unwrapping.
Pag-paint at pag-shade ng texture.
Lighting at pag-render.
Mga image ni Jean-Bastien Juneau-Rouleau.
Paano gumawa ng mga 3D texture.
1. Nagsisimula sa modeling ang magandang pagte-texture.
Ang isang model na may hindi magandang topology ay magiging napakahirap na i-UV unwrap at i-texture. Dahil sa tiling na katangian ng mga materyal at pagte-texture, kadalasang hindi naiiwasan ang mga seam, at kapag hindi napamahalaan nang mabuti ay pwedeng magdulot ang mga ito ng mga isyu sa magiging hitsura ng texture. Halimbawa, posibleng may lumabas na matinding seam kung saan hindi lohikal na aktwal na magkaroon nito. Nagdudulot ito ng nakikitang linya sa isang texture kung saan hindi maayos na magkatabi ang dalawang texture.
Kapag nag-model ka gamit ang Substance 3D Modeler, hinding-hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa mga polygon o UV unwrapping. Gumagamit ang Modeler ng voxel-based na pamamaraan, na nagbibigay-daan sa iyong mag-sculpt ng model na para bang gumagamit ka ng clay. Kapag tapos ka na, gagawin ng Modeler ang pag-convert ng sculpt mo sa isang mesh at iu-UV unwrap din ang mesh para sa iyo.
2. Mag-paint nang real-time.
3. I-photo scan ang mga sarili mong materyal.
Image ni Jean-Bastien Juneau-Rouleau.
Alamin pa ang tungkol sa mga 3D texture.
Isang napakahalagang hakbang ang pagte-texture sa bawat 3D pipeline. Isa rin itong kapaki-pakinabang na paraan para sa creativity at pagpapahayag. Pine-paint mo man ang mga texture mo nang mano-mano o gumagawa ka man ng mga photorealistic na materyal, nakasalalay sa tamang paggawa sa hakbang na ito ang proyekto mo.
Para malaman pa ang tungkol sa kung paano ka makakagawa ng mga kamangha-manghang texture gamit ang Substance 3D, tingnan din ang kapaki-pakinabang na gabay na ito.
Mga Madalas Itanong
PAANO AKO MAKAKAKUHA NG MGA 3D TEXTURE?
Bilang bahagi ng Substance 3D, nagbibigay kami sa mga subscriber ng access sa Substance 3D Assets, isang patuloy na lumalaking library na kasalukuyang mayroong mahigit 15,000 asset. Kasama rito ang maraming pre-built na materyal at texture na magagamit mo sa mga personal at commercial na proyekto.
Pwede ka ring gumawa ng mga custom na materyal mula sa simula gamit ang Substance 3D Sampler, Designer, at Painter.