Mga totoong layout. Talagang mabilis.

Gumawa ng mga layout sa telepono o tablet mo gamit ang mga natural na galaw sa pagguhit. Kino-convert ng Comp ang magugulong hugis at linya mo sa malinaw na graphics. Kumuha ng mga vector na hugis, image, kulay, at text style mula sa iyong Mga Library sa Adobe Creative Cloud at mga propesyonal na font mula sa Adobe Typekit, at ipadala ang mga comp mo sa Adobe Photoshop, Illustrator, o InDesign na tatapusin sa desktop mo.

Tingnan kung paano ito gumagana ›

 


Google Play
App Store

Marquee ng Adobe Comp

Paggana ng Comp.

Mag-explore ng mga ideya at gumawa ng mga layout na handa para sa produksyon sa mobile device mo nang tuloy-tuloy at walang kahirap-hirap gaya ng pagguhit sa papel. Binibigyang-daan ka ng tuloy-tuloy na workflow na mag-drop ng larawan sa layout, i-edit ito sa Photoshop Mix o Photoshop Fix, at makita ang mga na-update na resulta agad-agad sa mobile device o desktop mo. At gamit ang bagong Split View, puwede mong pagtabihin sa iisang screen ang mga layout at library mo. 

 

 

Mga layout kahit saan

Mga layout kahit saan

Gumawa ng mga layout sa print, web, at mobile kahit saan. Dalhin ang mga ideya mo sa iPad o iPhone mula sa isip mo — nang mabilis.

Gumagana sa mga asset sa Adobe Stock

Gumagana sa mga asset sa Adobe Stock

Pagandahin ang iyong mga layout sa Comp gamit ang mga image at graphics sa Adobe Stock. Puwede mong bigyan ng lisensya ang mga asset sa Adobe Stock mula mismo sa Comp.

Gumuhit nang natural at mas tumpak

Gumuhit nang natural at mas tumpak

Mag-design gamit ang mahuhusay na galaw sa pagguhit. Ginagawa ng Comp na malinaw na graphics ang hindi pantay na parisukat o tabinging bilog. Kailangan ng placeholder na text? Gumuhit lang ng parihaba na may kaunting diretsong linya sa loob nito. At gumamit ng mga grid, gabay, at tool sa pag-mask para makuha ang kontrol na kailangan mo.

Mga Library sa Creative Cloud

Mga Library sa Creative Cloud

Magtrabaho gamit ang mga kulay, image, graphics, at text style na ginagamit mo rin sa mga app tulad ng Photoshop, Illustrator, at InDesign. Maglagay ng mga creative asset sa Comp mula sa naka-share na Mga Library sa Creative Cloud mo o ng team mo.

Mag-edit nang isang beses at mag-update kahit saan

Mag-edit nang isang beses at mag-update kahit saan

Makipag-collaborate nang tuloy-tuloy at panatilihing up to date ang mga image at graphics mo sa Comp, Photoshop, Illustrator, at InDesign dahil sa suporta para sa Mga Naka-link na Asset. Kapag gumamit ka ng Naka-link na Asset sa proyekto mo at may nag-edit nito, mag-a-update ang asset sa pinakabagong bersyon sa file ng proyekto mo.

Tapusin sa desktop mo

Tapusin sa desktop mo

Magsimula ng layout sa Comp sa iPhone mo; balikan ito kung saan ka tumigil sa iPad mo; at tapusin ito sa Photoshop, Illustrator, o InDesign sa desktop mo. Pinapanatili ng Adobe CreativeSync na up to date at naa-access ang mga file mo sa lahat ng device mo.

Abot-kamay na mga font

Abot-kamay na mga font

Pumili mula sa mga pampropesyonal na font mula sa library ng Typekit — ang mga font na ginagamit mo rin sa desktop mo. Binibigyan ka ng Comp ng kontrol sa spacing ng linya at letra, laki, alignment, at marami pa. 

Mag-share at makipag-collaborate

Mag-share at makipag-collaborate

Walang kahirap-hirap na i-share ang mga layout mo at makipag-collaborate sa mga kliyente at kasamahan. Mag-publish ng gawa na kasalukuyang ginagawa sa Behance para makatanggap ng feedback mula sa komunidad sa paglikha.

 

Impormasyon at Suporta

Matutunan ang Comp gamit ang mga tutorial naming madaling sundin, o maghanap ng mga sagot sa mga forum at FAQ.

Magsimula

Magsimula

Mga karaniwang tanong

Mga karaniwang tanong

Magtanong sa komunidad

Magtanong sa komunidad

Hindi lang mock-up. Mga totoong asset para sa mga totoong proyekto.

Shifter Day Pack
Bikes & Beans
Iplano ang paglalakbay mo

Simulan ang mga layout mo sa print, web, at mobile gamit ang mga aktwal na asset sa halip na mga placeholder. I-edit at tapusin ang mga design mo sa Photoshop, Illustrator, o InDesign.


Icon ng Creative Cloud

Nakakonekta sa Creative Cloud.

Maayos na gumagana ang Comp sa Creative Cloud, at ikinokonekta ka nito sa lahat ng asset mo — mga larawan, kulay, brush, hugis, font, text style, at graphics — sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Adobe CreativeSync. I-save ang mga asset mo sa Mga Library sa Creative Cloud para madali mong ma-access ang mga ito kahit saan.

 

Pinagsasama-sama ng Creative Cloud ang pinakamahuhusay na creative app para sa desktop at mobile sa buong mundo, at mas maraming nakakonektang paraan ng paggawa at pag-share. Alamin pa ›


I-download ang app ngayon. 

 

App Store
Google Play

Mga nauugnay na app


Indesign

Adobe InDesign

Design at layout ng page para sa print at digital na pag-publish.

Photoshop

Adobe Photoshop

Pag-edit at pag-composite ng image.

Illustrator

Adobe Illustrator

Vector graphics at illustration.

Adobe Capture

Adobe Capture

Gumawa ng mga asset na handa para sa produksyon kahit kailan at kahit saan.

Adobe Illustrator Draw

Adobe Illustrator Draw

Vector na pagguhit kahit saan.

Adobe Photoshop Sketch

Adobe Photoshop Sketch

Expressive na pagguhit. 

Adobe Photoshop Lightroom for mobile

Adobe Photoshop Lightroom for mobile

Mag-edit, mag-ayos, and mag-share ng mga image kahit saan.

Adobe Photoshop Mix

Adobe Photoshop Mix

Malikhaing pag-edit ng image sa mobile.

Adobe Photoshop Fix

Adobe Photoshop Fix

Pag-retouch sa Photoshop para sa lahat.